" LOVE, I'M PREGNANT. "
Andrea's POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo at nagbihis. Magpapacheck-up na din ako mamaya. Pagbaba ko ay nakahanda ang breakfast sa aking upuan. Ang sweet ng aking mga kaibigan.
" So kamusta yung experiment mo? " tanong ni camille. I smiled. Alam ko kasi yung experiment na sinasabi niya.
" Mabuti naman. " sagot ko.
" Is it positive? " tanong ni irish.
" Hulaan mo. " biro ko pa.
" Kung makakahula ako, anong gagawin mo? " nanghahamon pa niyang tanong.
" Wala akong gagawin. Hulaan mo lang. " mayabang kong sambit.
" Positive! You're pregnant! " para siyang bata habang sinasabi iyon. I laugh. For the first time, nahulaan niya! Dejoke. Nag-apir naman silang dalawa ni camille.
" Congratulations din dahil kayo ang magiging ninang nito! " sambit ko sakanila.
" Aba naman, syempre! Ang swerte swerte niya dahil kami ang magiging ninang niya. Ang dami niyang toys to play with. " parang mas excited pa sila kaysa sa akin. I just smiled at them.
***
So, nandito ako sa hospital, inuna kong magpacheck-up, bago puntahan si vincent. I just want to make sure.
" Yes, misis. You're 3 weeks pregnant. Congratulations! " parang musika ang boses na yun para sa akin. Yun bang gusto kong paulit-ulit. I am sure matutuwa si vincent nito.
*Phone ringing...
" Hello! Adrian! Nasa hospital ako. " sabi ko.
( Pwede pakibilisan mong pumunta dito? ) may lungkot sa tono ng boses niya at hindi ito mapakali.
" Ba-bakit? A-anong nangyari kay vincent? " nag-aalala kong sambit.
( Basta pakibilisan mo na lang. Nandito ngayon yung doctor niya. ) and in that moment he said na nadyan yung doctor niya ay tumakbo na ako. Baby, im sorry, pero kinakailangang tumakbo ng mommy.
Pagkarating ko ay wala si adrian sa labas, tanging si tito, tita, at ang doctor ni vincent ang nakita ko. The doctor was saying something, hindi ko rin marinig kasi umiikot yung paningin ko. Napagod ako sa kakatakbo.
" Doc, how's my boyfriend? " sobra akong nag-aalala ngayon, tinignan lang ako ng doctor, nginitian ng kaunti, bumaling ang tingin sa mga magulang ni vincent at tinanguan ito, saying na sila na lang ang magsasabi.
" Probably, he's not fine, andrea. Kanina, pinilit namin siyang gumising pero parang ayaw na niya, kaya tinawag na namin ang doctor niya. Kahapon kasi ay lumala na yung sakit na dinadala niya. Ang sabi ng doctor ay mag-stay siya ng two days, pero hindi maipapangako ng doctor andrea na sa loob ng two days na iyon, ay makakasurvive pa siya. Walang maipapangako ang doctor sa atin andrea, kung mabubuhay ba siya o hindi na. " dahan-dahan akong napailing sa mga sinambit ni tita. No, that can't be.
" Magpakatatag ka, nak ha. Kaya natin to. " maluha-luhang sambit ni tito sa akin. Napatingin ako sa pintuan, dahan-dahan lumapit doon at binuksan. Kanina pa ako maiiyak, pero pinipigilan ko lang. Saktong pagpasok ko ay siyang pagtayo ni adrian, kinamayan si vincent at bahagya itong nginitian.
Samu't saring kalungkutan at kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano nga ba ang dapat kong maramdaman ngayon?
" Hi loveeee! " medyo naiiyak kong bati sakanya, pero may ngiti pa rin sa aking labi.
" Hello, my loveee. " masaya niyang sambit. Nagagawa niya pa ring ngumiti kahit bilang na lang ang mga araw niya. Niyakap ko siya, siguro huling yakap.
" I have good news for you! " para akong bata habang sinasabi iyon.
" Talaga? Ano yon? " habang sinasambit niya iyon ay napapansin kong medyo hirap siya kung huminga.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
