" Stargazing with you "
Vincent's POV
Ang sayang nararamdaman ko ngayon ay hindi mailarawan, hindi mabilang kung gaano. Ang sarap sa pakiramdam marinig ang matamis na oo, galing sa pinakamamahal mo. Hindi ko maimagine kung ano ngayon ang ginagawa ng aking puso. Hays. Ang saya kapag inlove ka. Pero mas masaya kung deserve mo ang babaeng ito.
Nakahiga kami ngayon sa maliit na foam na hinanda ko para sa date nato. This is sponsored by my cousin. Adrian. Foam to ng tita namin na hindi na ginagamit.
" Nakikita mo yang dalawang star na yan na magkatabi? " tanong ko. Ang pwesto namin ngayon ay magkatabi lang kami, habang magkahawak ang kamay.
" Oo. Bakit? " balik tanong niya. Hindi ako magsasawang marinig araw-araw ang kanyang boses. Nakakagaan sa pakiramdam.
" Tayong dalawa yan. Siguro sila na niyan noh? Hindi na kasi sila mapaghiwalay eh. " sambit habang nakatingin sa dalawang star. Napailing siya.
" Sa tingin ko hindi. Kasi sabi mo diba, tayong dalawa ang star na yan, ibig sabihin, ang lalaki sa star na yan, nanliligaw pa lamang sa babaeng star. Katulad sa ginawa mo kani-kanina lang. They are sweet at each other. Hindi sila mapaghihiwalay. " seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Napangiti ako. Oo nga.
" Ang pag-iibigan natin ay sumisimbolo ng star. Dahil kahit mag-away tayo, yung puso natin ay maglalapit pa din, at hindi maghihiwalay. Magkakaroon ng tampuhan pero hindi maghihiwalay. " nakangiti kong sambit. I spread my hands, senyas na yumakap siya sa akin.
" Pero paano kung ang pag-iibigan natin ay may katapusan? Yang dalawang star ba yan, maghihiwalay din? That's our symbol, gaya ng sabi mo. " may lungkot sa tono ng boses niya. Napaisip naman ako sa tanong na yon.
" Malalaman natin. Susubukin tayo ng Panginoon kung makakaya ba natin ang darating na pagsubok sa ating dalawa. Kung lalaban ba tayo ng magkasama. Doon natin malalaman kung makakaya rin ba ng star na yan ang mga pagsubok na darating. " simpleng sagot ko, at alam kong sa sagot ko na yon, mas naging magaan ang pakiramdam niya.
Sandaling tumahimik, magkayakap lang kami, nakatingin sa langit. Naghihintay ng falling star. Sana may dumaan.
" Kung walang falling star na dumaan ngayon, magpra-pray na lang ako sa Panginoon. " sambit ko sabay halik sa ulo niya.
" Bakit mo pa hihintayin ang falling star eh natupad naman na yung wish mo. HAHAHAHA! " alam ko ang gusto niyang iparating. Natupad ko na ang wish ko, at siya yon.
" Nahahawaan ka na ng mga banat ko ha. Lumelevel up ka na. " pang-aasar ko. Hinampas niya ako ng mahina sa dibdib. HAHAHAHAHA.
" Kusang lumabas lang sa bibig ko yon. " palusot niya pa. Wala na, nasabi mo na eh. Wala nang bawian. Natawa na lamang ako sa sinabi niya.
Kanina pa ako nakatingin sa langit, pero siya nakatingin lang sa mukha ko. Kapag tinititigan niya ako, pakiramdam ko ako ang pinaka-gwapong lalaki na natitigan niya sa buong buhay niya. Pakiramdam ko, ako ang pinaka-swerteng lalaki na nakilala niya. Ganito pala yung feeling kapag tinitignan ka ng isang Andrea De Los Reyes noh? Hays.
" I'll be going back to syudad next week. 3-5 days ako doon, kaya medyo matagal bago tayo magkita ulit. Kaya lubos-lubusin mo na ang panliligaw sa akin, para may premyo ka sakin pagbalik ko. " natatawa niyang sambit. Aalis siya?
" Ano namang gagawin mo dun? " tanong ko habang pinipigilan ang lungkot sa boses ko. Pero walang epekto kasi nahalata niya.
" Ay, nalungkot agad oh. Babalik naman ako. I have some important things to do. Malalaman mo sa oras ng pag-alis ko. " sambit niya habang nakangiti. Humigpit naman ang yakap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My First Love
Roman d'amourThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...