Chapter 14💛

14 0 0
                                    

' PARUSA SA TATLO '

Vincent's POV

" Saan ang bahay niyo? " tanong ko.
Tinawagan ko ang driver ng sasakyan ni papa (may sasakyan po kami, at may driver na din po) at pinapunta dito sa Mall.
Lumapit siya sa akin at ibinulong kung saan ang bahay nila. Hahahahaha.

*bahay ni drey*
Apat ba sila na nakatira dito? Ang taas ah.

Nilapitan ko si drey at kinuha yung buhok sa mukha niya.
Oo, nakatulog siya.

" Ang ganda ganda mo. " nakangiti kong sambit. Wala akong paki-alam kung tulog siya. Mabuti nga yon eh. Di niya maririnig ang sasabihin ko.

" Hindi magtatagal babalik kayo sa syudad, at walang kasiguraduhan kung babalik pa ba kayo dito. Nandon yung buhay niyo. Susulitin ko ang araw na kasama ka. Palagi kitang pakikiligin, pasasayahin, at papatawanin nang sa ganon, magiging magaan ang loob mo sakin.. Lahat lahat gagawin ko. Kahit dumaan pa ako sa mahirap na tulay, mapasa akin ka lang, gagawin ko. I will prove to you that I am the best person you've ever met. " nakangiting sambit ko at hinalikan ko siya sa noo.

" Uhm... Sir. Girlfriend niyo po? " tanong ng driver namin at ngumiti siya ng nakakaloko.
" Hindi ngayon. Balang-araw. " sagot ko.

Lumayo ako dahil naramdaman kong medyo gumalaw siya.

Nang magising siya...

" Salamat sa paghatid, sa oras na binigay mo, sa paghatid sundo sa akin, at sa pag libre sa akin sa Jollibee kanina. All of those, we're appreciated. " malawak na ngiti niyang saad.
" Wala yon. Bukas ulit. See you. " I waved a goodbye. She does it too.

Pagkatapos nun, umuwi kaagad ako. Yung driver ni papa, todo ngiti.
Kasi naman, hanggang makarating ako sa bahay.. hindi mapawi ang ngiti ko.
Iba ang epekto sa akin ng babaeng yon.

****

Andrea's POV

Ngiting-ngiti ako habang pumapasok sa bahay. Shet! This day is so unforgettable.

Anubaaaa.... May kasunod pa ba ito? Kinginaaaaaa!

" Ma'am pulang pula po kayo. " sabi ni yaya. Natawa ako.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon