Chapter 86💛

5 0 0
                                    

" ENJOYING THE DAYS "

Andrea's POV

Nakasakay ngayon sa wheelchair si vincent. Sa kadahilanang hindi niya pwedeng magalaw ang dinadala niyang inda o sakit. Ang sabi ng doctor, kailangan steady lang daw para hindi masyadong maapektuhan, kahit alam naming naapektuhan na nito ang kabuuan.

" Mag enjoy kayo. " ang sabi ni tita sa amin. Habang pababa kami kanina nakasakay si vincent sa wheelchair, pero ngayon hindi na, kasi nasa sasakyan kami. Aalayan ko siya mamaya at nung driver papunta sa patutunguhan namin.

*Capitol Lagoon Park Bacolod City*
Inalayan ko siyang makaupo sa wheelchair at pagkatapos nun, syempre ako yung tumutulak. Hindi naman makakalakad yung wheelchair kung walang magtutulak diba. Habang papunta sa damuhan, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Ang sabi niya sa akin, kahit daw yun lang, ang hawak na yon, ang magsisilbing lakas ko, at para daw hindi ako mapagod.

Masasabi kong ang hirap ng sitwasyon naming dalawa, dahil ako nakakalakad pero siya hindi. Nahihirapan ako, oo. Pero anong magagawa ko? Wala naman nang ibang paraan diba? Mahal na mahal ko si vincent, kaya kahit anong sitwasyon man yan, hindi ako mapapagod. Magkaiba ang nahihirapan sa napapagod.

Inihanda ko ang aming makakain ngayong hapon. As you all know, hapon na kami umalis. Ang init kung umaga. Hindi pwede sabi ng doctor. Maraming gulay ang ipinabaon ni tita, like paano namin kakainin ang mga ito? Syempre may buko pandan, spaghetti, and lasagna. Aking mga paborito.

Tsaka isipin niyo na lang, na naghanda ako ng mesa dito, para sa aming dalawa, nakaupo ako ngayon katabi siya. Sinusubuan siya ng gulay na gusto niya. Ako naman kumakain ng lasagna at buko pandan. While eating, masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari dito sa amin sa bacolod. In short, our memories here in Bacolod.

Bukas ay pupunta kaming Silay, doon, sigurado akong ang daming alaala ang nabuo doon. Syempre, ang lugar na iyon ay isang malaking parte ng buhay ko.

Kakaiba pala sa pakiramdam yung alam mong ilang araw na lang mabubuhay yung taong mahal mo noh? Gagawin mo ang lahat, para mag enjoy lang ang isa sa inyo. Lahat kakayanin mo sa loob ng ilang araw na yon. Nakakadurog ng puso. Sobrang sakit dito mismo sa puso.

" Alam mo ba, may plano akong dalhin ka dito balang araw, at dito magpropose. Dito mismo sa mga dahon. " sabi niya sa akin. Nginitian ko lamang siya at tinignan.

" Hindi ko alam kung bakit dito ko naisip na magpropose. Siguro nagagandahan ako sa ambiance. Ang sarap ng hangin, ang ganda ng panahon. " habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako sakanya nang may ngiti sa labi.

" Tapos ikakasal tayo mismo sa simbahan ng Silay. Kung saan kita unang nakita, at unang nasilayan ng matagal. " nakikita ko sa gilid ng kaniyang mga mata ang luhang gustong pumatak.

" Gusto kong mangyari ang lahat ng pinapangarap ko para sating dalawa. Ang lahat ng pinaplano ko in the near future. " nakatingala siya ng kaunti at nakangiti ng bahagya. Sana nga mangyari ang lahat ng iyon.

" Sana mangyari. Kasi ako, kung ano ang magiging plano at magiging pangarap mo para sating dalawa, yon na din ang hihilingin ko. Actually, hindi lang ngayon, simula nung sinagot kita. " nginitian ko siya ng bahagya kahit hindi siya nakatingin. Ang lapit ng hitsura ko sakanya. Magkahawak ang aming mga kamay. Hindi nagbibitaw.

***

Hinintay namin siyang magising muli bago umalis papuntang Silay. Nakaayos na ang lahat ng gamit niya doon sa kwarto niya. Nagpadala yung doctor ng nurse para alagaan si vincent.

" Please don't hesitate to call our telephone number if there's something happen. Enjoy the days with your son. " ang sabi ng doctor. Hindi ko gustong marinig ang sinabi niyang yon, pero narinig ko. Parang ang sarap niyang suntukin sa mukha, blame him dahil baka hindi niya nagawa ang lahat, pagtaasan siya ng boses. Ang sarap gawin sakanya yon, pero hindi ko din sila masisisi, alam nating lahat na ginagawa ng doctor ang kanilang makakaya, mailigtas lang ang pasyente. Alam nating lahat na kapag hindi sila nagtagumpay sa kanilang misyon o dapat gawin, alam kong ang iba sakanila ay nalulungkot, nagdadalamhati. 
Hindi rin ako yung tipo ng babae na nananakit ng kapwa tao. Kaya kahit gusto kong gawin, hindi ko gagawin kasi nirerespeto ko ang kanilang ginawa para sa aking kasintahan. Nirerespeto kong ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para malunasan ang sakit na dinadala ng aking kasintahan. Kahit ano pa ang gawin ko, kahit suntukin ko pa sila isa isa diyan, hindi na maibabalik ang dating sigla ng aking kasintahan. Ang dating lakas ng aking kasintahan. Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon, spend time with him, be happy with him, enjoy with him. Oo, durog na durog na ako pero kinakaya ko dahil mahal na mahal ko si vincent. Kahit gusto kong humiga at magpakatulala na lang, hindi ko gagawin kasi ang ibig sabihin nun, parang tinanggap mo na lang na mawawala na talaga siya. Pipilitin kong maging masaya para sakanya. Kahit iyon na lang ang magagawa ko. Pipilitin kong pasayahin siya sa mga huling araw niya.

" Uhm, tita, mag enjoy po muna kayo sa inyong anak. Uuwi lang po muna ako. Babalik ako sa susunod na araw. In the first place naman po, kayo po ang may karapatang bumawi, at magpakasaya kasama ang inyong anak. Deserve niyo po yan, kayo ni tito. " sabi ko kay tita ng masinsinan. Tinanggihan niya ang sinabi ko pero I insisted. Sa huli ay um-oo na lang siya.

" Ako na po ang bahala na magpaalam kay vincent. Kukumbinsihin ko po siya. " sambit ko kay tita. Habang nasa sasakyan, iniisip ko ang sasabihin kay vincent.

" May problema ba, love? Ang lalim ng iniisip mo. " nag-aalala niyang tanong.
" Wala naman, love. Inaantok lang ako. " sagot ko.
" I'm sorry for being a burden. " pagpapaumanhin niya.
" No, no, no. Don't be sorry. You're not a burden to me. Inaantok lang ako kasi wala akong tulog. Never kang naging pabigat sa akin. " nginitian ko siya ang I tap his two cheeks.
" Matulog ka na lang sa shoulder ko, para kahit papaano may tulog ka. " he voluntered. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
" Sweet. " sabi ko habang ngumingiti at nahiga na nga sa shoulder niya.

Maya-maya ay namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako sa shoulder niya. Habang patulog ay hindi ko mapigilan ang umiyak.
Hindi ko rin alam kung bakit ako umiyak, parang kusa na lang siyang tumulo. Sana hindi napansin ni vincent.

Sakto paggising ko, nakarating na kami sa bahay nila vincent. Tinulungan ko ang nurse na mag ayos ng mga gamit. Alam niyo yung mga gamit sa hospital? Ganun yon. Pagkatapos ng lahat ay pinahiga ko si vincent. Pinalabas muna ang nurse, dahil magpapaalam pa ako. It's now or never. Babalik ako dito sa susunod na araw. I will let him enjoy with his family. I'm sure pagbibigyan niya ako. I'm sure maiintindihan niya.

***

A/N: I know naging boring na sa mga huling pangungusap. Minsan kasi nagmamadali ako. Minsan wala na din akong maisip. Hihi, sorryyyy. 

Anyways, thankyou for reading! I love you all! 

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon