" STRAIGHT-FORWARD "
Nandito kami ngayon sa KKD here in Silay. Known as Kapihan Sa Kilid Dalan(kapihan sa gilid ng daan) They have so many delicious foods here, I'm sure you'll love it pag pumunta kayo dito.
Zion and I ordered, KKD's NachoFries that costs 185 pesos, and for our drinks, Mango Graham Shake. Minsan na akong nakapunta dito, actually kaming apat. It was my first time being with him. Wala pa ring bago, the staffs are still very hands on.
" While waiting for our orders, ano nga pala yung sasabihin mo? " panimula niyang tanong. Napangiti naman ako sakanya.
" Remember those days na kinikilala pa lamang natin ang isa't isa? You knew that I'm from Manila. I just want you to know na ang trabaho ko doon ay modeling. This sunday, aalis ako at pupuntang manila. May aasikasuhin lang ako. " panimula ko sa pagpapaalam. He nodded.
" Gusto kong malaman mo dahil baka magtaka ka na wala ako dito ng ilang days. 2-3 days kasi ako doon. " paliwanang ko. Napatango-tango naman siya.
" So, hindi ko makikita ang aking pinakamamahal na nililigawan ng ilang araw? Ang lungkot naman non. " umarte pa na malungkot. psh. Ngumisi lang ako.
" I hope you understand. May gagawin lang akong importante. Wag kang mag-alala, babalik ako. May surpresa ako sayo sa pagbalik ko. " nginitian ko siya ng bahagya. Na excite naman yung mukha niya. Cutie.
Our orders arrived at sabay kaming kumain syempre. Pagkatapos ng lahat, nagstay muna kami doon saglit. Magkaharap kami habang magkahawak ang aming mga kamay.
" Ang swerte swerte ko. Hindi na ako magtataka na may maiingit sakin. " umiiling na sabi niya habang nakatingin sa mukha ko. I laugh.
" Ikaw talaga. Napaka mo! " sabi ko nalang. Natawa lang siya.
Kahit araw-araw naming gawin to, hinding-hindi ako magsasawa. Gustong-gusto kong tinititigan ako ng lalaki na para bang ako lang pinakamaganda sa mundong ginagalawan niya. Nasa akin lang ang atensyon niya, ako lang ang nakikita niya. And he is Vincent Zion. The man I love.
***
Camille's POV:
Kasalukuyan akong nasa campus, naglalakad papunta sa major subject ko. Yung tatlo, ewan ko kung nasaan sila. Hilig ng mga non kasi na lumandi.
Habang naglalakad ako na nakataas ang noo, nakasalubong ko si Althea. I smiled at her. Nakatingin lang siya sa akin ng masama. Huminto siya sa harap ko kaya napahinto rin ako. Umikot siya ng dahan dahan hanggang sa makabalik siya ulit sa harap ko.
" I am looking forward for you to meet the parents of aeron. Hindi ko alam kung may mukha ka pa bang ihaharap pagkatapos ng katangahang ginawa mo. Galit na galit ang pamilya ni aeron sayo, at hindi ko alam kung anong maisasagot mo kapag sinalubong ka ng maraming tanong. " ma-awtoridad niyang sabi. Ngumisi ako.
" Hindi ako bobo katulad mo na tutunganga lang sa gilid at hihintay kung kailan dadating ang grasya. May paninindigan ako. Yan ang meron ako na wala sayo. Ang pagsagot ko ba ng mga tanong sa pamilya ni aeron ang pinoproblema mo? Aww, easy no sweat my dear althea.. kayang-kaya kong sagutin lahat. " tinaasan ko siya ng kilay. Ako ba tinatakot niya?
" Let's see what you can do. Nandoon pa naman ako. Ano kaya ang masasabi mo kapag nagpasya si tita na paghiwalayin na kayo sa lalong madaling panahon. That will be so saaaddddd. " pang-iinsulto niya at umarte pa na nalulungkot. I just smiled at her.
" Yon lang ba, althea? Baka nga hindi niya magagawa yon kasi... secret! Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko? Mayaman ako at kayang-kaya kong bilhin ang basura mong pagkatao, kayang-kaya kong bilhin pati pamilya mo. Yon lang ba pinoproblema mo? Kawawa ka naman. " mahinhin kong sambit, for the act. Tumaas ang kilay niya.
" Alam mo, alam nating dalawa na kahit ano pang gawin mo, wala kang masisira saming dalawa ni aeron. Maghanap ka pa ng alalay mo, wala ka pa ring magagawa. Bakit? Kasi nagmamahalan kami. Hindi mo kailanman masisira ang pagmamahalan ng dalawang tao. " may diin sa bawat salitang binitawan ko. Napangisi siya at napatingin sakin mula ulo hanggang paa.
" We'll see. Basta ako, kampante ako na makukuha ko si aeron sayo, ikakasal kami and we will live happily ever after. And you.. bahala ka na sa buhay mo. Wala akong panahon para makipagsagutan sayo at ipaglaban ang karapatan ko. " pang-iinsulto niyang sabi habang nakataas ang kilay. Ang hirap ipaintindi sa isang tao ang isang bagay na hindi niya naman gustong intindihin.
" See you on saturday, then? I'm excited to see you. " ngumiti siya, aba syempre ngumiti din ako.
Sinamantala niya ang pagkakataon na hindi ako makapagsalita kaya nakaalis. Pasalamat siya, nakausap ko si daddy kanina, kaya medyo maganda ang mood ko ngayon. Pasalamat siya.
Tignan nga natin sa sabado. Tignan ko lang kung magagawa mo pang magsalita at kumontra. Tignan ko lang. I will not let you say even just one word. Humanda ka. Maling-mali ka ng kinalaban.
" Hello daddy? " sagot ko.
(Camille. So, how's the plan?) tanong niya kaagad.
"Successful daddy. I will never fail you. Instead, I will always amaze you." ngiting tagumpay kong sambit.
(Kelan gaganapin ang pag-uusap niyo?) tanong niya.
"Saturday po. I'm getting ready na nga po eh kasi thursday na ngayon." pagkukwento ko.
(You should be. Ikaw pa naman ang magiging tagapagmana ng kompanya. Don't dissapoint me, my dear daughter.) ma-awtoridad niyang sambit. I nodded.
" Yes po." sabi ko. Siya na mismo ang bumaba ng kanyang cellphone at tuluyan nang naputol ang linya.
Napaupo ako sa gilid ng aking kama matapos kong makipag-usap sakanya. Yah right, ako ang magiging tagapagmana ng kompanya pagdating ng panahon. Kaya ginagawa ko ang lahat para bumagay sa paningin ni daddy. Para hindi siya ma dissapoint. Para hindi ako pumalpak.
Bata pa lang ako, tinuturuan niya na ako kung paano gawin ang ganito, paano gawin ang ganyan, how to promote your business with class, how to convince people, and especially how to find partners in business. Kinalakihan ko ang mga ganung bagay. Iminulat ako ng daddy sa ganoong bagay.
Minsan kahit pagod na pagod na ako sa pinapagawa niya, ginagawa ko pa din kasi gaya ng sabi ko, I don't want to dissapoint him, at higit sa lahat ayokong pumalpak. Kasi konting palpak lang, mapapagalitan ako. All the blame, will put on me. I don't want that to happen.
When I was in grade four, I learned how to report in front, how to promote, how to convince, and that's because daddy helped me. May mga araw na wala akong pahinga, wala akong tulog, dahil lang sa pagtuturo niya.
Hindi naman ako nagreklamo kasi nga mapapagalitan ako. Until now. Nakikita niyo na pagdating sa business, hindi ako natatakot. Kinakabahan lang, magkaiba yon. Kahit anong aspeto pa yan ng business, hinding-hindi niyo makikita na matatakot ako. Ganito ako pinalaki ng daddy. May paninindigan. May ibubuga.
On saturday, I do hope the face to face with his parents will be successful. I will make it happen. I will. Mapagtatagumpayan ko ito. Sa ngalan ng Panginoon natin sa taas. Amen.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...