" TRABAHO KO! "
Third Person's POV
Dalawang araw na tulala si andrea sa kanyang kwarto. Hindi makausap, hindi makakain, at ni hindi makalabas ng kwarto. Maraming missed calls sakanyang manager pero hindi niya sinagot ang lahat ng ito. Magang-maga ang kanyang mga mata dahilan ng pagkakaiyak, straight to two days.
" Nak? " tawag ng kaniyang mommy. This time, may susing hawak ang kanyang ina kaya nabuksan ito. Lumapit ito sa nakahigang anak, at hinaplos ang buhok. Naaawa itong nakatingin at parang hindi alam ang gagawin. Sa kilos na yun ng kanyang ina, ay tumulo ang luha niya, dahil ramdam niyang may karamay siya sa loob ng bahay na to.
" Just a piece of advice, kung kaya mong ipagpalit ang taong mahal mo sa career mo, then do it. Kasi kung mahal mo yung isang tao, lahat kaya mong isuko, lahat kaya mong bitawan para sakanya. Kahit alam mo kung gaano ka importante ang career na yan, kung ang kapalit nun ay ang tuluyang mawala sayo ang taong mahal mo, para saan pa yung pinili mong career? Lahat masasayang. " seryosong sambit ng kanyang ina.
Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi pa din sila nagkikita. Nalaman ni andrea na umuwi ng Silay si zion. Sabi ni adrian, umuwi daw kasi ang dami ng nangyari noong mga nakaraan. Gusto din ni zion na magpahangin muna.
" Gusto mo bang mawala ng tuluyan ang pagmamahal na yon? " tanong ng kaniyang ina. Mabilis na umiling si andrea.
" Then bakit hindi mo ipaglaban? Puntahan mo sa Silay. Balikan mo. Kasi katulad ng sinabi niya, sa pagbabalik mo, nandyan lang siya maghihintay. " ngumiti ang kanyang ina pagkatapos nun.
***
*Silay City*
Nagmamadaling pumunta si andrea sa bahay ni zion, ngunit nang makarating siya doon, ay ang mga magulang lang ni zion ang nakita niya.
" Good Afternoon po. " bati ni andrea. Tumango ang papa ni zion.
" Hinahanap ko po si zion. " sambit nito. May narinig itong kaluskos na pababa sa hagdan, and in that moment, she knew it was zion. Parang tubig na dumadaloy ang bawat pangyayari, dahil namamalayan na lang ni andrea na papalapit na si zion sakanya.
" Kamusta ka? " tanong ni andrea na parang walang nangyari nung isang araw. Nasa labas sila ngayon at palakad-lakad.
" Okay lang ako. Dalawang araw na pahinga lang. Ikaw? " balik tanong ni zion. Para lang silang magkaibigan kung mag-usap.
" Okay lang din. Nagpahinga din ng dalawang araw. Nakakulong lang sa kwarto at hindi lumalabas. " mapait na ngumiti si andrea.
" Kaya pala pumayat ka. " ngumisi si zion pagkatapos niyang sabihin iyon.
" Nga pala, gusto ko lang ipaalam sayo na nalalapit na yung fashion show sa california. Kailangan nandon ako dahil ako ang pinaka-importante don. Sana payagan mo ko. Tsaka, ito na din yung huli, pagkatapos nun, wala na akong aabalahin pa. Nais ko lang itanong kung gusto mo bang sumama sa california? " seryoso ang tono nito habang nakatingin kay zion. Zion nodded his head.
"Bakit ka naman nagpapaalam sa akin? Kahit anong gusto mo, kahit anong gawin mo, gawin at gustuhin mo na lahat. Palagi naman akong pumapayag kahit labag sa loob ko. Kaya okay lang na pumunta ka dun kasama si joel. Hindi ko kailangan sumama. " walang emosyong sambit ni zion. Nagbago ang expression ni andrea pagkasabi nun ni zion.
" Si joel nanaman ba? Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wala ngang namagitan sa amin ni joel! Inaya nga kita kasi gusto ko ikaw ang kasama ko papuntang cali. " depensa ni andrea. Umiling iling lang si zion.
" Ako ba ni minsan inisip mo kung gusto ko yang mga ginagawa mo? Kung gusto ko na mawalan ng oras sayo? Na mawalan ng komunikasyon sa isa't-isa? Andrea, ikaw nalang palagi. Palagi na lang na ikaw yung nasusunod. " seryoso ito at mahahalata ang galit.
" Hindi naman to kompetisyon na kailangan nating manalo! Tayong dalawa to, zion! It is between our relationship, on how to handle and how to take care of it! Hindi ito kompetisyon! Future nating dalawa ang pinag-uusapan dito. Ginagawa ko ang lahat para sa ikakabuti nating dalawa, zion! "
" Ako rin naman ah! Ginagawa ko din naman ang lahat! Pero hindi umaabot sa punto na nawawalan ka na ng oras sa akin! Oras lang ang hinihingi ko sayo, andrea. Pero hindi mo pa maibigay yon. Mahirap ba? Nahihirapan ka ba? Kasi kung nahihirapan ka na, pwede naman nating tapusin to. " napanga-nga si andrea habang unti-unting dumadaloy ang mga luha nito.
" Nagyon papipiliin kita, yung fashion show mo sa california, yung trabaho mo dun, o yung career mo, o ako na boyfriend mo, na mahal na mahal mo? " seryosong tanong ni zion, habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni andrea. Habang umiiling at umiiyak ang kanyang kasintahan, na tila hindi ito makapaniwala.
" Wag naman ganito, zion! Importante yung fashion show, kailangan nandun ako. " sambit pa ni andrea. Hanggang umabot sa puntong nagsigawan na silang dalawa.
" Mas importante pa yun kaysa sakin? "
" Hindi, importante ka din naman eh. "
" Pwes mamili ka, "
" Zion! Wag mo akong papipi--"
" Mahirap ba mamili, andrea? "
" Zion, wag gan---"
" Mamimili ka lang naman di---"
" TRABAHO KO, ZION! TRABAHO KO! " malakas ang pagkakasabi ni andrea habang umiiyak. Hindi makapaniwala si zion sa napiling sagot ni andrea, ngunit pilit niyang pinapasok sa isip niya ang nasagot ng kanyang kasintahan. Umiling-iling pa ito habang dahan-dahang naglalakad papalayo.
Humahagulgol ngayon si andrea habang pinagmamasdan ang kanyang boyfriend na naglalakad papalayo sakanya. Ang gulo ng utak niya ngayon, hindi siya makapag-isip ng maayos. Tila bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya ngayon.
Ilang sandali pa ay napaupo siya, at sa puntong iyon, bumuhos ang malakas na ulan. Tila ang ulan na iyon ay nakikisabay sakanilang relasyong patapos na.
" VINCEEENNNNNTT. " mahinang tawag ni andrea habang umiiyak. Matagal siyang nandon lang at naka-upo sa daan. Muntik na siyang mawalan ng malay, pero mabuti na lang at may dumaang sasakyan, at iyon ang kanyang mga kaibigan. Nung nakita ni andrea iyon ay nabuhayan siya ng loob kahit papaano.
Dali-daling lumabas sina irish at camille para alalayan ang kanilang kaibigan, ipinasok sa sasakyan at dinala sa kanilang bahay. Inalagaan at hinayaang makatulog sa kaniyang sariling kwarto.
Kinabukasan... dinalhan ng tatlo si andrea ng makakain. Kahit hindi nila tanungin ang kanilang kaibigan na si andrea, alam nila kung ano nangyari. Nakangiti alamng ang mga ito sakanya habang pinagmamasdan siyang kumain.
" I'm going back to Manila, tatapusin ko ang kailangang tapusin don. After that, babalik ako dito. Babawiin ko ang nawala sa akin. " seryoso nitong sambit pagkatapos kumain. Ang tatlo ay tumango-tango lamang.
" Gusto kong sumama sa california. " sabi ni trixy. Simula nung bumalik siya sa Silay, pilit niyang nilibang ang kanyang sarili para makalimutan si ryan.
" Then ask your mom, para payagan ka. Kung gusto mong mag explore, dahil alam naman nating hindi ka pa masyadong nakakamove-on, eh sobrang kailangan mo ang california. " sabat ni camille. Nalulungkot man, ay natawa si andrea sa sinabi ni camille.
Pagkatapos ng lahat, ay nag-ayos na si andrea ng kanyang mga gamit dahil babalik na siya ng Maynila. Isipin niyo, isang araw lang siya dito sa Silay. Mahirap iwanan ang Silay, lalo na't dito mo nakilala ang taong mahal mo.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantikThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
