' HOW SHE MET THOSE GIRLS PART 1 '
Andrea's POV
Pumunta kaming apat sa sala. May malaking sofa kasi dun, kaya kasya kaming apat.
Dahil na rin sa antok, humiga na sila. Ako hindi pa. Tinignan ko muna silang lahat. Gusto niyo bang malaman kung paano kami naging mag bestfriends?
Ang dami na naming napagdaanan, naranasan, at nakita, pero staying strong pa din kami hanggang ngayon, at tingin ko, wala nang makakasira samin. Kung meron man, iisa-isahin naming silang lahat.
Minsan naiisip ko, paano kaya kung hindi kami pinagtagpo? Mag-isa kaya ako ngayon? Hindi kaya sila ang kasama ko ngayon? Minsan tinatanong ko, sa dinami-rami, bakit sila ang naging kaibigan ko? Hanggang ngayon, yan ang tanging tanong ko. Hindi ko pa rin alam ang rason. But then, I stayed thankful to God.
*Flashback*
Nung bata ako, palagi akong nasa bintana. Palaging malalim ang iniisip. Nakatingin lamang ako sa kalsada. Pinapayagan naman ako ni Mom and Dad na lumabas kaso wala akong friends. Kahit isa.
Palagi akong nagdadasal kay God na sana bigyan niya ako ng mga kaibigan. Kahit more than one lang, okay na ako don.
Isang araw, niyaya ako ni Mom na sumama sa opisina nila. May ime-meet daw na bagong makakasama nila sa kompanya. Ang apelyido ng pamilya nila ay, TORRES.
Hindi ko alam pero may magandang kutob ako. Something like, good news, or good things.
Doon nakilala ko si Camille. Kaya siya isinama ng mga magulang niya dahil siya ang magiging tagapagmana ng kanilang kompanya. Sobrang higpit daw ng mga magulang niya sakanya. Kaya siya nag-aaral ng mabuti dahil yon ang gusto ng magulang niya. Masyado siyang sunod-sunuran. Pero kahit papaano naiintindihan ko naman. KINABUKASAN niya ang nakasalalay dito.
She doesn't want to failed her family. She doesn't want to dissapoint them. Kaya she's doing everything para maging proud ang mga magulang niya sakanya. I saw her determination. Lahat talaga inaalay niya sa pamilya niya. Doon ko siya mas hinangaan. Isipin niyo yon, kahit pagod na pagod na siya, ginagawa niya pa rin lahat para sa mga magulang niya. To make her parents proud.
Dahil mayaman siya, tingin sakanya ng mga tao marangya ang buhay niya. I beg to disagree. Hindi kasi nila nakikita yung mga paghihirap na nararanasan ni camille. Yung determinasyon niya para sakanyang pamilya. Many people envy her instead of appreciating her efforts for her family. Inggit na inggit sila kay camille dahil kesyo mayaman daw siya at nakukuha niya lahat ng gusto niya. Yah, nakukuha niya lahat pero try to step in her shoe. Let's see what you can say about her.
She grew up in a business, ganon siya pinalaki ng daddy niya. His dad trained her so well. Ngayon, ang tapang tapang na niya, walang takot.
Alam niyo, I adore her so much. Hindi kasi lahat nabibiyayaan ng ganyang talento. Determinado, desidido, may paninindigan, kayang gawin ang lahat, may ibubuga, given the fact na maganda siya, she also have this charisma or charm that can make people attracts. Yung kahit konting salita mo lang tungkol sa business, papayag na agad yung kausap mo para makipag business partners. Akalain niyo yun. Where did she get that kind of skills? Paturo.
" Ang pera kasi nauubos yan. Ang pamilya hindi. Kasi kahit pasaway ka, makulit at minsan inaaway mo sila, hindi sila nawawala. Hindi katulad ng pera na kapag ginagastos mo, unti-unting nawawala. Mas pipiliin ko ang pamilya kaysa sa pera na yan. " yaan ang sinabi sa akin ni camille nung napunta ang usapan namin sa seryosohan.
*end of flashback*
Hindi ko alam pero nung panahong sinabi nya sakin yon, mas hinangaan ko pa siya lalo. Para kasing may pinaghuhugutan siya eh.
Kaya siya strikta samin kasi mahal na mahal niya kami.
She also loves taking pictures, magaganda kasi yung mga kuha niya eh. Siya palagi yung photographer naming tatlo kapag may lakad. hehe.
" I love you, drey. " sabi niya.
" I love you too, camille. " sabi ko.
Sinabi nya sa akin yan nung mga bata pa kami. Isang simpleng 'I love you' pero napaka halaga.
I look at her. Tulog na tulog. Hahahahaha.
No matter what happen, I will always be at her side. Habangbuhay. Kahit dumating pa ang mga pagsubok na yan. Kakayanin.
Napatingin ako sa katabi ni camille. Si Irish Rosales.
(end of chapter 2)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
