Chapter 89💛

10 0 0
                                        

" WE KISSED UNDER THE WATER "

Andrea's POV

" Oh, kapag magutom kayo, huminto kayo sa gilid at kumain muna. Niluto ko ito para sa inyong dalawa. " sambit ni tita.
" Si mama, nag-abala pa. " sabi ni vincent.
" Oo naman! Ayaw kong nagugutom ka. " sweet na sabi ni tita.
" Gusto ko sanang sumama kaso parang honeymoon niyo iyan eh! Kaya enjoy nalang! " panunukso ni adrian! Natawa ako sa kanyang sinabi.
" Thankyou po. Pa, ma, insan, alis na po kami. " pagpapaalam niya. Si adrian ang magdadala ng aming maleta papunta sa sasakyan. Humalik ako sa pisngi ni tito at tita. Nagpapasalamat ako dahil pinayagan nila kami ni vincent. Yes, oo, ngayon ang punta namin ng Campuestuhan.

" Mag-iingat kayo don! Dadalhin ko rin dun si irish! " sabi ni adrian. HAHAHAHAHA! Nakatikim siya ng batok kay tito.
" Ayan ka nanaman! Nagyayabang! " sabi ni tito. Vincent and I, laughed.

May driver kami ngayon, bale ihahatid lamang niya kami sa campuestuhan at pagkatapos ay aalis na siya pabalik ng silay. Our trip will be private. Kung nanggaling ka sa silay, yung byahe papuntang campuestuhan, kung hindi ako nagkakamali, 2 hours? Nakayakap ako ngayon kay vincent. Dahil maaga kaming umalis, syempre antok na antok ako. Kaya gusto kong matulog ngayon sa mga bisig niya.

Bago nga pala kami umalis, marami akong pinabili kay vincent na mga prutas at vegetables. Hindi ko alam. Feel ko lang magpabili. Sabi pa niya sa akin " Hindi mo naman sinabi na fruitarian at vegetarian ka na pala ngayon. " hahahahaha parang ang sarap niya lang batukan nung sinabi niya yon.

***

*CAMPUESTOHAN HIGHLAND RESORT*

" GOOD MORNING SIR AND MAAM! PILA KAMO DA SA SULOD? (ILAN KAYO DYAN SA LOOB?)" boses lalaki. 
" IDUL-ONG KO LANG NI SILA YA SA SULOD, TAPOS MAPULI KO DAYUN. SILA LANG NI NGA DUWA MAPABILIN. (IHAHATID KO LANG SILA SA LOOB, PAGKATAPOS AY UUWI AKO. SILANG DALAWA LANG YUNG MAIIWAN DITO.) " paliwanag ng aming driver. Kaunti lang yung naintindihan ko sa mga sinabi niya.
" Overnight? " tanong ng lalaki. Tumango si kuyang driver.
" Enjoyyy! " masayang sambit ng lalaki.

Pagbaba namin ni vincent, wow! Just wow! Ang ganda ng mga tanawin! The ambiance, omaygash! I can stay hereeee!

Nagbayad muna kami ng aming matutuluyan o matutulugan mamayang gabi. Nakaka-excite mag-swimming, anuba! Nag-usap kami ni vincent kung anong pangalan ba yung tutulugan namin. Ang dami kasing choices.

" Yung bonita hut, love. With aircon. " dahil request niya, edi bonita hut. Kahit dapat 4 persons, dahil magaling ako pagdating sa mga ganito, nakaya kong artehan ang babae na nag-a-accomodate. Binigay niya sa amin ang susi. Ready to open the bonita hut room. Nilagay kaagad namin yung maleta sa loob. Napagdesisyunan naming mamasyal muna. Libutin ang kabuuan nito. Iba pa rin sa pakiramdam kapag nasa bukid ka, at kasama mo ang taong pinakamamahal mo.

" Shark waveee! Woww! " namamangha kong sambit. Picture dito, picture doon. Nakita namin yung KingKong. Ang laki niya hahahaha. May mga mini tyangge din sa gilid ng shark wave pool. Mga pwedeng bilhin kung maliligo. May malaking shark doon na nakasabit, kaya pumunta kami doon ni vincent. Syempre nagpicture. May pinaki-usapan rin kaming isang tao na magpicture saming dalawa. Muntik ko nang makalimutan sabihin na may dala akong GoPro.

" May dala ka bang damit pang ligo dyan sa loob mo? Mamaya mag-a-annouce yung isang lalaki dito na, ready na yung wave. " tanong ni vincent. I'm always readdyyy!
" Ako pa ba? Palagi kayang handa to! " mayabang kong sambit.
" Naks naman! Yabang ng magiging asawa ko ah. " nakangiti niyang sambit at pinisil ako sa pisngi. Ang sarap pakinggan nung sinabi niya.

Hindi nga nagkamali si vincent, nag-announce nga yung lalaki na ready na daw yung wave. Naghubad naman ako ng damit at short, ang kapalit nun ay crop top at sports na short, medyo maiksi. Nilagay lang namin sa gilid yung mga damit namin.

Magkahawak kamay kaming tumakbo papunta sa pinakadulo. Tawa pa ako ng tawa dahil habang tumatakbo kami, yung tubig napupunta sa mga mukha namin.

" May gusto akong gawin natin. " panimula niya.
" Sige, ano yun? " tanong ko naman.
" Pagdating ng wave, hahalikan kita, tapos dapat ready rin yung GoPro. Kasi siya ang magiging saksi. Hahalikan kita sa ilalim, habang dumadaan yung wave. " mag dumadaan na wave pero pinapabayaan muna namin kasi nag-uusap pa kami. Adik talaga to sa halik.
" Sige, sige! Game ako! " g na g kong sambit.

Dumaaan ang pinakamalaking wave, at kagaya ng napag-usapan, ginawa naming dalawa ang gusto niyang mangyari. We kissed under the water, and it was so pure. Pag-ahon ay nagnginitian kami't niyakap ang isa't-isa. Syempre na-video yun gamit ang GoPro. Sana wag nang matapos to.

***

Nandito kami ngayon sa labas ng aming room, may mga upuan rin dito eh. Hapon na, kumakain kami ngayon, binili lang namin sa vendor sa gilid2. Nasa tabi ko si vincent, nasa kanya ang cellphone ko, tinitignan niya ang mga picture namin kanina. Ito naman ako, sinusubuan siya.

" Ang ganda nito, love oh. " sabi niya at pinakita sa akin. Ang kuha kanina ng lalaki na pinaki-usapan naming magpicture. Doon sa nakasabit na malaking shark. I was touching his chest, while he was kissing my forehead. My face was so cute and at the same time, so happy.

Pagkarating ng gabi, dinalhan kami ng staff ng aming makakain. Our dinner was beef steak with rice, and with lumpiang shanghai on the side. Our dessert was buko pandan with a lot of cheese. Water and American Wine. Proffesional yung mga pagkain ah. 

Syempre may subuan na naganap. Mga ngiting walang katapusan. Mga pag-uusap na hindi magwawaks, at mga tawanan na abot hanggang langit. Pakiramdam ko ang cute cute naming dalawa habang ginagawa ang mga yon.

Nung nabusog kami, umupo kaming dalawa sa dulo ng kama, nakabukas yung TV, pero walang kwenta din kasi pinapanuod namin yung mga video kanina.

" HAHAHAHA, nakita ko yon! Naubo ka! HAHAHAHA! " natatawa niyang sabi. Syempre natawa rin ako. Goodvibes tayo ngayon. Hinihintay ko nga yung halik video eh.

" Ang sweet talaga nating dalawa noh. That kiss was so pure, and full of love. " bahagya akong nakangiti habang sinasabi iyon.

" I agree. I couldn't wish for more. I am thankful na nandito ka pa rin at hindi ako pinapabayaan. I am thankful na dumating ka sa buhay ko. " nakatingin siya sa akin habang nakangiti ng bahagya.

" Bakit naman kita papabayaan? Magkasintahan tayo at ang magkasintahan, hindi nag-iiwanan. Nangako tayong dalawa na tayo hanggang dulo. Remember? " I smiled at him.

" Mahal na mahal kita, andrea. Sobra pa sa sobra. " and he pinned my jawline. Bago kami matulog, hinalikan muna namin ang isa't-isa, medyo matagal iyon. Pagkatapos ay tabi kaming natulog ng mahimbing, magkayakap pa.

Have a good night!

***

A/N:

I SUDDENLY MISSED CAMPUESTOHAN! I WANT TO GO BACK! SA MGA TURISTA DIYAN, PUMUNTA NA KAYO NG CAMPUESTUHAN! SIGURADO AKONG HINDI KAYO MAGSISISI.
SA AKING MAMBABASA, PROMISE, CAMPUESTOHAN IS REALLY WONDERFUL AND AMAZING! ANG GANDAAAA!

SANA PO NAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO. 

THANKYOU FOR READIINGG!

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon