" COMBINATION OF ANNOYANCE AND PAIN. "
Andrea's POV
" Nung mga nakaraan na wala ka dito sa pilipinas, maraming nangyari. Mga nangyari na alam kong kapag malaman mo ay hindi mo kakayanin. Pasensya kung minadali ko ang pag-uwi mo. Hindi ko na kasi kayang nakikita na ganon ang kalagayan ni vincent. Marami akong gustong sabihin sayo ngayon, at sana kayanin mo. " nagbibilin niyang sambit. Napakunot naman ang aking noo sa mga salitang binitawan niya. Kalagayan ni vincent?
" Buwan na rin ang lumipas simula nung huli kayong mag-usap, hindi ba? Pinili mo ang trabaho mo dahil para sayo, iyon ang makakabuti para sa inyong dalawa. Ginagawa mo ang lahat ng ito para sa future niyo. Hindi namin makausap si vincent, madadalhan ko siya ng pagkain, pero hindi niya kinakain. Ang laking dulot ng hindi niyo biglaang pag-uusap. Mga ilang araw rin siyang nakatulala lang, nakatingin sa dingding. Akala namin nun, hindi na siya magiging masigla ulit, pero yon pala, bumalik ang dating vincent na masigla at palatawa. " habang kinukwento niya iyon, ay medyo naluluha ako pero natuwa rin sa huli niyang sinabi.
" Pero alam nating ang takbo ng buhay ay hindi madali. Naging matamlay si vincent, naging mataas ang lagnat niya, sobra siyang nanghina. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganon bigla, hanggang sa pinatingnan namin siya sa doctor. Ilang araw siyang nakahiga, habang yung mga doctor naghahanap ng sagot kung bakit nagkakaganyan si vincent. Laking pasasalamat namin nung magising siya, kasabay nang paggising niya ang pagdating ng resulta sa nangyari sa aking pinsan. " tumulo ang kanyang luha pagkasabi niya non. Nung narinig kong na hospital si vincent mula sakanya, ay tumulo na ang aking luha. All this time, wala akong alam na nangyayari na sakanya ito.
" Paggising niya, sinabi ko na sasabihin ko kay andrea ito, kailangan niyang malaman ang sitwasyon mo ngayon. Pero ang sabi niya, ang palagi niyang sinasabi, huwag na muna. Sabihin na lang natin sakanya kapag dumating na siya dito, hindi ko gusto na maging malungkot siya, okay lang sakin na ako yung malungkot, wag lang siya. Hindi ko gustong umiyak siya kapag nakita niya akong ganito. " kwento ni adrian. Sa puntong iyon ay luhang luha na talaga ako. Bakit niya palaging iniisip ang kapakanan ko kesa sa kapakanan niya? Hanggang sa hospital ba naman, ako pa rin ang iniisip niya?
" Andrea, vincent is suffering from a kidney cancer stage 3. Hindi ko alam kung naging malala ba kaya kinailangan ng treatment, pero ang alam ko, hindi biro ang sakit na ito. Kapag hindi ito naagapan, posibleng hindi ito malulutasan. Sinabi ko na sayo bago pa mahuli ang lahat kasi baka kapag umuwi ka nang hindi mo nalalaman ang lahat, baka iyon na nga talaga ang huli. " kalungkutan at pagkabigla ang namamayani ngayon sa buong katawan ko.
" May pag-asa pa diba? Sabihin mo sakin, sagutin mo ang tanong ko, mabubuhay siya, malaki ang pag-asa, may magagawa ang doctor, the treatment will be sucessfull, sabihin mo! " halos pasigaw kong sabi habang pumapatak ang aking mga luha. This time, napatayo ako. Nakatingin lang sa akin si adrian, walang emosyon, umiiyak, nang bigla siyang napayuko at napasubsob sa mesa. Umiiyak at dahan-dahan akong napailing. Hindiiii!
" Naganap na ang treatment, at wala pa itong resulta. Umaasa kami na sana naging successfull, na sana naagapan. Maguguho ang mundo ng mga magulang ni vincent kung hindi ito naging sucessfull. Nakahiga ngayon si vincent, mahimbing na natutulog. " hearing those words coming from him, mukhang hindi ko rin makakaya. Tumayo siya, at nagligpit, ganun din ako. Parang sa galaw na iyon, ay alam ko na kung saan kami sunod na pupunta.
*Riverside Medical Center Inc. in Bacolod*
Pagkarating namin sa mismong room ni vincent, ay una kong nakita ang mga magulang ni vincent, naka-upo at nakapangalumbaba. Nung nakita nila ako, ay agad na tumayo ang ina ni vincent at niyakap ako ng napakahigpit, ganon din ang ama ni vincent. Para nila akong anak. Nakakataba ng puso.
