" It's a Date "
Andrea's POV
As usual, maaga nanaman kaming pumasok sa paaralan. Tatlo lang kami ngayon na naglalakad. Si camille? Ewan. Di na namin nakita kanina sa bahay. Nagpaiwan lang ng sulat. Sabi, mauuna na daw siya.
Pagdating namin sa classroom, nagliwanag ang mukha namin, kasi nandoon na siya. Tinanong namin siya kung anong ginawa niya, ang tanging sagot niya lang ay ' malalaman niyo din '. Nagtataka man, ay tumango na lamang kami.
Nung break time, ay agad nagpaalam si camille. I can smell something weird. Nagkatinginan naman kaming tatlo. What is happening? Sabay lang kaming tatlo na kumain. Tahimik at walang balak may magsalita. Siguro ay iniisip kung anong nangyayari.
Alam niyo kasi, minsan lang mag act ng strange si camille. Kaya ganito na lang kami kung mag-isip. Either nagwo-work ang plano niya, o may binabalak siya. Isa sa dalawang yan. Tungkol naman sa kung ano ang binabalak niya, hindi ko alam pero may nararamdaman akong hindi maganda dito. Sana naman hindi masyadong brutal ang binabalak niya.
Biglang umingay ang canteen at may narinig kaming may nag-aaway daw sa campus. Nanlaki ang mga mata naming tatlo, at dali-dali tumakbo papuntang campus. Mygoodness! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
*Campus*
Maraming tao ang nagkukumpulan kaya naman, naki-usyuso kami hanggang sa mapunta kami sa gitna. Nagulat ako kasi nagbabangayan si camille at althea. Hindi naman ganoon kalala ang naging pag-uusap nila noong isang araw para mapunta sa ganito.
" Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan dahil hindi mo ako kilala. " depensa ni althea. I saw camille smirked.
" Hindi nga kita kilala, unti-unti ko namang naaamoy ang napakalakas mong baho ng ugali." natawa si camille. Napa ' ooooohhhhhhhh ' naman yung mga tao na parang masaya pa silang may nakikitang ganito. Naningkit ang mga mata ni althea. She is trying to save her reputation, kasi ang dami nang kumakampi kay camille dito. Hindi naman agad nakapagsalita si althea, kaya sinamantala iyon ni camille.
" Sa mga taong ito, gusto mong ipakita ang anghel mong ugali? *w/ turo pa sa mga tao* Pasensya ka na, pero wala kang maloloko dito. Maaaring unti-unti ka na nilang nagugustuhan, pero hindi ba't mas masaya kung ipapakita mo ang tunay na ugali mo? Hindi yung nagtatago ka at nagsusuot ng masskara. Ang mga tao dito ay hindi peke. Lahat ng nandidito, ay totoo. Nakikita mo naman diba, lahat sila kampi sakin dahil alam nilang nagsasabi ako ng totoo. " nakangiting sabi ni camille at may pang-aasar pa. Many people agree to what she said. Oo nga naman, tama naman siya. Nag-apir kaming tatlo.
Napatingin si althea sa mga tao, kitang-kita niya kung paano siya tignan ng masama ng mga tao, kung paano siya kaawaan ng mga tao. This poor, little girl.
" Mawalang galang na po sa pinakamamahal naming QUEEN BEE, pero isa sa patakaran ng school na ito ang magpakatotoo sa sarili, at gusto ko lang ipaalam sayo dahil given the fact na bago ka pa lang dito at wala ka pang masyadong alam, hindi naman sa nagmamayabang ako pero ako ang nagsabi at nagturo sakanila na magpakatotoo at wag mahiyang ipakita ang totoo nilang ugali. Sana ay maipasok mo yan sa matalino mong utak at magawa mong i-apply sa sarili mo. Balikan mo ko sa oras na nagawa mo na iyon, dahil rerespetuhin na kita bilang queen bee ng school na ito. " ngumiti si camille ng napakalawak. Yung ngiting walang halong plastik. Pumalakpak ang mga tao sakanya. Yah, that's true. Katulad namin ay nagpapakatotoo lamang kami.
" Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sa kung ano man ang pwede kong magawa sayo. May importanteng bagay lang kasi na pinapahalagahan ko na inagaw mo, at hindi ako makakapayag na tuluyan mong maaagaw iyon. Darling, you have just messed with the wrong person. I do hope you can take care of yourself. " ngumisi ng mala demonyo si camille atsaka siya nginitian. Ang huling sinabi niya ay may diin. Sa totoo lang, kung ako ngayon ang nasa posisyon ni althea, matatakot ako, at kakabahan ako. Yung mga tingin kasi ni camille, para siyang papatay ng tao. Sabagay, kapag ang isang bagay ay inagaw sa akin, magagalit talaga ako ng sobra sobra.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
