Chapter 19💛

16 0 0
                                        

The Letter


Andrea's POV

Kinabukasan paggising ko, dumiretso agad ako sa baba para kumain ng breakfast. Pagbaba ko, yung tatlo nandon na kumakain. Mabuti naman dahil may nakahanda ng pagkain sa mesa. Mayroon na ding pinggan sa pwesto ko. 

Pagkatapos ay sabay-sabay kaming pumuntang school. Isang sasakyan lang ang ginamit namin dahil tinatamad ako magdala. Yung kay camille ang ginamit namin. 

Nakasabay pa naming magparking si aeron. Syempre hindi nanaman maipinta ang ngiti ni camille. Sa pagbaba namin, nagulat kami kasi may lumabas na babae. Its Althea Lyka. Nakita ko ang biglaang pag ngisi ni camille. I am proud to say that she is my bestfriend. Palaban. Tinignan kaming tatlo ni cams, at kinindatan. 

" Watch me. " naglakad siya papunta kay aeron pagkatapos niyang sabihin iyon sa amin. Nandito lang kami, titingin.

" Oh, camille? " masaya ang pagkakasabi ni aeron. Sa nakita ko ay hindi naman siya nagulat. Nakita kong napakunot ang noo ni althea.

" Who is she? Is she your friend? " tanong niya. Nginitian siya ni camille.

" Oh, hi! I'm Camille Torres. Im his friend, a very important friend. " nakangiting pagpapakilala ni camille. She may look desperate habang nagpapakilala, pero okay na yun, kesa naman sa nagtry-trying hard ka. 

Napatango at napangiti naman si Ms. Queen Bee.

" May kailangan ka sa fiance ko? Kasi kung wala, pwede kang umalis, dadaan kami. " sabi niya. Woah. May tinatagong baho din pala ang babaeng to. Strike 1. 

 " Actually, meron. Alam mo kasi, palagi akong hinahatid ni aeron sa classroom ko. Nagkataon na nakita ko si aeron kaya ako na lang ang mag-a-adjust. " she the smiled. Pakapalan ng mukha na to, mga beshy!

Ngumisi si Queen Bee, halatang naiirita siya. Sige lang, Ms. Queen Bee don't hesitate na ipakita ang totoong ikaw. Walang pumipigil sakanya dito. 

" Then, let my fiance decide. " matapang niyang sabi habang nakataas ang ulo. I saw aeron smiled at camille. May ibig sabihin ang mga ngiting yan. Hindi ko lang masabi kung ano.

" Mauna ka na, thea. Palagi ko kasi talagang hinahatid si cams sa classroom niya. Tsaka may gagawin ka pa diba? Mauna ka na. " aeron said, smilingly. Nanlaki naman ang mga mata ni althea at napatingin ng masama kay camille. Nag flying kiss na lamang si camille bilang sagot. That's great! 

Padabog na naglakad si Ms. Queen Bee. Hahahhahahahha, nakakatawa yung itsura niya!

" Thankyou, aeron. Tara na? " camille said, happily.

" Tara na. " nakangiting sambit ni aeron. Hindi ko talaga mahulaan kung anong klaseng ngiti yan eh. Basta close from love. Hayyyssss. 

My phone vibrated and it was Zion's number. Nagtext siya.

From Zion:

Magkita tayo mamaya sa rooftop. May ibibigay ako sayo. Sana pumunta ka. See you. 

Ano naman kaya ang ibibigay niya? Pumasok kami sa aming first subject at hinintay ang break. Nagpaalam naman ako sa aking mga kaibigan na pupunta akong rooftop dahil nagtext si zion na magkita daw kami. Pumayag naman sila. 

*Rooftop*

Nakita ko siya kaagad doon, nakatayo at nakatalikod mula sa akin. Napangiti naman ako. Dahan-dahan akong lumapit, at sa paglapit ko tinakpan ko ang kanyang mukha.

" I know, it's you andrea. " natatawang sabi niya. Natawa na lang din ako at binitaw na ang ang pagkakahawak sa mukha niya. Tinabihan ko naman siya.

" Hindi tayo nagkita kahapon. Kahapon din sana ibibigay ko sayo ang nais kong ibigay. Kung saan saan ka nanaman lumulusot. " biro niya. Napairap ako.

" Aba! Nanuod kami ng program noh. Nasa campus lang kami. Tsaka ano ba yang ibibigay mo? Importante ba yan? " diretso kong tanong. Napangiti naman siya. 

" Importante to. Sabihin nalang natin na isa itong sulat tungkol sa pagkakaibigan natin. Simula nung nagkakilala tayo. " may pa suspense pa na sabi niya. Importante nga talaga. Nginitian ko siya.

" Patingin! " excited kong sambit. Natawa siya sa naging expression ko. Ang cute niya kapag natatawa. Kinuha niya naman ito mula sa bulsa niya at nakasulat ito sa construction paper. 

Sa bahay mo na ninyo basahin. Nakakahiyang marinig ko pa. " sabi niya. Napatango ako nung binigay niya sa akin. Hahahhahaha nahiya pa. Magkaibigan naman kami. Naka fold ang letter na iyon kaya inilagay ko sa aking bulsa.

" Sana magustuhan mo. Bukas mo na lang sabihin sa akin ang magiging sagot mo. " sabi niya. Kahit seryoso siya, halatang namumula siya. Hahahhaha ang cutieee.

" Siguraduhin mong maganda ang pagkakasulat nito ah. Baka mamaya hindi ko maintindihan to. " sabi ko pa. 

 " Oo. Si mama ang nagsulat niyan. " sambit niya. Omg. So, ibig sabihin nabasa ng mama niya? Magkaiba pala kami noh? Mama's boy siya, pero ako Papa's girl.  

" Kumain ka na? May dala ako ditong sandwich na niluto ni mama. Dalawa. Para sayo daw yung isa. " sabi niya at binigay sakin ang isang sandwich. I smiled.

" Pakisabi kay mama mo, salamat. " nakangiti kong sambit. Habang kumakain kami, nagkukwentuhan kami about dun sa letter. Kinukulit ko kasi siya eh. 

Para hindi kami ma bored, I get my phone and took a selfie. Pagkatapos naming kumain, sakto namang nag bell. May klase pa ako kaya siguro mauuna na lang ako. Nasabi niya kanina sakin na vacant nila kaya dito lang siya. I waved a goodbye to him with a smile on my face.

Pagbaba ko, hindi ko maipinta yung ngiti ko at ngiti ng puso ko. Ito ba yung pakiramdam na may crush ka sa isang tao? Kinikilig ka, masaya ka, nagtatalon sa tuwa ang mga puso mo. Grabe noh? Kahit malapit na ako sa classroom ay nakangiti pa din ako.

Oo na, inaamin ko na. May crush ako kay zion. Okay na? Nakakatuwa lang kasi ang personality niya. Ang cute cute niya at plus points pa yung kapogian niya. Lahat ng meron sa ugali niya ay nagustuhan ko. Alam kong bago pa lang kami nagkakilala, kaya nga kaibigan lang muna. Hindi ako umaasang magkakaroon kami ng relasyon pero kung yon ang gusto ng tadhana,bakit hindi diba? Chance na yon. Tsaka wala pa sa isip ko ang magkaroon ng jowa. Boybestfriend lang muna sapat na.

Nagtaka ang mga kaibigan ko kung bakit ako nakangiti buong araw hanggang nakauwi kami ng bahay. Halos hindi mawala ang tingin nila sa akin. Tinatanong kung okay pa ba ako. May sakit daw ba ako. Ipa-check up na daw ba ako. Magsabi lang daw ako kung nababaliw na ako. Hahhahaha wth! Sila ang nababaliw. 

Nung kumain nga kami ng tanghalian, tingin ng tingin pa din sila sa akin eh. Pinag-usapan pa nila ako. Wow ha, naririnig ko sila. Muli ay tinawag nila ako at tinanong ulit kung anong nangyari kanina, pero ang tanging naisagot ko lang ay isang ngiti. Naiirita na sila kanina pa kasi bakit daw ngiti lang ang naisasagot ko? Hahahhahahaha. 

" Wala kaming makukuhang sagot sa ngiti mong yan. We are not an expert manghuhula para mahulaan ang ngiti mong yan. " reklamo ni irish.

Tinignan ko na lamang silang tatlo, bahala kayo mag-isip ng kung ano ano diyan. Wala akong paki-alam. Ang mahalaga masaya ako ngayon, at pinakamasaya ngayon ang puso ko. Nag-uunahan sa pagtalon dahil sa tuwa. 

Masasabi ko rin sa inyo, hintay hintay lang. Relax lang muna kayo. Hehe. Dumiretso akong kwarto at doon ibinuhos ang tuwa. Yaaaasssss. Crush ko lang siya, pero bakit gaito kung maka-react ako? This is reaaaal. 

I get the letter na nasa bulsa ko at napangiti ng makita iyon. Written on the yellow construction paper with a small heart in front of it. Sinimulan kong buksan ito at hindi ko pa nga nababasa, napangiti nanaman ako. Tama nga ang sabi niya, ang ganda ng pagkakasulat ng mama niya. 

***

A/N: Cancel muna yung inaya ni vincent si drey na pumunta sa pinakamatahimik na tiyak niyang magugustuhan ni andrea. Nakalimot ako guys eh. Babawi ako guys. Mas gagandahan ko. Sorry. 

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon