Chapter 52💛

10 0 0
                                        

" GOING HOME "

Andrea's POV

Maaga akong nagising dahil may pupuntahan kaming dalawa ni vincent. Dahil mabilis lumipas ang araw, sabado na ngayon.

Pagbaba ko, nagulat ako dahil nagluluto si camille ng breakfast. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. I know she is practicing how to be a good wife to aeron. I know that things are going to their way, lately. Napapansin ko yon.

Nakita niya ako at napangisi siya sa akin. Alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito. Pag-uusapan namin ang tungkol sa mga lovelife namin. Alam ko na yun.

" Cooking for breakfast, or trying to be a wife? " tanong ko habang nakangisi. Hindi rin siya nagpatalo, ngumisi rin siya sa akin. Nakatayo ako medyo malayo sa kanya.

" You must be crazy, ofcourse I'm cooking for our breakfast. " obvious na sagot niya. Napangiwi ako. Weh?

" Really, huh? I just notice that you always do stuffs like this. What for? Minsan lang ako nagtatanong about sa mga bago mong hobbies. So, tell me about it. " interesado kong sambit. Ako na mismo ang nagtanong. Lately, I don't know what's up to her. Kaya ngayon, gusto kong bumawi. Gusto kong malaman.

" It's also new to me that you're asking questions. Okay okay... I get it now. You're leaving for two days, and yah, you're trying to catch up what is happening to me. " napataas ang kilay niya na nagsasabing 'tama ba ako?' Natawa ako ng mahina sa inasta niya. Pagpasensyahan niyo na dahil ganito kaming dalawa ni camille kapag may pag-uusapan.

" It's not that. It's just that, I don't know what's happening to you, lately. I feel like, I don't know anymore what is happening to you and aeron. So, I asked you. Kailangan kong makabawi, kailangan kong malaman dahil we're bestfriends. Alam mo ang mga nangyayari sa akin, pero hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. " naramdaman ko ang aking luha na gustong tumulo. Imbis na magtampo siya ay ngumiti lang siya sa akin.

I found the right time to finally ask her, to finally talk to her. Maagang-maaga pa, at sarap na sarap pa sa tulog ang dalawa.

" You don't need to. Hindi mo kailangan bumawi. Malaya ka naman magtanong sa akin kung kailan mo gusto. " sambit niya sa akin. Last time, nasabi sa akin ni trixy na kinwento sakanila ni cams yung nangyayari sa kanila ni aeron. Exemption pala yung araw na dumating sila tito at tita, magulang ni camille, narinig ko ang kinwento niya. Yon lang ang nalaman ko.

" Hindi eh... Pakiramdam ko kasi wala akong alam sa mga nangyayari sayo. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan, pakiramdam ko hindi tayo magkakilala. I'm so sorry for feeling this, cams. Pakiramdam ko lang kasi ganon. " tuluyan nang tumulo ang aking luha. Inilagay niya sa lamesa ang huli niyang niluto, at dali-daling pumunta sa akin.

" Shhhh... stop crying. Alam mo, I never feel na hindi mo na ako kilala. I never feel na hindi mo alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko naramdaman yon. Ngayon ko lang nalaman mula sayo. Pwede ka namang magtanong sa akin, anytime. Palagi akong may oras pagdating sayo. " hinagod hagod niya ang aking likod para tumahan ako.

" Sa nalaman ko, asahan mong hindi ako magtatampo. Tumahan ka na. Baka mamaya papangit ka niyan. Sige ka. Bahala ka. " panunukso niya. Natawa ako kahit naiiyak ako. Baliw na ba ako nun?

" Ikaw naman eh! Pero sorry pa din. Pasensya dahil nararamdaman ko yon. " paghihingi ko ng tawad. Tumango lang siya at hinagod ang likod. 

Sabay kaming nag breakfast, kaming dalawa. Marami kaming napagkwentuhan. Recently, nag-away sila ni althea at nabanggit pa yung mga apelyido namin, knowing camille, ipinagtanggol niya kami. Lahat ng nangyari ay kinwento niya sa akin. 

