" A Heartfelt Announcement "
Camille's POV
Papaalis na ako ngayon, nakasuot lang ako ng formal dress. A red dress to be exact. Nasa baba na yung sundo ko, pinadala ni aeron. Bisita ako, just so you know.
" Ganda natin ngayon ah. " papuring sabi ni andrea. Nginitian ko siya. Ngiting masaya.
Tinignan ko ang buong katawan ko sa salamin. Wow. This girl is just so gorgeous. Wala akong masabi sa kagandahan niya. Pinagpala.
Sa pagbaba ko hanggang gate namin, nakabukas na ang pintuan ng kotse at handa na ang driver na umalis. Okay.. so I must ready myself mamaya sa party na mangyayari.
*Aeron's House*
Sa pagbaba ko ng sasakyan, maririnig ang ingay dito at mga taong nagsasayahan. Someone held my hand at hindi ko namalayan na si aeron pala iyon. Hindi ko siya napansin.
" You look gorgeous. " sabi niya habang tingin ng tingin sa akin. Nginitian ko siya. Don't want to focus on him now. Naaamaze ako sa kagandahan ng bahay nila.
Ipinakilala niya ako sa kaniyang mga magulang, but beshy iba yung mga tinginan na ibinabato nila sa akin. Di ko magawang gantihan. Ngiti lang ang kaya ko.
" Since your friend is already here, son. Should we start the program? " tanong ng kanyang ina. Aeron nodded his head with a smile.
Pinaupo ako ni aeron sa gitna. Nung una tumanggi ako, kaya lang he insisted. Pinakilala niya ako sa mga kasama ko dito sa table at mukhang mababait naman sila. But I don't trust people so easily.
Ilang sandali ay nagsimulang mag speech ang kanyang ina at ama. Talking about their family. On how they met. On how they handle things that are complicated and were able to find solutions. On how they became successful.
" Now that our son is getting older as the days passed by, he will be the one to managed the company as soon as possible. We wanted our son to be successful also, and be able to have a family. That's why, we immediately arranged the marriage. My son, aeron will be the one to explain it. " sabi ng ama niya. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa. Ano raw? Marriage? Nanlumo ako sa narinig ko, at hindi ko magawang igalaw ang aking mga paa at kamay. I didn't expect this to happen, never in my life.
Ngiting-ngiting umakyat si Aeron papuntang stage. Malapit na pong tumulo yung luha ko, pero pinipigilan ko lang. Wala eh, mahal ko kasi siya kaya ako nasasaktan ng ganito.
" Actually, t'was not my idea of getting married already. My dad and mom decision. Since, I will be the one to managed our company soon, they convinced me to get married dahil ang mapapangasawa ko naman ay ang kapartner namin sa negosyo. They are the closest friends of my mom and dad way back in their high school days. So, their daughter also agree to arranged marriage. Alam ko hindi kami magkakilala, pero we are getting to know each other. " napatingin sa akin si aeron, at sa mga tao. Ngumiti na lamang ako para syempre hindi mahalata ng nasa table na hindi ako masaya.
" Nandito siya ngayon. Gusto niyo siyang makita? " nakangiting tanong niya. Napansin ko na kanina pa nagtitili ang mga kasamahan ko dito sa table at hindi sila mapakali na ipakilala na ni aeron ang magiging fiance niya . Yah, right. FIANCE.
Diretso lang ang tingin ko sakaniya habang hinihintay ang babaeng mapapangasawa niya. Masakit, oo. Pero anong magagawa ko? Wala naman na akong magagawa, isang kaibigan lang ang lugar ko. Wala akong karapatan gumawa ng plano na paghiwalayin sila dahil uulitin ko, ISA LANG AKONG KAIBIGAN. Naiintindihan ko naman. After all, I need to understand.
Maya-maya pa ay ipinakilala na nga niya ang kanyang fiance. Lumabas sa backstage ang babaeng ngiting-ngiti na nakatingin sa mga tao, na para bang proud na proud siya kasi pinakilala siya ni aeron at hindi ipinahiya. Ang mga kasamahan ko dito sa table ay nagpalakpakan na may kasamang tili.
