" WHAT HAPPENED IN BATANGAS "
Third Person's POV
" Pre, pumunta ka dito, nanghihina ako. "
" Bakit? Anong nangyari? "
" Tawagan mo si nanay at tatay. "
***
" Dalhin mo sakanya yan. Nang malaman niya ang lahat. "
" Sige po, maam. Walang problema. "
Pag-uusap iyon ng babae at ng lalaki. Nasa isang malaking abandonadong lugar sila ngayon, at mukhang may masamang binabalak ang babae.
***
*Meanwhile in BATANGAS*
" Andrea, where's your partner? Tawagin mo siya. Kayo na ang sunod. Pakibilisan. " utos ng isang staff.
Agad naman na hinanap ni andrea ang kaniyang makakasama sa photoshoot na si Joel. Kanina pa kasi ito wala sa tabi-tabi, kaya baka may pinuntahan lang.
" Joeeellll! " pasigaw na tawag ni andrea.
Sa kalagitnaan ng paghahanap, bigla siyang nagulat dahil niyakap siya ni Joel mula likod. Nagulat man ay agad nitong inalis ang pagkakayakap ng lalaki sakanyang likod.
" Hinahanap ka na. Susunod na tayo. " sabi ni andrea.
" Baka naman ikaw ang naghahanap sa akin? " panunuksong sabi ni joel.
Binalewala iyon ni andrea at nagpatuloy sa paglalakad. Gulat na gulat pa rin ito sa biglaang pagyakap sakanya ni Joel.
Nagsimula ang photoshoot nina andrea at joel. Habang naghahanda ay nakatingin si joel kay andrea. Balewala iyon kay andrea dahil ito'y trabaho lamang.
" Okay, ready. Joel, lumapit ka pa kay andrea. " utos ng photographer. Walang pag-aalinlangang lumapit si joel kay andrea. One shot.
" For the second shot, andrea, tumingin ka kay joel. Magtinginan kayong dalawa. Pagkatapos, ay magngitian. Act like you two love each other. " utos ulit ng photographer. Ginawa naman nilang dalawa ang naiutos. Dahil professional si andrea, it has nothing to do with the act.
" Third, joel, yakapin mo mula likod si andrea, tignan mo siya sa mata, at ikaw andrea, kunwari nahihiya ka, ngunit may ngiti sa mga labi. " photographer. They did it, ofcourse.
Pagkatapos ng lahat, nagpahinga muna silang lahat, at maya-maya ay lalabas, dahil magbobonfire. Last day kasi nila sa Batangas. Bukas sa Siargao naman sila.
*toktok*
" Binibini, labas na po dahil pinapatawag na tayo ng direktor. " sabi ni joel sa labas. Andrea just wear a short, and just a sleeveless on top. With her hair, bun.
" Ang gagawin natin ngayon ay ' serenade a girl whom you like ' gusto niyo ba yun? " nasasabik na sabi ng direktor habang kinukuha ang gitara sa gilid. Boys and girls are separated. Bale magkaharap.
" Sinong mauuna? " tanong ni direk.
" Si joel! " presenta ng makulit na lalaki.
" Gago, ba't ako? " sabi naman ni joel, sabay binatukan ang lalaki.
" Oh, joel. Pano ba yan. Ikaw ang mauuna. " sabi ng isang staff. Nakangiting tumango si joel. Kinuha niya ang gitara kay direk, at pumwesto.
" This song is for the girl whom I like, Andrea De Los Reyes. " nakangiti ito habang diretsong nakatingin kay andrea. Todo tili naman ang mga babae habang tinutukso at sinusundot pa ito sa tagiliran.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantiekThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
