" A PASSIONATE KISS IN THE HOSPITAL "
Andrea's POV
" Gusto mong pumasok? Sige na, nak. Pumasok ka na. Alam kong ilang oras ang hinintay mo. " ang sabi ni tita sa akin, nakikita kong medyo maiiyak siya pero pinipigilan niya lang. Nginitian ko si tita bago ako pumasok. Si tito at adrian ay bumili ng makakain.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na kaagad siya, nakahiga. Mahimbing na natutulog. Hindi pa man din ako nakakalahati sa paglakad ay napatulo na ang aking luha. Hindi ko gusto na nakikita siyang ganito. Hindi kaya ng mga mata ko.
" Good morning, love. Sana naririnig mo ako ngayon. Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Nandito na ako. Nandito na yung babaeng pinakamamahal mo. " I am talking to him na parang normal lang. Take note, umiiyak pa rin ako. Nung makalapit ako, ay kaagad kong hinawakan ang kanyang mga kamay. I miss holding his hands.
" Love, nung nasa california ako, bigla akong kinabahan don. Hindi ko alam kung may koneksiyon ba yon sayo, o kinabahan lang talaga ako. " naalala niyo naman siguro nung kinabahan ako diba?
" Gumising ka na. Nandito na ako, oh. Kagabi ko pa hinihiling na masilayan at makita kang muli. Kagabi pa ako naghihintay. Pero alam mo, kahit gaano pa katagal ang hihintayin ko para magising ka, hinding-hindi ako mapapagod. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ka rin napagod sa akin. Hinintay mo akong sagutin ka, hinintay mo ako sa lahat ng bagay. At ngayon, hinihintay mo pa rin ako. Kaya hindi rin ako mapapagod. Hinding-hindi. " ang higpit ng hawak ko sa kamay niya. Sa totoo lang, hindi ko na gustong bitawan pa to.
" I never knew na mapupunta ang lahat sa ganito. I never knew na magiging ganito ang kalagayan mo. I never knew na ito ang mangyayari pagkatapos kong piliin ang trabaho ko over you. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit naging ganito ka. Sana pala pinili kita noh. Sana pala tinapon ko nang ganon ganon na lang yung trabaho ko. Pero sana naiintindihan mo din na para sating dalawa yon. Ginawa ko yon para sayo. " ito nanaman yung mga luhang gustong pumatak. Sana naririnig ako ni vincent.
Naramdaman kong medyo gumalaw ang kanyang kamay sa kabila. Saglit na nanlaki ang aking mga mata at napangiti ng kaunti.
" Loveee? Loveee. " tawag ko sakanya. Ilang sandali pa ay dahan dahang namulat niya ang kanyang mga mata. Sabay bigkas....
" Loveeeee? " sambit niya. How I miss his voice!
" Hi loveee! Ako to, si andrea! Yung babaeng pinakamamahal mo! Nandito ako sa tabi mo! Hinihintay na magising ka. " masayang-masaya kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin at maya maya ay napangiti rin siya ng bahagya.
" Waahhh! Namiss ko ang ngiting yan! Namiss ko rin ang gwapo mong mukha. " galing man sa iyak, ay pinili kong maging masaya. Ayun, inasar ako, at ngumiti rin siya ulit. Habang natatawa ay siyang pagpatak ng luha ko. Tears of joyyy.
" Oh? Bat ka umiiyak? Nagising na ako. Hindi ka ba masaya? " tanong niya habang sinusubukan niyang umupo, syempre tinutulungan ko siya.
" Masaya ako, sobrang saya ko. Ilang oras ang hinintay ko para makapasok dito, kasi hindi ko alam na may limit pala ang pagpasok sa kwarto mo. " paliwanag ko.
" Pagdating sayo, walang limit! Kailan ka dumating? Matagal na kitang hinihintay. Tuwing nagigising ako, hinihiling ko na sana nandun ka. " pagkasabi niya non ay napangiti ako. Palagi niya akong hinihintay, ang saya lang marinig.
" Kahapon lang ako dumating. Nagmamadali akong makauwi dito. Sabik na sabik akong makita ka, love. " masaya at puno ng ngiti kong sabi sakanya.
" I miss the way you say ' love '. Pakiramdam ko wala akong sakit na dinadala. Isa pa ngaaa. " natutuwa niya paki-usap. Syempre pagbibigyan ko, mahal ko eh!
