Chapter 94💛

9 0 0
                                    

" MIXED WITH PAIN. "

Andrea's POV

Nalaman na ng aking mga kaibigan ang nangyari. Kagaya ko ay malungkot rin sila. Nasa kwarto ako ngayon. Tulala, at walang paki-alam sa paligid. Hapon ngayon at buong magdamag, nandito lang ako sa aking kwarto. Naka-upo at madaming iniisip. Tinatanong kung bakit nangyari ang lahat ng ito, bakit napunta ang lahat sa ganito, bakit yung taong pinakamamahal ko pa, bakit si vincent pa na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Wala akong ginawang masama sa buong buhay ko. Wala akong inapakang tao. Wala akong inapi. Mabait ako. Sobrang bait ko. Bakit ang pinakamamahal ko pa?

Kung tatanungin niyo kung ilang araw akong nasa kwarto lang, 3 days straight nandito lang ako. Nung unang araw, dinalhan ako ng pagkain ni camille, hindi ko ginalaw. Kaya nung gabi, siya na mismo ang nag volunteer na subuan ako. Makakasama daw iyon sa baby. Maiintindihan ni baby iyon.

" Ilang araw ka nang nasa kwarto lang. Magagalit si vincent at makakasama sa baby. " nag-aalalang sabi ni irish. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin at sa baby ko sa loob ng tatlong araw.
" Vincent will understand and so our baby does. " matigas kong sambit nang hindi man lang tumitingin sakanya.
" Wala ka nung dumating yung kabaong ni vincent sa bahay nila. Kahapon pumunta kami doon. " sabi niya pa. Napayuko lang ako. Nagpaalam ako kay vincent. 
" Pupunta ako doon kapag medyo nalinawan na ako. Kapag medyo tanggap ko na. " sambit ko, seryoso.

Habang inihahatid ni Irish ang dinner ko, at tinulungan ako ni irish na makatayo, pinaupo sa kama, at handa nang subuan ngunit biglang pumasok si camille. Makikita sa kanyang mukha ang gulat, pag-aalala, at kalungkutan.

" Trixy had an accident! " halos pasigaw niyang sabi. Kailangan sumigaw? Napatayo naman itong katabi ko at gulat na gulat.
" What?! NO! Asan siya? Ligtas ba siya? " irish asked while panicking. Paano ako makatayo? Eh para akong may sakit ngayon. Hindi makatayo, hindi maka-usap, ni hindi makatingin sa mga kaibigan ko.
" She's nowhere to be found in recent days, but now, her parent's find out that she's in the hospital. " sa wakas ay napatingin ako kay camille. Nakakamiss yung mga mukha nilang nagpapanic dahil sa mga mangyayari.
" Yon lang ang nahagilap mong impormasyon tungkol sakanya? Naman camille! Kaibigan natin yon! Baka mamaya may nangyari na sakanya na hindi natin inaasahan! " sobra ang pag-aalala niya base sa tono ng boses. Camille showed her hands, telling irish to please stop panicking, and please calm.
" Trixy is suffering from an amnesia. Nauntog ang kanyang ulo ng pagkalakas-lakas, nabura ang kanyang mga alaala at nakalimot. That's what I found out. " pagkatapos nun ay napayuko si camille, at dahan-dahang napaupo.

Mas may isasakit pa ba? Sabihin niyo na nang makahanda ako sa ano mang susunod na mangyayari. Kasintahan at kaibigan ko sa mahigit na maraming taon naming pagsasama. Sino pa? Pamilya ko? Itong dalawa kong kaibigan? Dali na! Nahiya pang ibigay yung sakit! Lahatin na tutal yun naman ang gusto mo! Ang saktan ako ng paulit-ulit! Putangina, tadhana! Wala akong ginawang kasalanan sayo! Naging mabait ako sa buong buhay ko! Pinakamasakit sa lahat yung makalimutan ka ng kaibigan mo. Mas masakit pa yun sa break up. P*ta!

***

Kahit mahirap ay pinilit kong bumangon, pinilit kong makatayo, makapunta lang sa bahay nila vincent at makita siyang nakahiga at natutulog. Tulog lang ang mokong na yon.

Nung nakita ako ni tita ay agad niya akong niyakap at tinanong kung kamusta na ako at ng baby ko. Nalaman nila nung nasa hospital kami. Sinabi ko. Karapatan nilang malaman dahil boyfriend ko ang anak nila.

Nandito ako sa tapat ng kabaong ni vincent. Tinitignan siyang maigi. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Gwapo pa rin kahit natutulog.

" Baby tignan mo oh, ang gwapo ng daddy mo kahit natutulog. Kumbinsihin mo nga na gumising na diyan. " habang binibigkas ang mga salitang iyon ay parang maiiyak ako.

" Hi love, pasensya na't ngayon lang ako dumalaw. Hindi magandang biro na natutulog ka diyan sa kabaong na yan. Ang mabuti pa, gumising ka diyan. Ang daya mo naman eh. " para akong bata na kinukumbinsi ang isang lalaki.

" Sorry nga pala dahil nagkukulong ako sa kwarto. Narealize kong nakakasama nga iyon sa baby natin. Kahit mahirap ay pinilit ko, love. Pangako, kapag medyo naging okay nako, ipapasyal ko ang anak natin. Sabing gumising ka diyan para sabay nating ipasyal si baby. Sobrang daya mo. " feeling ko buhay siya para kausapin ko siya ng ganito. Sanay ako sa biruan kaya hindi ko gustong totohanin na wala na talaga ang aking boyfriend. Kailangan tanggapin. That's how life works.

" Gusto ko ding ipaalam sayo na pagkatapos ng burol mo, pupunta akong california, doon ko ipapanganak ang ating baby. Wag kang mag-alala, lahat ng sinabi mo sa akin bago ka mawala, lahat ng yon, ituturo ko sakanya. Tsaka uuwi kami dito pagkatapos ng isang buwan. Sana pumayag ka, love. " it was camille's and dad's decision na pumunta akong california kasama ang aming anak. In that way, makakapagpatuloy ako, makakapag-isip ako. Kaysa dito na hindi ako matinong kausap.

Sinabi ko rin kina tita at tito ang tungkol sa desisyon ko. Sa una, nakita ko sa mga mukha nila na parang hindi sila papayag, ngunit sinabi ko naman na uuwi din kami pagkatapos ng isang buwan.

" Hindi ko po ipagkakait sa inyo ang pagkakataon na makapiling ang inyong apo. Hindi ko po ugali iyon. Kahit papaano ay malaki po ang inyong karapatan. " sambit ko sakanila. Tita and tito smiled at me.

" Our son did never fails to choose you as her girlfriend. Hindi siya nagkamaling ikaw ang minahal niya. A kind hearted woman. " papuring sabi ni tito. Ang ngiting matagal na nawala ay nagpakitang muli dahil sa nasabi ni tito. I know I lost my smile, pero ngayon, pinangiti ako ulit ni tito. Namiss ko ring ngumiti ah. Niyakap na lamang ako ni tita dahilan ng pagiging mabuti kong tao.

Nasabi ko rin kay dad and mom na buntis ako. Magisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sila nagulat, hindi sila natigilan. Actually, naunang sabihin ni dad na pupunta akong california para doon buhayin ang anak namin ni zion. Ang rason niya ay, ayaw niyang madumihan ang record ko bilang modelo. Ayaw niyang masira ang reputasyon ko dahil lang sa nagdalang tao ako. Kapag order at sabi niya, I'll just follow kasi mahirap na, baka magalit ang daddy ko. Minsan lang kung mag-utos yan. Si kuya nga eh, lahat ng sasabihin ni dad, sinusunod niya. Si kuya na walang ibang ginawa kundi ang sundin ang mga sinasabi ni dad. Ako na wala ring ibang ginawa kundi magpakasaya sa buhay, ngayon pa ba ako hihindi sa sinabi ni dad? He also says na silang dalawa ni mommy ang magpro-provide ng pangangailangan ng anak namin ni vincent. Imagine, having them in your life.

Nakalimutan kong sabihin sa inyo na si daddy ang nagbayad ng lahat ng gastos sa hospital, at sa kabaong ni vincent. Nagpadala pa si mommy ng nakatayong puting flowers na nagsasabing ' My deepest condolences to your son and to the whole family. ' Ang bait bait, babaeng marangal.

It was the last day of vincent na nandito sakanilang bahay. Bukas kasi, ililibing na siya. Kanina ko lang din nalaman. Sa katunayan ay wala akong kaalam-alam na ililibing na pala siya bukas. Hindi sinabi ni tita kasi baka daw maapektuhan ang baby. I respect that, tho.

Pinili ko nalang na manatili dito sa bahay nila vincent. Doon ako natulog sakanyang kwarto, para kahit ngayon man lang, maramdaman ko siya. Ang linis na ng kanyang kwarto at walang halong kalat. Naalala ko yung unang punta ko dito, nanuod kami ng movie, konting habulan at konting halikan. Ang saya saya namin nun. 

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Pakiramdam ko nag rewind ang mga pangyayari. Pakiramdam ko dinala ako ulit sa nakaraan. Ang nakaraan na kailanman ay hindi ko na makakapiling pang muli.

Maghihintay pa rin ako, zion. Maghihintay ako.

***

A/N:

Maghihintay ako by Jona Viray will still play on the next chapter! Last chapter na! Huhu. Epilogue na pagkatapos.

Thankyouuu for readiing!

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon