" SECOND TIME "
Andrea's POV
The first we ordered is Calamares, Ginataang Tilapia, Pork Sisig w/ Egg tatlong serve, Boneless Bangus, Sinugbang Baboy dalawang serve, Fried Shrimp, at Sinigang na Isda. For our drinks naman is, Coke, Sprite, and Royal 12 oz.
Dumating na sila Aeron at Ryan, tumabi naman agad sa kanilang mga binibini. Naka-akbay ngayon sa akin si zion. Nahihiya nga ako eh. Ramdam ko ang sobrang pagkamiss niya sa akin. Miss na miss ko din naman siya.
" Ano yung tinutukso kanina sayo ni adrian na may sinabi ka nung nag video call tayo? " tanong ko, para kunwari wala talaga akong narinig.
" Wala yon. Minsan kasi tinotopak lang yang si pinsan. Hayaan mo na. " sagot ni zion. Tumango lang ako. Alam niyo, medyo natatawa ako.
" Eh yung ilaw? Takang-taka ako kasi maraming ilaw sa likod mo. " sambit ko. Hanggang ngayon, gulat na gulat pa rin ako, dahil yung ilaw pala na yon ay hudyat na gusto niya akong maging girlfriend.
" Trip lang ni adrian yon, ewan ko ba dun. Ang daming paandar. " sagot niya pero mahahalata mo na palusot niya lang iyon. Tumango lang ako sakanya.
Dumating yung mga inorder naming pagkain, at unang tingin mo palang besh, ang sarap sarap na. I can't wait to taste this.
" Enjoy sa pagkaon, maam, sir. " sabi ng babae. Napakunot ang noo ni Irish, tinanong niya kay adrian kung anong ibig sabihin non.Gusto ko ring malaman kung ano ba ang ibig sabihin non. Ang sagot naman ni adrian ay, ' enjoy your meal, maam, sir. '
Bago kumain ay nagdasal muna kami. Pagkatapos ay kumain na. Marami ang napagkwentuhan namin habang kumakain. This is the second time na kumain kaming walo sa isang restaurant. I felt happiness seeing them together with their soon to be boyfriends, I am happy for myself too.
As usual, may mga subuang nagaganap, pakiramdam ko bago pa rin sa akin ang ganitong pangyayari kahit ilang beses na naming ginawa ito ni zion. Para kasing same lang yung feeling. Alam niyo yung ibig kong sabihin?
" Sana marami pang kasunod nito. " sambit ni aeron, tapos na siyang kumain, pero kami, patapos pa lang.
" Outing tayo guys! Panigurado, masaya yon! " masayang suhestyon ni ryan. Si trixy naman ay binatukan siya ng mahina. What's wrong with his suggestion? HAHAHA.
" Oo nga! Kung matuloy man, first time namin ni irish na mag outing ng magkasama. " nakangiting sabi ni adrian.
" Maganda sana sa Patag Mt. Resort. " sabi ni aeron. Napatango-tango naman si camille.
" Pagplanuhan natin ng maigi yan. " sabi naman ni trixy. Oo tama, dapat pinaplanong maigi.
Nagkatinginan kami ni zion at nagnginitian sa isa't-isa. Kahit ano pa ang magiging desisyon nila, go lang kami.
" Kayong dalawa, okay lang ba sa inyo? " tanong ni irish.
" Oo naman. Basta naka plano at walang palya. " sagot ni zion. Naninigurado ah.
" Sige, planuhin natin yan bukas. " sambit ni aeron. Nagkatinginan silang dalawa ni aeron at nag nginitian. Their smiles is full of love.
***
Camille's POV:
Nasa labas na kami ng bahay nila aeron. Nandito si aeron sa tabi ko, sabi niya nandoon na daw ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni althea. Woah, dalawa laban sa lima? Nakakakabado.
" Kaya natin to, baby. Mapapasa-akin ka, In God's Name. " itinaas niya pa ang kanyang dalawang kamay habang nakakuyom at tumingala sa langit. Sinunod ko ang ginawa niya at kahit papano'y medyo nawala ang kaba ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/138868252-288-k92447.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...