" Kamusta po siya? Pasensya po hindi ako naka-uwi agad, pasensya po sa lahat-lahat. Hindi ko po sinasadyang saktan ang inyong anak, at hindi ko rin po ginustong umabot sa ganito ang lahat. " pagpapapaumanhin ko. Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ang lahat.
" Hindi mo kasalanan, nak. Hindi natin kasalanan. Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo, okay? Hindi siya okay, alam ko. Kakatapos lang kasi ng treatment. Nandito lang kami naghihintay sa resulta. " kwento ni tita. Niyakap ko siyang muli, para kahit papaano mabuhayan siya ng loob.
" Walanghiya kang babae ka! Kasalanan mo to! " nagulat na lang ako ng bigla akong sinabunutan ni ynah sa likod. Ang sakit ng pagkakahablot niya pero wala akong lakas para labanan siya dahil nanghihina ako. Ngayon ko lang siya hahayaang saktan ako ng ganito.
" Kasalanan mo kung bakit nagkakaganito si vincent! Mas pinili mo kasi ang trabaho mo kesa sa ang piliin siya! Wala ka na bang konsensya? Hindi siya sana nagkaganito kung pinili mo si vincent! Kasalanan mo! " niyugyog niya pa ang aking buhok. Inawat siya ni adrian at ni tito pero ayaw magpapigil, nasa tabi ko naman si tita na inaawat din si ynah sa pagkasabunot sa akin.
" Ynah, stop it!! " awat ni tita.
" No, tita. Kasalanan ng babaeng yan! Sana pala hindi ko na lang iniwan si vincent nun, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nag stay na lang ako dito. " depensa pa niya.
" No one wants you to stay! Tinaboy ka pa nga namin, kasi nagbabago ka na. Yung ugali mo, hindi na maipinta. Kaya you chooses to go! Baguhin ang buhay mo. Wag na wag mong sisisihin si andrea kasi hindi niya kailanman kasalanan! " bwelta ni adrian, at malapit pa iyon sa tenga ni ynah. Nagpumiglas si ynah pero malakas si tito at adrian.
" Palibhasa, kinakampihan niyo ang babaeng yan kasi siya ang mahal ng anak niyo, siya ang pag-asa ng anak niyo! Hindi ba't ang laki ng babayaran niyo sa hospital na ito? Baka gusto niyo ring humingi sa mga magulang niyan! " gigil na gigil ito at hindi maipinta ang mukha.
*slap!* Isang malutong na sampal ang inabot ni ynah mula kay tita. Kanina pa nagpipigil si tita sa babaeng yan eh.
" Nalulungkot na nga kami dito, dumadagdag ka pa! Wag na wag mong babastusin ang pamilya ko kasi wala kang alam sa mga pinagdaanan namin. Wag mo akong piliting magsalita ng masasama dahil kapag ako nagalit, baka hindi lang sampal ang aabutin mo. " banta ni tita, pagkatapos ay hinaplos haplos ang likod ng ulo ko, kung saan sinabunutan ni ynah.
" Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ipatawag ko pa ang mga guards! Umalis ka na bago pa magdilim ang mga paningin ko. " ang sama ng tingin ni tita sakanya at kahit ako, hindi ko makakayang tignan siya sa mga mata kung ako ang nasa kalagayan ni ynah. Binitawan na siya ni adrian at tito, inis siyang naglakad papalayo.
Alalang alala naman ang mga magulang ni vincent sa akin, tinanong kung masakit ba, okay lang ba ako, at hindi ba napuruhan. Kahit hindi ako okay, ay tumango lang ako sa mga tanong nila.
Hindi ko pinagsisihan na hindi ako nanlaban kay ynah, sinadya ko iyon para lumabas na masama si ynah sa paningin ni tita at tito. Bakit? Siya lang ba ang kayang gumawa non? Kaya ko din! Kaya ko ding maging mabait sa lahat ng bagay. Kaya kong umarte na parang ako yung kawawa sa eksena. Kaya ko ring manipulahin ang mga bagay. Hindi ko pinagsisihan na hindi ako nanlaban kasi ginawa ko iyon para kay vincent. Love, hindi ako nanlaban. For the first time, kung nakikita mo, hindi ko nilabanan si ynah. Para sayo yun, love.
Gising ka na diyan oh, marami akong sasabihin sayo. Marami akong ikukwento, marami tayong pagkukwentuhan. Kung naririnig mo man ako ngayon, gumising ka na diyan. Gusto kitang masilayan, masilayan ang napaka-gwapo mong mukha. Wake up, pleasee, loveee.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...