" WAR OF CAMILLE AND ALTHEA PART 1 "
Camille's POV
Nandito kami ngayon ni aeron sa Starbucks in Bacolod. Pagkatapos ng klase naming dalawa ay nagkita kami. Since we are already free para magkita kung saan, nilubos na namin. Ikakasal na din naman kami soon eh.
Ngayon, pinag-uusapan namin kung paano niya sasabihin sa crowd na ako na ang pakakasalan niya, at ako na ang magiging fiance niya. Para sa akin, isa rin iyong napakahirap isipin dahil diba, nalaman ng crowd na ikakasal na sila sana ni althea kaso hindi pa natuloy.
Yung pamilya naman ni aeron ay ganun din ang ginagawa, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, para maka-isip ng paraan kung paano sasabihin sa madla ang nangyari. We can't just tell them na ganito, ganiyan. Hindi naman sa magsisinungaling kami, hindi naman sa itatanggi namin ang nangyari sa mga nakaka-alam. Kailangan lang naming mas mag-isip para kung sakaling may magtanong, masasagot namin.
" Somebody is excited to finally shout to the crowd what is righfully his. " nanunuksong sambit ko sakanya. Napatingin siya sa akin at napangiti. Kanina kasi tutok siya sa isang papel, habang ako umiinom lang ng frappe.
" Ofcourse, babe. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Masaya akong nagwork ang plano mo. " masaya niyang sambit.
" Camille Torres never fails everyone, she never fails in everything. She always amaze people, and she never dissapoint. " proud na proud kong sambit. Kumindat siya sa akin, like he agreed.
" That's mah babe. " nagpapacute niyang sabi.
So far, may nabubuong plano sa aming dalawa, about sa event na paparating, at about sa sasabihin namin sa crowd. Hinatid niya ako sa bahay, bago yun ay naghalikan pa kami.
***
Kinabukasan wala kaming pasok, whole day dahil may meeting ang mga teachers. Kaya naman, naisip kong pumunta kina aeron. Simula nung tinanggap ako nila tita at tito bilang sister in law nila, palagi na akong pumupunta doon.
Wala akong nakikitang kaplastikan sa tuwing nakikitungo sila sa akin, wala rin akong nakikitang pag-arte sa tuwing kaharap nila ako at kinakausap. They started to know me well, at sigurado akong hindi naging mahirap sakanila na tanggapin ako. Kapag pumupunta akong bahay ni aeron, pinaghahanda ako ni tita. Gosh, I'm so shy. Tignan niyo kung gaano kabilis lumipas ang mga araw at panahon.
*House of Aeron*
Wala nang katok katok pa, diretso pasok na ako kaagad. Bago yun, ay takang-taka ako dahil may nakita akong sasakyan. It was mustard yellow.
Pagpasok ko pa lang, rinig na rinig ko na ang mga boses, at may isang pamilyar na nagpainit ng aking ulo, at parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo, kaya siguro uminit.
" Aeron pleasee... Magsama na tayo... Ayokong mawala ka, wag mo kong iwan. Aeron... I'm begging you. Pleaseee... " nagmamakaawa niyang sabi habang humahagulgol sa pag-iyak. C'mon, wala tayo sa isang pelikula na kailangan magmakaawa ka sa harap ng taong mahal mo.
" Althea, tumayo ka na diyan. Tumayo ka na... Ang mabuti pa, umuwi ka na. Kahit ano pa ang gawin mo, wala ka nang magagawa dahil nakapagdesisyon na kaming lahat. " base sa tono ni aeron ay kalmado ito at parang walang paki-alam.
Nandito lang ako, nakatayo habang pinagmamasdan siyang nakaluhod sa harap ng lalaking mahal ko, at sa harap ng magiging ina ko rin balang araw. Naaawa nga si tita sakanya eh, kaso wala itong magawa dahil nakapagdesisyon na nga sila.
" Tita, one more chance, pleasee... I will prove to you na ako ang karapat-dapat maging asawa ni aeron at hindi ang babaeng iyon! Hindi eh! Ang bilis kasi magbago ng isip niyo! Ni hindi niyo man lang kami inisip muna. Pinabayaan niyo lamang kami sa gilid! Tita... pleaseee.. I'm begging. " hanggang ngayon nakaluhod pa rin siya at todo sa pag-iyak.
" That is how business works, and you can't do anything about it. Althea, hija... kahit lumuhod ka pa ng ilang beses, wala ka ring mapapala. Kahit magpunta ka pa dito araw-araw para magmakaawa, wala rin, hija. Tumayo ka na diyan at umuwi ka na. " nagsalita pa rin si tita kahit naaawa na siya kay althea. She even held her hand, para tulungang makatayo si althea.
" HINDI! NO WAY! GUSTO NIYONG PUMUNTA AKO DITO ARAW-ARAW PARA MAGMAKAAWA? SIGE! GAGAWIN KO YON. TATAYO AKO NGAYON AT BABALIK AKO BUKAS, BABALIK NG BABALIK! DAHIL AYOKONG MAWALA SA AKIN SI AERON NG GANON LANG! AYOKONG MAAGAW SIYA NG BABAENG YON SA AKIN NG TULUYAN! AYOKO! " nakatalikod siya mula sa akin kaya pasensya na, hindi ko makita ang expression ng mukha niya, pero base sa tono ay galit na galit siya.
" NAGPADALA KAYO KAAGAD SA PAANDAR NG BABAENG YON? NAGTIWALA KAYO KAAGAD SA PAMILYANG YON? BAKIT? DAHIL BA MARAMI SILANG PERA? MARAMI SILANG IBIBIGAY NA HALAGA KESA SA AMIN? PERA LANG BA HABOL NIYO? PERA BA? HAAA?! I KNOW THAT THIS IS NOT JUST ABOUT BUSINESS, TITA! " she emphasized the word, tita. Kanina pa ako nagpipigil ng galit dito. Patawa-tawa at pangiti-ngiti lang ako dito sa sulok pero galit na galit na ako.
" PUMAYAG KAYO KAAGAD KASI UHAW KAYO SA PERA! UHAW NA UHAW! PUMAYAG RIN KAYO DAHIL KILALA ANG PAMILYANG YON SA MAYNILA, AT MALAKI ANG MGA SHARES NILA! PUMAYAG RIN KAYO DAHIL ANG PAMILYANG YON AY ISA SA MGA KA CLOSE NG IBANG SIKAT NA MGA KOMPANYA DOON! YUNG MGA DE LOS REYES, DE LOS SANTOS, AT ROSALES! TAMA AKO HINDI BA? " naiinip na ang tenga ko sa mga salitang binibitawan niya.
" PINILI MO SIYA OVER ME? MAS PINILI MO ANG BABAENG YUN? BAKIT ANO BA ANG NAGAWA NG MALANDING YON SAYO, ANO BA ANG PINAKAIN NIYA SAYO PARA MAHALIN MO SIYA NG LUBOS? PINILI MO YUNG MALANDI NA YUN KAYSA SA AKIN? SIGE NGA, AERON! MAS MAGANDA NAMAN AKO DOON AH! MAS MABAIT AKO, MAS MASAYAHIN, MAS MAAALALAHANIN, AT LAHAT NA! BINIGAY KO NAMAN LAHAT AH! BAKIT PINILI MO PA DIN ANG MALANDING BABAE NA YUN?! " ngumiti ako for the last time. Lumagpas ka na sa mahaba kong pasensya.
*PAK* *PAK* *PAK* *PAK* I SLAPPED HER FOUR TIMES FROM LEFT TO RIGHT NANG MATIGIL ANG KAKAPALAN NG MUKHA NIYA. BUT MAYBE, IT'S NOT ENOUGH!
Wala ni isang taong pumigil sa akin, maging si aeron ay hindi ako pinigilan. Galit na galit ako sa babaeng to, galit na galit ako!
" C'mon girl! Wake up from your endless fairytales because it's already come to an end! Ako nalang magsasagot sa lahat ng mga tanong mo, tutal parang ako lang naman ang hinahanap mo diba? Tinatanong mo kung bakit nagtiwala agad ang pamilya ni aeron sa pamilya namin, bakit althea? Kaya mo bang ibigay ang isang halaga na magbibili sa buhay mo? Kaya mo ba yon? HINDI! Pera ang habol ng pamilya ni aeron sa pamilya namin? Sana pala hindi na lang kami nakipag partners sakanila kung alam naming pera lang ang habol nila. ANG BOBO MO DIN EH. " masama siyang tumingin sa akin, habang ako pinagmamasdan lang ang dalawang pisngi niyang namula sa pagkakasampal ko.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
