" BURIAL AND OUR PAST. "
Andrea's POV
Malungkot man ako ngayon, pero inaamin kong naging maginhawa ang paggising ko. Parang gumaan yung sakit sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit at paano. Nakahanda na ang breakfast pagbaba ko.
" Goodmorning, anak. " bati ni tita. Alam niyo ba, until now, naiilang pa rin akong tinatawag ako ni tita na anak. Tahimik lang ako habang kumakain. Wala akong ibang nakikita sa mesa kundi ang vegetables at prutas. Kakain ko lahat ito?
Ngayon nga pala ang libing ni vincent. Didiretso nalang siguro ako sa simbahan. Hindi na ako lalakad pa para mapagod. Nakakalungkot na huling hantungan na ni vincent ito. Huling araw na makikita ko ang mukha niya.
Sabi ni baby, hindi daw muna ako maliligo, titignan ko daw muna yung mukha ng kanyang daddy. Magaling baby, mabuti yang suhestyon mo.
" Goodmorning love! Mag-iingat ka palagi ha. Gabayan mo kami ng anak natin. Palagi mo kaming bantayan. Ito na yung huling araw na masisilayan ko ang gwapo mong mukha. Lulubos-lubusin ko na. " sabi ko at ngumiti ng kaunti. Kumirot ang aking puso sa aking sinabi.
" I love youu. Tayong dalawa hanggang dulo. " panghahawakan ko pa rin ang mga salitang iyon, at ang mga pangako niya. Kasi iyon ang kanyang sinabi.
***
Third Person's POV
Nasa simbahan na si andrea ngayon, at hindi siya naka-upo sa una, nandito siya sa pinaka-likod. Bakit? Ayaw niya kasing tanggapin na ito na talaga yung huli. Baka mamaya, ano pa ang gawin niya don. Kawawa ang baby nila ni vincent. Ayaw nun na nag-o-over-react siya. Pinanuod niya lamang ang mga taong nakikiramay, at yung mga nagsasalita sa gitna, especially Father. Nakita niya doon ang mga classmates ni vincent, na gabi-gabi ring pumupunta sa bahay. She's wearing shades, para kahit papaano ay hindi nila makitang umiiyak si andrea. Malungkot ang mga kapwa niyang sacristan, kahit papaano tumira rin siya dito. Nakailang beses nga silang pumunta doon sa bahay ng ina ni vincent.
Nung hindi makayanan ni andrea ay umalis ito't pumuntang plaza. Tanghali ngayon at medyo konti ang mga tao. Hindi siya maka-upo sa mga upuan ng fountain kasi mainit, instead tumayo lang siya facing the church.
Lahat ng nangyari sa simbahan ay nag rewind sa paningin niya. Kung paano sila unang nagkatinginan ni vincent, unang nakita ang isa't-isa. Namalayan niya ang kaniyang sarili na lumalakad, sinusundan ng tingin ang apat na babaeng magkakaibigan. Nakasunod dito ang apat na lalaki. Pagkarating ng plaza ay umupo ito sa upuan sa ilalim ng puno. Maya-maya pa ay nagulat ang babae na dinalhan siya ng isang lalaki ng pineapple juice. Ayaw tanggapin ng babae ngunit kinukumbinsi ito ng kanyang mga kaibigan. Grabeng ngiti ang pinapakita ng lalaki sa babae, ngunit hindi ito magawang pansinin ng babae. Tumayo ang apat na magkakaibigan at ang direksyon nila ay pauwi. Pumara si andrea ng tricycle at pumuntang bahay. Nakita niyang tinutukso nila ang babae dahil dinala nito ang juice sa bahay, sa labas ng bahay actually.
Pupunta si andrea sa kung saan nagsimula ang lahat. Kusang lumalakad yung mga paa niya. Pagkarating niya'y, dumiretso siyang cantina. Ang daming tao, tsaka nakikiusyuso ang tatlong magkakaibigan. She saw herself sitting at a table. Pagkarating ng kanyang mga kaibigan, siyang pagdating ng apat na lalaki. Lumapit ang lalaki sa babaeng nakaupo lang kanina pa, at ninais magpakilala, humingi ng number, at makikipagkaibigan na rin. Ang lalaking iyon ay nagpakilalang Vincent Zion Ortega. Nagpakilala rin ang babae, Andrea De Los Reyes. Pinagbigyan ni andrea ang lahat ng hiling ni vincent, umalis itong masaya at kinindatan pa si andrea. Todo tukso naman ang mga kaibigan nito, ganon din kay vincent. Muli ay namalayan ni andrea na nandito na siya labas ng kanilang classroom. It all rewind their past. Habang nakatayo sa labas ng kanilang classroom ay tumulo ang luha nito at bigla na lamang napaupo, not minding the people around her.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