Tinanong ko siya kung ano ang mga hindi niya nalalaman tungkol sa akin at sa lovelife ko. Tumawa lang siya at huminga ng malalim.

" Wala akong hindi alam sayo. Lahat naman kinukwento mo, at never akong nag-absent sa tuwing may ikukwento ka. " nakangiting sagot niya. I smiled too. Sa huli ay nagyakapan kaming dalawa. Sa aming apat, kaming dalawa ni camille ang magkakampi sa tuwing may away o tampuhan na nagaganap. Kami ang nagkakampihan sa tuwing may inaapi sa aming dalawa. Syempre, magkakampi naman sina trixy at irish. Puro kalokohan ang mga yon eh. Parang walang lungkot sa buhay.

***

*Bacolod-Silay International Airport*

Nandito ang mga magulang vincent, mga kaibigan ko, at mga kaibigan ni vincent na jowa ng mga kaibigan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito ang mga magulang vincent, mga kaibigan ko, at mga kaibigan ni vincent na jowa ng mga kaibigan ko.

" Mag-iingat kayo dun. " sabi ni tito habang nagpapaalam kaming dalawa ni zion.

" Enjoy yourselves in Maynila. " sabi naman ni tita.

Lumapit kaming dalawa sa mga kaibigan namin at niyakap sila. Mabuti at walang umiyak sa kanilang tatlo. Mauupakan ko sila nang wala sa oras pag nagkataon.

" Mag-iingat ka don. " isa-isa nilang sambit habang niyayakap ko sila. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ni vincent. I also waved a goodbye to them.

Magkahawak kamay kami ni vincent habang pumapasok. Goodbye for now, Silay. Hello again, Maynila.

Ipinagbigay alam ko rin kagabi kay mom and dad na babalik ako sa sunday ng Maynila. Hindi ko sinabing may ipapakilala ako. Tinatanong nila ako kung bakit daw, ang sabi ko lang, may importanteng gagawin. Tingin ko ay naniwala naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag. Bago kami pumasok ng eroplano ni vincent ay nagnginitian kami sa isa't-isa. Siguro kung maga-adventure kami together, sobra pa ang ngiting ipapakita namin sa isa't-isa. Sigurado yan.

***

" Haaayyy... sa wakas! " pagod na pagod kong sabi habang humiga ng tuluyan sa kama. We're in a hotel right now, and guess what, magkatabi kaming matulog. I mean, it's normal. Magjowa kami. 

Tapos na niyang ipasok ang mga maleta namin at nakasara na ang pintuan. Nakahiga siya ngayon, katabi ko.

" Bukas na ba talaga, love? Kinakabahan ako. " sabi niya, halata sa boses na kinakabahan siya.

" It's okay, love. Andito ako, hindi kita pababayaan at hindi kita iiwan. No matter what happens. " sambit ko at napatingin sakanya. Nakatingala kasi kaming dalawa sa kisame. Tumango siya habang nakangiti sa sinabi ko. Sandaling tumahimik. Tanging ang aircon lang ang medyo umiingay.

" Saan tayo kakain mamayang gabi, love? " tanong niya.

" We will take a nap muna, tapos paggising natin mamaya, pupunta tayong mall, at dun kakain. What do you want? Mang-inasal, Mcdo, Chowking, KFC, Jollibee, Greenwich, or in a Fancy Foods in Mall? Which one? " tanong ko. Napahinga siya ng malalim. Tila nahirapan siyang pumili.

" Tulog na muna tayo. Mamaya na pag nandun na tayo. " simpleng sabi niya at ipinikit ang mga mata habang nakayakap sa akin. Umirap ako habang natatawa. I find it cute. Dahil sa gigil ay hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita ko ang biglaang pagkita niya habang nakapikit. Ayiiieeeee. Ano pa ba ang gagawin ko, edi pumikit na rin ako.

***

A/N: SOBRANG KINIKILIG AKO DITO NGAYON! SANA ALAM NIYO. SANA NARARAMDAMAN NIYO YUNG NARARAMDAMAN KO. AAAHHHHH!

CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE PHOTO.

THANKYOU FOR READING THIS CHAPTER, BABIES.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon