Chapter 40💛

8 0 0
                                    

" GIRLFRIEND? "

Andrea's POV

Tapos na kaming mag dinner, at nandito lang ako sa kwarto nakahiga, using my cellphone. Tapos naman na akong mag swimming. Si kuya pumunta doon sandali. Nakita ko yung laptop niya sa pwesto niyang may lamesa. I won't bother para pakialamanan niyan.

Dad and Mom are here also, nakaupo sa kama, magkatabi. May tinitignan sa Ipad. Minsan naririnig ko silang tumatawa. What's with them?

Maya-maya'y, tumayo sila at nag-ayos. 

" Anak, pupunta lang kami sa ibaba. May kukunin. " paalam ni mom. Abala man sa pagce-cellphone, ay tumango ako.

My laptop is right here beside me, waiting for his call. It's around 8:00 pm, kanina ko pa hinihintay ang tawag niya. Hindi naman siya online sa messenger. Ano bang nangyayari dun?

Saktong pagtingin ko sa laptop, tumatawag siya. Ayon! 8:10 pm na tumawag. I place my laptop sa dulo ng kama at dumapa ako facing the screen. Sinagot ko.

(Hi looveeeee) maligayang bati niya. Napangiti naman ako ng bahagya.

" Hellooo! I wonder why are you so happy? " tanong ko kaagad.

(Ayaw mo nun? Sa tuwing nakikita kita, gumaganda ang araw at gabi ko. Palagi akong masaya kasi nandyan ka.) sagot niya habang nakangiti. Ngiting ngiti naman ako ng sobra. Aweee.

" Ang sweet naman. Lalo kitang namimiss. " sambit ko.

(Mas namimiss kita. Uwi ka na.) maarte niyang sambit. Tinawanan ko lamang siya.

(May sasabihin nga pala ako sayo. Makinig ka ha.) naninigurado niyang sambit. Tumango ako. Napansin ko sa likod niya na madaming ilaw. Nakita ko rin na may lobo sa gilid, umiilaw din. Anong meron? 

(Kahit hindi tayo magkasama ngayon, kahit hindi kita kapiling ngayon, gusto kong sabihin sayo to, kasi ang tagal tagal ko nang gustong itanong sayo to, andrea.) he paused for awhile. Ako naman, tango ng tango habang nagtataka.

(Mahal na mahal kita at mababaliw ako kapag hindi ka napasaakin. Ang daming lalaking nangangarap na ligawan at angkinin ka, pero ako, ako pa ang napakaswerteng lalaki na napili mong ligawan ka. Masaya ako dahil natupad ang isa sa mga hiling ko.) nakangiti niyang sambit.

(Wala na akong paki-alam kung anong iisipin mo ngayon. Andrea, ayokong mawala ka sa akin, nung nalaman ko mismo sayo na aalis ka papuntang maynila, kinabahan ako, parang natakot ako bigla, kasi alam mo, ang daming gwapo dun sa maynila, eh ako, isang lang naman akong hamak na probinsyano, at walang wala ako kumpara sa mga taga maynila. Ayokong mapunta ka sa iba, andrea. Ayoko. Mahal na mahal kita, alam mo yan.) parang matatawa ako na malulungkot sa mga sinasabi niya ngayon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya sinasabi to ngayon.

"Hindi naman ako mapupunta sa ib---" he cut it off at napailing-iling. Napanganga ako sa inasta niya. HAHAHAHAHHA! Ang isang probinsyanong nakilala ko sa Silay ay nagiging ganito ngayon dahil lang sa dahilan na ayaw niyang mapunta ako sa iba? HAHAHAHAHA!

(Ayoko lang, andrea. Ayoko lang. Maaaring nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ito, kung bakit nagkakaganito ako, pero andrea... panatag naman ako na mahal mo ako, at ako lang ang mahal mo. Pero... hindi ko lang mapigilang mag-isip. Kinakain ako ng insecurities ko.) mangiyak-ngiyak niyang sambit. Ngumiti lang ako sakanya. 

Paano kaya kung nagpasya akong ipagpatuloy ang pagiging modelo ko? Paano kung mas inisip ko ang kapakanan ko kaysa sa kapakanan naming dalawa? Paano kaya kung ginusto kong huwag na lang tumigil sa pagmomodelo? Pero hindi ganon eh. Inisip ko ang kapakanan naming dalawa. Inisip ko yung tungkol saming dalawa. Kasi unang-una, pinasok ko na ito eh. Pinasok ko ang relasyon na ito, hindi dahil sa gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam na magkaboyfriend, hindi dahil sa gusto ko lang dahil gusto kong makaramdam ng saya, kundi dahil buong puso kong pinasok ito at buong puso kong minahal na para bang ginawa kong buhay. Ito na ngayon yon eh. Ito na.

Tinitignan ko lamang siya sa screen. I can't imagine any situaton kapag pinagpatuloy ko ang pagmomodelo ko. 

" Mahal na mahal kita, zion. Panghawakan mo yan. " sambit ko sa masayang tono.

(Ngayon itatanong kita... Andrea De Los Reyes... Can you be my girlfriend?) nabigla ako sa tanong niya pero hindi pinahalata. 

Nagulat ako kasi namatay yung laptop ko. But.. sinadya ko iyon kasi may plano ako pagbalik ko. Magkukunwari akong hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil may sorpresa ako sa kanya pagbalik ko. Ngayon tatawagan ko siya, hihingi ng paumanhin dahil kesyo nalowbat ako hahhhahaha!

*calling Vincent Zion*

"Hello?" buti at sinagot niya agad.

(Love, bakit namatay? Di ka na naka connect pagkatapos.) nag-aalalang sabi niya.

" Sorry about that, love. Na lowbat na yung laptop. " tanginang palusot yan, drey!

(It's okay, love.) may tono sa boses niya na nanghihinayang.

" Ano nga pala yung huli mong nasabi? " I said smiling like an idiot.

(Wala, tinanong ko lang kung ano ba ang masasabi mo tungkol sa mga nabanggit ko kanina.) galing din niya magpalusot hahahhaha.

Napatagal ang usapan namin, talking about these and that. Hanggang sa naramdaman ko na sila mom and dad na papasok, nagpaalam na ako. Balik ulit sa normal, scrolling through my cellphone.

Sa huling pagkakataon ay napangiti ulit ako. I can't even imagine kung anong klaseng ngiti ba ang ipinapakita ko ngayon. Hindi lang maka-get-over sa tinanong niya kanina. He wants me to be his girlfriend for life. Totoo ba lahat ng ito? Totoo ba? Hindi man lang ba ako nananaginip?

" Oyyy, nakangiti! " panunukso ni kuya.

" Anong meron ha? Bakit nakangiti? " usisa niya.

" Wala kuya! Masaya lang! " sagot ko.

" Bakit masaya? Ngayon ko lang nakita yang ganyang ngiti. Magsinungaling ka na sa lahat, wag lang sa kuya mo. " nakataas kilay niyang sambit. I laugh at him.

Napatingin siya kina mom and dad, naisipan pang magsumbong. Ayan, ako nanaman ang nakita. Ako nanaman ang tinanong ng tinanong. Nasa akin nanaman ang atensyon.

Nais kong ipaalam sa kanilang lahat na gusto ko nang sagutin si zion pagkabalik na pagkabalik ko nang Silay. Sana pumayag, lalong-lalo na si daddy.

Nag-alinlangan sila nung una, pero pumayag din naman nung huli. Wala rin namang silang magagawa kasi kasiyahan ko to, si kuya nga pinayagan nila eh. Pero may sinabi si daddy sa huli.

" Pero tandaan mo na lahat ng ito ay may kapalit. Lahat ng bagay naniningil. Gustuhin mo man o hindi, gustuhin man natin o hindi, maniningil iyon. " matalinhaga niyang sambit.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at natakot sa sinabi ni daddy. Sino ang maniningil? Alam ko na lahat ng bagay may kapalit, pero the main question is.. sino o ano ang maniningil? 

***


My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon