Chapter 10💛

18 0 0
                                        

' GIVE ME CHANCE '

Andrea's POV

Pagkatapos ng klase, lumabas kami agad ng classroom para kumain sa canteen.

" Drey. May naghahanap sayo kanina. Ang pogi. " irish said.
" Alam ko. Sinabi ni trixy sakin. " walang gana kong sabi.
Umirap si irish pagkasabi ko non.

*canteen*
Umupo kami sa pinaka dulong upuan. Nagpabili lang ako kina camille dahil nakakatamad na tumayo. Hihi.
Masaya kami habang nagkukuwentuhan when someone caught our attention.

May limang lalaki na naglalakad at grabe ang tili ng mga tao na kulang na lang langgamin sila dahil kilig na kilig sila. Limang lalaki at kasama na don ang lalaki kahapon sa simbahan.
Dito pala siya nag-aaral.

" Drey. Yan yung humanap sayo kanina. " sabi ni irish at tinuro pa ang lalaki.
BINGO! Yung lalaking panay ang tingin sa akin kahapon sa simbahan, yun din yung lalaking hinahanap daw ako.

Tinignan ko siya. Hmmm... Sikat pala siya. Pinagtitilian pala sila ng mga babae dito. Pati ang mga bakla.
Ngayon, papalapit siya dito. Yung mga kasama niya, umupo sa tabi ng table namin.

" Ayan na siya. " sabay pa na sabi ni irish at trixy.
Tinitignan ko lang siya habang papalapit. Ngumisi ako.
I have a plan.

He held his hand and say...

" Hi. I'm Vincent Zion Ortega. You are? " pagpapakilala niya.
Vincent Zion Ortega. What a nice name.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad. Nagdadalwang isip ako kung hahawakan ko ba iyon o hindi.

' girl! magpakilala ka na. this is your chance! ' bulong iyon ni irish.
Siniko ko siya dahil nakaka-insulto iyon para sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang kamay niya at tinignan na lang siya.

" May kailangan ka? Kahapon ko pa kasi napapansing parang may kailangan ka. " nakangisi kong sabi.
Narinig kong bumuntong hininga siya.
" Gusto lang kitang makilala at kung papayag ka, pwede ba tayong maging magkaibigan? " nahihiya pero lakas loob niya iyong sinabi. Alam ko. Ramdam ko.
" Pangalan ko ang gusto mong malaman. Tapos makikipag-kaibigan ka. Ang dami mo naman atang kailangan. " insulto kong sabi iyon at ngumiti ng nakakaloko.

' ohhhhhh! '
' andrea diba? angas ah '
' matinik '
Mga narinig kong sabi ng mga tao.

" Dalawa lang naman eh. " tapos ngumuso siya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya cute sa reaksyon niyang yon.
Okay. Ang cute niya kapag ngumunguso.

" I am Andrea De Los Reyes. 18 years old. Makikipag-kaibigan ka sa akin? I don't think so. " I smirk.
" Ano pa ang kailangan mo? " masungit kong tanong.
" Hihingi rin sana ako ng number mo. " nahihiya niya pang sabi.
Tumawa ako ng mahina.

" Bakit mo ginagawa to? " tanong ko. I am just curious why he is doing this. Malay natin may binabalak pala siya.
" Kasi gusto kong malaman mo na una pa lang kitang nakita, may gusto na ako sayo. " paliwanag niya.
" Maaaring yon ang rason mo dahil nagagandahan ka sakin, kaya gusto mo ko agad. Ganda ko lang ang nagustuhan mo at hindi ang ugali ko. " malditang sabi ko sakanya.
Napakamot siya sa ulo niya.
" Kaya nga ako nandito para mas makilala pa kita. Gagawin ko lahat. " he is now acting like a kid. psh.
Hindi ako naka-imik sa sinabi niyang yon.

" Bigyan mo ko ng chance para makilala ka lalo. Kaya kong lumiban sa klase makita ka lang araw-araw. Kaya kong gawin ang lahat basta ba bigyan mo lang ako ng pagkakataon. " tapos ngumiti siya. Ngumiti rin ako syempre.
" Humihingi ka ng chance? Kapag binigay ko yon, sasayangin mo ba? " naka-taas kilay na tanong ko.
" Hindi. " simpleng sagot niya.

Ang hirap pala kapag may gusto sayo ang isang tao noh?

" Okay. I will give a chance. Sana'y wag mong sayangin. " sabi ko tas ngumiti.
Ngumiti siya ng malapad.
" Hindi. Hindi ko sasayangin. Pangako. " sabay taas ng palad niya na nangangako.
Nagulat ako ng bigla niya akong kinindatan. Woah! I think that was fast?

Ibinigay ko sakanya ang number ko dahil yon naman ang kanyang hinihingi.

After nun, tinuktukso ako ng tatlo kong kaibigan. Sabi ko naman diba, sila yung mas kinikilig kumpara sa akin.
Wala eh, lakas ng appeal ng lalaking yon eh. Hindi ko maitatanggi.

(End of Chapter 10)

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon