Chapter 50💛

6 0 0
                                    

" JUST A NORMAL DAY "

Camille's POV

Kakatapos ko lang magpunta ng mall with aeron, spending too much time with him, yeah. Napagkasunduan namin na we will spend time for each other dahil yon ang dapat na ginagawa naming dalawa.

Habang papunta akong kwarto ay nadaanan ko ang kwarto ni Andrea, nag-uusap silang tatlo. Didiretso na sana ako kaso nagulat ako sa aking narinig.

" Pupunta kaming Maynila ni vincent. Ipapakilala ko na siya sa aking magulang. " desididong sabi niya. Napahawak ako sa aking dibdib. For some reason, maybe hindi nakakagulat sa kanila, sa inyo yon, pero para sa akin, nakakagulat. Hindi ko alam kung ano ang simula ng pag-uusap nilang tatlo, pero sigurado akong tungkol ito sa nangyari kanina.

" Kailan naman ang alis niyo? " tanong ni trixy.

" Hindi ko pa alam. Sasabihin ko pa sakanya. " sabi niya. Natahimik sila sandali. Pero maya-maya ay may nagtanong.

" Nasabihan mo na ba sina tito at tita? " tanong ni irish.

" Oo naman, sa katunayan ay excited silang makilala si vincent. Sabi nila nung pumunta ako don, sa oras na sagutin ko na si vincent, ipapakilala ko kaagad sa kanila. " masayang sabi ni andrea. Naikuwento niya nga sa amin yon nung umuwi siya dito. Hanggang ngayon, I'm still thinking about that. It's so strange na biglang pumayag sina tito at tita, especially tito. Hindi kasi basta-basta pumapayag ang mga yon pagdating sa mga gusto ni andrea. They're super protective when it comes to their daughter. I still don't know, but maybe they change their minds.

" I'm just curious, bakit biglang pumayag si tito, eh super protective niya sayo? " someone finally asked, t'was trixy.

" Nagulat nga rin ako eh. Grabe ang mga kaba ko sa mga oras na yun. Hindi ko alam. Nagulat na lang ako na bigla siyang pumayag. " sagot niya.

Paalis na ako at ayaw nang makinig sa mga pinag-uusapan nila, plus na pagod ako ngayon, pero nagpantig ang aking mga tenga ng marinig ko ang pangalan ko.

" Do you think camille will allow you to go to Maynila? " tanong naman ni irish. Natawa ako ng mahina. Lahat ng mga desisyon nila, pinagpapaalam nila sa akin, may obligasyon ba ako dun? charot hahhaa. Pero kung ako ang tatanungin, papayag akong pumunta sila ng Maynila. Isa yon sa mga kasiyahan ni andrea, kaya bakit ko pipigilan? Papayag naman ako.

***

Andrea's POV

Naglalakad kami ngayon ni vincent sa campus. Magkahawak kamay. Maya-maya ay naupo kami sa ilalim ng puno.

" Love, kailan mo nga pala ako ipapakilala sa mga magulang mo? " tamang-tama at nagtanong siya.

" Since nasa Maynila sila, ipapakilala kita sakanila this coming Sunday. " sambit ko. Kadalasan yung linggo ay about family time. So, why not, diba?

Naisip ko rin na Sunday dahil kinabukasan may event sa school, magsisimula nanaman ang mga paandar ng mga teachers. They always treat the students special. Kasama na kami dun, syempre.

" What if, sabado na lang tayo aalis, para may oras tayo mamasyal. Alam mo na, may oras ako para makapag-relax. " suhestyon niya. Pwede rin.

" Pwedeng-pwede, love. " sabi ko naman. Tumango-tango naman siya.

" Love, gusto mo bang mag beach? Maraming mga resorts dun. " suhestyon ko sakanya.

" Magkasama tayo? Oo naman, love. Kapag may oras tayo. " sabi niya habang nakangiti.

Actually, dalawang araw lang ang itatagal namin doon, hindi kami pwedeng umabsent sa Monday, dahil sabi ko nga sa inyo, may event at required ang attendance.

" Pero pwede tayong umabsent sa Monday. " napatingin siya akin at tumaas taas ang kilay niya. Natawa ako.

" Required yung attendance dahil may event.. pero we will see, love. " positibo kong sambit.

Normal days, and simple conversation with him is more enough. Masaya na ako sa mga ganoong bagay.

*Our house*

Napag-usapan naming magkakaibigan na mag-usap pagkatapos ng aming mga klase. Something important that needs to talk.

May burgers at fries sa aming mesa na pinahanda ni camille sa aming yaya. Nagkatinginan kaming tatlo nina irish at trixy. Yung pinag-usapan kasi namin kagabi ay hindi nalaman ni camille. Pansin ko na napapangisi si camille.

" I heard a lot. " simpleng sabi niya. Nanlaki ang aking mga mata sa nasabi niya.

" Weh? Mga anu-ano ang mga narinig mo? " tanong ni trixy.

" Yes, I heard. Yung sabi ni andrea na pupunta silang Maynila ni vincent. " sagot ni cams. Dahan-dahan akong napahawak sa aking noo. Napahinga ako ng malalim, I know na ako na ang magsasalita. Papayag kaya siya?

" Napag-usapan kasi namin nun sa bahay ni zion ang tungkol sa Maynila. Tatay niya ang nagsabi na sana matuloy ang lakad namin papuntang Maynila. Naalala ko din ang sinabi ni dad tungkol sa pagsagot ko kay zion, na ipapakilala ko kaagad sakanila. Gusto ko sanang ipakilala siya sa mga magulang ko this coming sunday, pero sa saturday ang alis namin. Since wednesday ngayon. Two days left. " panimula ko. Tumango tango siya bilang tugon.

" Napag-usapan rin namin kagabi kung papayag ka ba na pumunta kami ni zion doon, para ipakilala kay mom and dad. " ngumiti ako. Nakita ko ang paghinga niya ng maluwag.

" Why not? Papayag ako, drey. Alam mo naman na kapag kasiyahan mo ang pag-uusapan, papayag at papayag ako. Walang probema sa akin. " nakangiti niyang sambit. Ngumiti naman ako ng bahagya dahil pumayag siya. Ganon din sina trixy at irish.

" Si adrian kaya? Baka hindi pa siya nakakapunta ng Maynila. Dalhin ko rin kaya siya dun, noh? " kinikilig na sabi ni irish. Binatukan siya ni trixy. HAHAHAHAHA!

" Pero two days lang kayo dun. Hindi ba't napaka-ikli? " medyo malungkot na tanong ni cams. I agreed.

" Oo. Pero hayaan mo na. Malapit naman na yung semestral break natin eh. Nagplano nga rin kami na mag beach kung may oras. Pero sa tingin ko, hindi kakayanin. " sambit ko.

" Hindi talaga. Hintayin nalang natin ang semestral break. Pupunta tayong walo sa Maynila, magbebeach tayo. Gusto niyo yon? Gusto ko yoooonn! " itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay habang sinasabi yon. Baliw talaga tong si irish.

" Perfect! Looking forward for that! " masayang sabi ni cams.

" Woiii, na-eexcite ako! " sambit naman ni trixy.

" Lalong-lalo naman ako. " sabi ko naman habang natatawa. First time kaming magbebeach kung saka-sakali.

Kumain lamang kami buong maghapon habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano, nagtatawanan, nagbabatukan. Ganito kami matapos naming pag-usapan ang mga seryosong bagay, may pagkukwentuhan kaming nakakatawa. We remain that consistent for the past years.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon