Chapter 57💛

6 0 0
                                    

" DANCE PERFORMANCE "

Andrea's POV

Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga sa kama.

" Loveeeee " pabulong kong sabi. Hindi niya kasi ako napansin. Napatingin siya kaagad sa akin. Napabangon siyang gulat na gulat.

" Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah. Maaga pa tayo bukas. Baka pagalitan tayo ng daddy mo. " nag-aalala niyang sabi. Naalala ko kanina hindi ako nakapagpaalam sakanya kasi dumiretso akong kwarto.

" I just want to say goodnight. " dahilan ko. Umupo ako sa gilid ng kama. He nodded.

" I heard you singing. Minsan ko lang naririnig na kumakanta ka. " papuring sambit ko. I saw him smiled. Para sa kaalaman niyo, madilim dito at tanging cellphone lang niya ang nagsisilbing ilaw.

" Matulog ka na, love. Maaga pa tayo bukas. Baka antukin ka bukas. " I know he is just concern.

Bago ako umalis ay nagpaalam kami sa isa't-isa. Hinalikan ko siya sa pisngi at ganon din ang ginawa niya.

" Goodnight, love. Sana mapanaginipan mo ko. See you tomorrow. " paalam niya. I smiled at him.

" Goodnight, love. Sweet dreams. " sambit ko sakanya. Tumayo na ako at pupunta nang pintuan.

" Mahal na mahal kita. " sambit habang nakatalikod ako at akmang bubuksan na sana ang pintuan. Napangiti ako ng bahagya.

" Mahal na mahal na mahal din kita. " nakangiting sambit at tuluyan na nga akong lumabas at bumalik sa aking kwarto.

***

Maaga kaming nagising kinabukasan. Nabalitaan ko kay camille na 9:00 AM pa magsisimula ang event. Makakaabot pa kami.

Hindi kami nina mom and dad sa Airport. Nagpaalam na ako kina mommy and daddy, at ganon din si zion. Hanggang nagpapasalamat pa din siya dahil tinanggap siya ng aking mga magulang.

" Looking forward to meet your parents. Papuntahin mo sila dito. " paki-usap ng aking daddy.

" Opo. Hindi ko po kakalimutan. Salamat po ng marami. " masayang sambit ni zion. Masayang napatango sina mommy and daddy sakanya.

Katulad ng nakasanayan ay magkahawak kamay kami habang papasok. Nakangiti sa isa't-isa at masaya na makakabalik na muli sa Silay.

***

Dumiretso kaming dalawa sa school na pinapasukan namin. Nagpasundo kasi ako sa driver namin na minsang gumagamit ng aking sasakyan. Nasa sasakyan ko ang gamit naming dalawa.

Nakita ko kaagad yung tatlo na naglalakad, papuntang gymnasium. Nagkukwentuhan yata sila ng kung anu-ano.

" Camille! " tawag ko. Isa lang ang tinawag ko, pero tatlo ang napatingin. Kumaway sila sa akin habang nakangiting papunta dito.

" Love, hahanapin ko lang si adrian. Magkita nalang tayo mamaya. Bye, love! Ingat ka. " pagpapaalam niya at hinalikan ako sa pisngi. Ayiieeeee.

Dahil dakilang magaganda ang mga kaibigan ko, sila pa ang mas kinikilig kaysa sa akin. Pinabayaan ko lamang sila na kiligin dyan hanggang sa magsawa sila.

*Gymnasium*

Dumating kasi na nagsisimula na ang program. Hinanap namin ang aming mga kaklase at nagpacheck ng attendance, syempre.

" Me and Aeron will dance later. " sabi ni camille. Nanlaki naman ang mga mata naming tatlo. Hindi namin alam to ah.

" Uh-huh. After that, we will announce the real score between us. Ang guys, y'all know it. " sambit niya, alam niya kung anong ibig sabihin ng mga mata naming nanlaki.

" Paano si althea? Sure akong hindi papayag yon. " sabi naman ni irish.

" Bakit? Sya ba may ari ng eskwelahang ito? Queen Bee lang siya pero hindi siya ang nagmamay-ari nito. " depensa ni camille. Napangisi ako. Ang tapang talaga ng babaeng ito. Si trixy ay natawa naman ng mahina.

" Naalala ko ang naikuwento mo, hinding-hindi niya kayo hahayaang sumaya nang ganon ganon lang. Hindi niya susukuan si aeron. Oh well, alam nating lahat na kayang-kaya niyang gamitin ang kanyang posisyon sa eskwelahang ito, makuha lang ulit si aeron. " seryosong sabi ni trixy. Napakagaling nitong mag-isip kapag tungkol sa paghihiganti ang pinag-uusapan. Natahimik kami ng panandalian. Nang sandaling magsasalita na si camille, ay nagsalita ulit si trixy.

" Hindi mo alam ang sagot sa sinabi ko. " napailing-iling siya. Inirapan ko naman siya at tumingin na lang sa stage. Bahala kayo mag-usap diyan.

" Bakit? Siya lang ba ang may karapatan na manipulahin ang mga bagay-bagay? Baka nakakalimutan mong lahat ng kaya niyang gawin ay kaya ko rin. Baka rin nakakalimutan mo, na hindi basta-basta natatalo ang taong kagaya ko. " depensa ni camille. I know that they are arguing, but it's not a big deal. Hindi nag-aaway ang mga yan, simpleng sagutan lang yan. Trixy is just trying to test camille. 

Maya-maya pa ay pumunta dito si aeron para tawagin si camille. They are the second to the last that will perform, kaya they will prepare na.

" Ano ha? Matapang pa rin ang babaeng yon. Wag mong pagdudahan ang kakayahan niya dahil walang hindi gagawin yon kung tungkol sa taong mahal niya ang pag-uusapan. " sambit ni irish pagka-alis ni camille.

" Sinubukan ko lang naman. Baka kasi nagiging kampante na siya masyado dahil na sakanya na si aeron. " sabi naman ni trixy.

" Well, I think it's not. Kilala natin si camille. I know that she will never fail us. " sambit ko naman.

Hindi na kami nag-usap pa matapos kong magsalita, nanuod na lamang kami at hinintay ang performance ni camille at aeron.

Bago tinawag ang dalawa ay may isa pang kumanta at sumayaw. Dahil marunong kaming maghintay, syempre naghintay. Maghihintay kami sa bestfriend namin. Na-eexcite rin ako sa i-aanounce nila sa mga tao. I'm just excited. Lalong-lalo na sa magiging reaksyon althea. Hindi ko siya makita dito, pero palagay ko nasa paligid lang siya.

Kung hindi niyo naitatanong, I am good at observing people, especially the attitude they show on the outside. Lahat naman tayo may kanya-kanyang pinapakitang ugali sa labas diba. Lahat tayo may mga ugaling hindi pinapakita sa labas at nasa loob lamang. Inside and Outside. Maraming mga taong ganyan. Mapag-panggap, mapag-kunwari. Katulad ng sinasabi nilang 'Masaya ka nga tuwing umaga, pero umiiyak at malungkot ka naman tuwing gabi. ' Tayong mga tao, ang galing galing nating magpanggap na masaya tayo, pero ang totoo, hindi. Ang iba sa atin ay pilit na nagpapakasaya, malimutan lang ang problema. Pero ano? Malungkot ka pa rin sa huli. Lungkot dito, lungkot doon, lungkot kahit saan. You know, a piece of advice. IINOM NIYO LANG NG ALAK YAN. RED HORSE, EMPERADOR, BEER NA BEER, ANY ALCOHOL DRINKS YOU KNEW. BAHALA KA. O DI KAYA, GO TO THE BAR, AND HAVE SOME TEQUILA, OR MARGARITA. MALALAKAS ANG TAMA NON. MAGPAKALASING KA. TRUST ME, SANDALI MONG MAKAKALIMUTAN ANG LUNGKOT NA NARARAMDAMAN MO. KAHIT SANDALI, ATLEAST NAKALIMUTAN MO KAHIT PAPAANO. DIBA? DIBA.

So san na napunta ang usapang ito? Sa inuman? Juskooo. Hindi ako umiinom. Just a piece of advice, guys.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon