" TO BE WITH YOU IS MY HAPPINESS "
Andrea's POV
Nagising ako sa sikat ng liwanag na nagmumula sa balcony ng kwartong ito. Pagmulat ng mata ko, ay yakap yakap ako ni zion. Ayaw kumawala. Ano kaya ang panaginip nito.
Para masilayan siya ng mas malapit ay tumagilid ako, hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ang lambot. Sa totoo lang, lahat ng parte ng kanyang mukha, mamimiss ko.
" Love? " tawag ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi.
" Loveee! Bangon na! " tawag ko ulit. Saglit siyang gumalaw, at medyo minulat ang kanyang mata.
" Good Morning, lovee. How was your sleep? " tanong ko kaagad. Alam ko narinig niya. Maya-maya pa ay niyakap niya ako bigla ng mahigpit, at ito naman ako, pumayag na lang kasi alam kong mamimiss ko to.
" My sleep was so good. Nandito ka kasi sa tabi ko. " sagot niya habang hindi minumulat ang kanyang mga mata, sabay halik niya sa aking noo. Ngumiti naman ako medyo kinilig. Ihhhhhh!
" Swimming tayo, love. Gusto mo? " pag-aaya ko sakanya. May swimming pool kasi ang hotel na to. Dahan dahan naman siyang napatango.
" Pero bago yun, pahalik muna. " nakangisi niyang sambit.
" NO. Sumobra ka na kagabi. Tama na yun. " pagmamatigas ko.
" Sumobra? Parang hindi naman. Nakukulangan pa ako. " simpleng sagot niya.
" NO. Ligong-ligo na ako kaya tara na. " aya ko. Nang sandaling lumuwag ang pagkakayakap niya ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makatayo.
" Pahalik muna. Sige naaaaaaaa! " pagpupumilit niya. Umirap ako at tinitigan siya ng masama. Kotang-kota na kaya siya simula pa kagabi. Lalaking ito talaga.
" NO. Mag-swimming na tayo. Tara na, vincent! " ma-awtoridad kong sambit. Agad siyang napatayo at pumunta ng pintuan. Kapag pangalan na ang tinawag ko, asahan mong inis na inis na ako. Kalaunan ay napangiti ako nang hawakan niya ang braso ko.
Nasa swimming pool na kami ngayon at nagplano kaming dalawa na sabay kaming tatalon. So far so good, dahil malamig ang tubig at kinaya naman namin. HAHAHAHA.
Matagal kaming nagbabad sa tubig. Magkaharap kami ngayon, magkatingin sa isa't-isa. Walang nagsasalita, walang balak magsalita. Pakiramdam ko, ito na ang huling araw na magkakasama kami.
Ilang saglit pa ay niyakap niya ako. Hinalikan niya ang aking balikat. Habang kayakap siya ay nakapikit lang ako. Dinadama ang bawat yakap namin sa isa't-isa. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Hindi ko na alam kung paano ko ibabalanse ang aking oras kapag dumating na ang mga opportunidad na nakatakda. Hindi ko na alam.
" Mahal na mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan yan. " bulong ko sakanyang tenga.
" Bakit ang lungkot mo? Bakit parang namamaalam ka? " nagtatakang tanong niya habang hindi bumibitaw sa yakap.
" Malungkot? Hindi ah. Masaya ako dahil kasama kita ngayon. " sabi ko habang pilit na pinapasaya ang aking boses.
Kagabi bago kami matulog, my manager messaged me: ' Sulitin mo na ang mga araw na kasama mo siya. Dahil hindi natin alam, baka bukas paggising mo, magsisimula na ang tambak tambak mong gawain. I feel sorry for you, my dear. Kailangan mong gawin to. Para rin naman sayo ito eh. ' Sa text niyang yon ay nalungkot ako bigla. Kaninang umaga, ay nag chat sa akin si boss na pumunta akong building mamaya. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh.
***
Kumakain kami ngayon ni vincent sa aming kwarto. Tahimik lang na kumakain. Syempre hindi mawawala yung mga tingin niyang nakakatunaw. Kainis nga eh. Hindi ako makapag focus sa pagkain ko.
" Lovee, kanina ka pa nakatingin! " reklamo ko. He just laugh.
" Ayaw mo nun? May gwapo kang boyfriend na nakatingin sayo. " nakangisi niyang sambit.
" Grabe lakas ng aircon. Pakihinaan po, pwede? " natatawa kong sambit. Sa huli ay natawa na lamang kaming dalawa.
We spend at each other. Tawanan, kulitan, tinginan, halikan hahhahaha joke lang, hanggang sa makatulog siya. Bago ako umalis ay hinalikan ko siya sa pisngi at sa noo. Mahal na mahal ko ang lalaking ito.
***
*Building*
Bago ako pumasok ay tinignan ko muna ang kabuuan nito. Ikaw ang bumuo sa akin, hindi ko alam na ikaw rin pala ang tatapos sa akin. Imbis na iwanan kita, bakit nandito pa rin ako? Bakit bumabalik pa din ako sayo? Dahil ba binuhay mo noon ang madilim kong mundo? Dahil ba binigyan mo ng liwanag ang buhay ko? Dahil ba dun?
Isipin niyong baliw ako dahil kahit building kinakausap ko. Wala akong paki-alam. Kinakabahan akong pumasok. Kahit binati ako ng guard ay kinakabahan pa rin ako. Pagdating ko ng head quarters, nandoon na sila boss at ang aking manager.
" Good day, Ms. De Los Reyes! Have a seat. " bati niya sa akin. Nginitian ko lamang siya.
" Since, nandito ka na. Shall we start? " tanong niya pa. Tumingin na lamang ako sa screen. His assistant will be the one to present.
Nung magsisimula na, ay una niyang pinakita ang bar graph. Bar Graph na naglalaman ng sales ng mga magazines nung mga panahon wala ako dito sa Maynila. Ibig sabihin, ang bar graph na ito ay tungkol kay Ynah. Nalaman kong siya ang umako ng lahat ng gawain ko noong nasa Silay ako.
Napangisi ako dahil hindi umabot sa kalahati ang sales ng magazines at photoshoot ni Ynah. She is not the favorite of the crowd.
" Makikita niyong hindi man lang umabot sa kalahati ang bili ng mga magazines at photoshoot ni Ynah. Before, she wanted to have a concert, where she can do her best, for the people to witness her true beauty. Pero hindi tayo umabot doon. Compared to you, Ms. Andrea, nagkaroon ka ng concert, last 2016. " nakangiti niyang sambit. Alam ko na kung saan papunta ito.
Pangalawa, yung bar graph ko. Napangiti ako dahil ang taas taas kumpara sa bar graph ni ynah. Sobrang taas, abot hanggang poste. Dejoke.
" Look at that, Ms. Andrea. For the past few years, you never failed to amaze us. You always deliver your best. You always give your all. I hope we can still see that best. Think about it. Compared to ynah, mas mataas ka. Compared to her, mas gusto ka ng mga tao. That's why we need you in this project kasi hindi ito makakaya ni ynah. Kahit sa simula pa lang naman, ikaw na ang pinaka mataas, at pinaka paborito dito. " I shook my head.
" Don't compare me to ynah. Di hamak na mas malaki ang naipundar ko sa industriyang ito, kesa sakanya. Di hamak na mas marami akong nakuhang parangal kesa sakanya. Quit that concept. Stop comparing. " sabi ko habang nakataas ang kilay.
" No, I'm not. " sambit niya at napaupo. Sasagot pa.
" Now, let's discuss about your work. " pahabol niya. His assistant is looking at the laptop while presenting.
" I know na papayag kang mag trabaho ulit, para rin naman sayo to. Pagkatapos nito, you're free. " sambit ni boss. I smiled at him. Yah right.
Kung ang kapalit ng lahat ng ito ay ang pagsasama namin ni Vincent, ay buong puso kong ibibigay. After all, lahat ng gagawin ko ay para sakanya. Para sa aming dalawa. Kahit alam kong may posibilidad na masisira kaming dalawa. Gagawin ko pa rin ang lahat ng ito, para sakanya.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...