" Girl, grabe. Ang ganda ng kaibigan natin. " sabi ng katabi ko sa katabi niya. Oh, so kaibigan pala nila ang magiging fiance ni aeron.
" Siya pa ba? Eversince siya ang pinakamaganda. " sabi ng kaharap kong babae. Sa pagtingin ko sa stage, nakangiti silang dalawa sa isa't-isa. 'Cams, wag kang iiyak. Mamaya mo na ibuhos yan. '
" She is Althea Lyka Javier. 18 years old. Daughter of Mr. and Mrs. Javier. Nakilala niyo na siya. Siya ang magiging fiance ko. " masaya niyang pagpapakilala, sabay tingin kay althea.
May nangingilid na luha sa aking mga mata, pero syempre nakangiti pa din ako. Hindi pwedeng makita ng mga tao na maiiyak na ako. Hindi pwede.
Nakangiti siyang kumaway sa mga tao dito sa garden at sa mga kaibigan niya. Sobrang lawak ng mga ngiti nila, at ang sarap lang nilang sampal-sampalin. Nang sa ganon, mawala ang ngiti nila.
Nasabi ni althea ang hangarin niya para sa kompanya ng magulang niya at sa kompanya ni aeron. Nabanggit niya din na magiging maayos ang samahan nila ni aeron kung ima-maintain nito ang tyaga at nilaga, charot. So ako pa talaga ang kailangan mag explain ng sasabihin niya? Swerte niya ah.
" But wait there's more... " ngumiti siya ng nakakaloko. Sarap mong ibahid sa lupa. Tinignan niya si aeron at parang sinasabing si aeron na ang magsalita. Hindi naman nagpatinag si aeron dahil gusto niyang si althea na mismo ang magsalita. Pabebe mode tayo ngayon dito? Maipakita lang sa mga tao kung gaano kayo ka sweet sa isa't-isa kapag magkasama? Para may masabi ang tao na maganda. There's more?
" From now on, consider and accept me as the Queen Bee sa school na pinapasukan ni aeron. I will announce it tomorrow and I really do hope tanggapin nila ako. " ngumiti pa siya na parang anghel. Yung iba ay napangiti, yung iba naman ay nagulat.
" Oo, yes, tama kayo. Doon na nga ako mag-aaral sa school na pinapasukan nila aeron. Pumayag na si daddy and mommy at nakausap na rin nila ang principal. Bukas ay magsisimula ako sa pag-aaral. And... magsisimula bilang Queen Bee ng school. Thankyou. " masaya niyang sambit at malawak ang kanyang ngiti. Nagtitigan sila ni aeron at ngumiti sa isa't-isa. Halatang napipilitan lang si aeron. Pero syempre hindi hahayaan ng isang Camille na matuloy yon.
Ang programa ay naging masaya at masasabi kong masaya ang mga tao ngayon dahil sa nalaman nila. Makikita sa kanilang mga mata, at kailanman hindi magsisinungaling ang sinasabi ng mga mata. Tungkol naman sa announcement, I can say na nasaktan ako at hindi ko maitatanggi na naluha ako, hindi ko nga pinahalata. And oh, that was a heartfelt announcement. Tagos na tagos sa puso kong kanina pa wasak na wasak. Ang saya nga eh, nasasaktan ako ngayon habang sila masaya at malalawak ang mga ngiti. Tagos na tagos sa puso ang announcement na iyon. Pumasok sa utak at puso ko. Really.
Nandito ako ngayon sa banyo at iyak ako ng iyak. Nasasaktan ako sa kadahilanang walang pag-asa ang pagmamahal ko kay aeron at hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay ko. Buong puso ko pa namang ibinigay ang pagmamahal ko, hindi ko alam na buong puso din pala itong wawasakin.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
Любовные романыThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...