" Looveeeeeee! " tawag ko sakanya at hinalikan pa siya sa pisngi! Sobrang miss na miss ko na siya. Natawa kaming dalawa sa eksenang iyon. Sandaling katahimikan, nakatingin lang kami sa isa't-isa. Hinding hindi ako magsasawang tignan siya ng diretso sa mga mata. Magkahawak ang aming mga kamay.
" Kamusta ka? After all, ikaw ang nasa isip ko. Hindi ka kailanman nawala sa puso ko. Ikaw ang hinahanap ko sa tuwing nagigising ako. Ikaw ang isinisigaw ng buong katawan ko. Ewan ko ba, anong naidulot mo sa akin, bakit ako adik na adik sayo? " ang lapit ng mukha niya sa akin. Habang nagsasalita siya kanina, nilalapit niya ang mukha niya. Kingina kahit hindi pwede yun kasi yung gilid niya gumagalaw din. Sige na ngaa, ako na mag-aadjust.
" So I guess, the feeling is mutual. Hindi ko rin alam ang sagot diyan eh. Ang alam ko lang, mahal na mahal natin ang isa't-isa. Walang makakasira. " hindi ako nagpatalo, lumapit rin ako. Ang landiiii.
" Alam kong bawal kang gumalaw, kaya ako na ang nag-adjust. " sabi ko sakanya.
" Alam mo, tumabi ka na lang sakin dito sa kama. Kasya naman tayo dito eh. Ang payat payat ko naman na. " paki-usapa niya. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi. Hello, grasya! Tsaka, ilang beses na kaming nagtabing matulog. Gaya ng paki-usap niya ay ganon nga ang ginawa ko.
" Ang landi talaga ng girlfriend ko. " natatawa niyang sambit.
" Oo naman, sobra. Sayo nga lang. " syempre natawa din ako. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay, hindi kailanman bibitaw.
" Love? Sorry nga pala sa mga nagawa ko. Sorry kasi nagkakaganito ka. Sorry kasi mas pinili ko yung trabaho ko kesa sayo. Sorry kasi hindi ko naman alam na mangyayari to. Sorry for making you sad that time, love. Sorry sa lahat. Sana hindi ako umalis. Sana pinili kita. Sana nag-stay ako sa tabi mo. Edi sana ngayon, wala ka sa ganitong lagay. Hindi ka nakahiga ngayon. Sana nasa maynila pa rin tayo, nag-eenjoy. Tama ang sinabi sa akin ni mommy. Kung sana hindi ko pinili ang career ko, hindi ka sana mawawala sa akin. I'm so sorry, love. " paghihingi ko ng tawad. Nakayakap ako sakanya habang nakahiga kami, katulad ng nakasanayan.
" Shhhh.. don't be sorry. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Kung ano man yung nangyari last time, kalimutan na natin iyon. Wala namang may gusto na nangyari iyon. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ang kalagayan ko ngayon ay may rason at ang Panginoon lang ang may alam kung bakit. Kung ano man ang posibleng mangyari, palagi mong tatandaan, na lahat ng iyon ay may rason. Tsaka, hindi ka naman nawala sa akin, hindi naman ako nawala sayo. Don't be sorry, okay? " habang nakatingin sakanya ay tumatango ako. Nagkatinginan kami sandali, hanggang sa naglapit ang mga mukha namin. Hinalikan niya ako sa noo, sa ilong, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. Kung alam niyo lang kung gaano ko namiss yung labi niya. It was a passionate kiss. It was strong, bunga ng pagkamiss namin sa isa't-isa. I love this kind of kiss. And take note, na sa hospital pa naganap iyon. Pagkatapos ay sandaling naglapit ang mga mukha namin, habang nginingitian ang isa't-isa.
We enjoyed the rest of the morning. Sabay kaming kumain. Sinusubuan ko lang siya kasi nga nakaupo lang siya and no extra movement. Syempre katulad ng nakasanayan, masaya kami habang kumakain.
" Bukas ulit, love haaa. I love you so much! " nakangiti niyang sabi. I smiled too.
" I love you moreee, my loveee. " masaya at nakangiti kong sambit. Bago ako umalis ay hinayaan ko siyang halikan ako sa pisngi ng matagal, ofcourse hindi ko kinalimutang i-capture iyon. Lumabas ako sa kwarto niya nang puno ang ngiti sa labi.
Pero sa paglabas ko.... samu't saring kalungkutan ang sumalubong sa akin.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
