" CASUAL DAY "
Andrea's POV
She presented what I'm going to do for the whole weeks na nandidito ako sa Maynila. Nanlumo na ako pagkakita ko pa lang sa screen.
" 2 Magazines, for November and December Issue. 2 Photoshoots na gaganapin sa Batangas at sa Siargao. 3 endorser for tomorrow, next saturday, and your last week. And lastly, the big event. Inimbitahan ka papuntang california para sa gaganapin na Fashion Show. Don't worry, sasama kami. You already have a designer. She will assist you. That's it. "
" Do you have any clarifications? Complaints? " tanong ni boss.
" Yung sa tatlong endorser na gagawin ko. About sa last week, pwede niyo i move? Pwede namang gawin na natin yun for tomorrow eh. " sambit ko.
" No. It's a big endorser. One of the most expensive commercials. That's the last endorser you'll be doing. " sagot ni boss. Napatango ako ng wala sa oras. Like putangina?
" Are we good? " tanong ni boss.
" Yes, ofcourse. " sabi ko na lang.
" Okay. Tomorrow, for an endorser. 9 AM in the morning. " sambit niya atsaka umalis.
Napatulala na lamang ako pagkatapos. Ito namang katabi ko, napipi na ata at kanina pa hindi makapagsalita.
" Batangas and Siargao? Ang layo. " ay akala ko napipi na.
" Buti naman at nagsalita ka. Akala ko kasi napipi ka na. " sambit ko habang hindi tumitingin sakanya. Hinampas niya pa ako ng mahina.
" Inom tayo, gurl! Iinom na lang natin yan. " pag-aaya niya. Ngumiti ako. Ang sarap ngang uminom pero maaga pa ako bukas at may uuwian pa ako.
" Wrong timing ang pag-aya mo. Gaga ka! " sambit ko at napatayo na.
" Food trip tayo! Gusto mo yon? " pahabol niya.
" Libre mo? " nakangisi kong sambit. Natawa siya ng mahina.
" Basta utang mo. " depensa niya.
" Sige! " sambit ko. Ang tanga namin diba?
" Saan tayo? " tanong ko.
" Turks, Yellow Cab, Greenwich, and Maxi Mango! Taraaaaa! " excited niyang sabi. Minsan lang po manlibre itong si manager. Kilala niya na kasi ako. Kapag may ganitong pangyayari, nililibre niya kaagad ako. Nag-aaya.
" Sasakyan mo ang gagamitin natin. " sabi niya sa akin. I laugh. Sabagay, ililibre niya ako eh. Sa mall ko na lang siya dadalhin, nandun naman lahat ng gusto naming kainin eh.
Habang nasa byahe ay tumawag si vincent. 4:30 PM nung tumawag siya. Sinagot ko yung tawag niya habang nagmamaneho ako.
" Hello loveee! Gising ka na? " pambungad kong tanong.
(Yes, love. Asan ka?) balik tanong niya.
" I'm in the Mall, love. Kasama ang aking Manager. Nag-ayang mag mall eh. " sagot ko.
" Hi vinceeeennnt! " bati naman ni grey.
(Oh, okaayyy. Enjoy.) sabi niya.
" Anong gusto mo kainin? Medyo gagabihin ako. " sabi ko.
(Anything, love. Basta kapag tapos na, umuwi ka kaagad ha.) halata sa boses niya na medyo inaantok pa siya.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
