" Streetfoods with you "
Andrea's POV
Paggising ko kinabukasan, wala na akong katabi. Pero may nakita akong papel. Di siya ganoon kalaki, pero sapat na para mabasa ko ang nakasulat.
Pasensya na hindi na kita naantay na gumising. Hihintayin kita sa school, at pagkatapos ng klase natin, pupunta tayong plaza. Good Morning, my love.
Ayon ang nakasulat sa papel. Ang sweet naman. Bumangon na ako at sa pagbaba ko papuntang dining, nakasalubong ko si camille. Nginitian niya ako na parang sinasabi niya na masayang-masaya siya para sa akin.
Nadatnan ko pa yung dalawa na nag-uusap sa dining. Syempre sinaluhan ko na sila, kahit alam kong tutuksuhin nila ako.
" Kamusta yung gising mo? " tanong ni trixy, habang nakangiti.
" Okay naman. Masaya. " kalmadong tanong ko habang kumukuha ng brown hotdog.
" Kamusta naman yung kagabi? " tanong naman ni irish. Dito na magsisimula, sinasabi ko.
" I saw your face kagabi, at grabe yung kilig na nararamdaman mo ha! " maarteng sabi niya. Nginitian ko lamang sila.
" Sana gawin rin sakin yan ni adrian! Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. Kailan kaya niya ako nililigawan? " may tono sa boses niya na parang atat na atat siya.
" Hindi minamadali ang pag-ibig, irish. Take things slowly and seriously. " sambit ko sa seryosong tono.
" Ayan, makinig sa babaeng nagmamahal ng totoo. Makinig ka sa babaeng kakapasok lang sa relasyon. Kasi sila yung mga inspirado. " paliwanag ni trixy kay irish. I just laugh at her. Hindi naman hahhaha.
*School*
Pagbaba ko ng aking sasakyan, nakita ko na agad si zion, naghihintay sa labas, nakaupo. I smiled.
" Hi love. " bati ko sakanya.
" Hello love. Nag breakfast ka na ba? " tanong niya kaagad.
" Yes, love. Ikaw? Baka hindi ka pa nagbre-breakfast ha. " habang naglalakad ay nag-uusap kami.
" Tapos na din ako, love. " sabi niya, at hinawakan ang kamay ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na ginagawa niya sa akin to, lalong-lalo na yung paghahawak kamay namin. It's like this always a first time.
Pagdating namin sa aking classroom, nag 'ayiiiieeeee' ang halos lahat ng aming mga kaklase. May alam ba sila? Kasi sa pagkaka-alam ko, hindi naman vinideo, o ni post. Nagkatinginan naman kami ni zion. Pagkatapos ay nagtawanan sa isa't-isa.
" Pumasok ka na, susunduin kita mamaya. Makinig kang mabuti sa teacher niyo. " sabi niya habang nakangiti.
" Yes, love. Masusunod ang iyong utos. See you later. I love you. " may arte sa tono ng boses ko.
" I love you, too. Mag-iingat ka. " ngiting-ngiti niyang sabi.
Sa buong araw na nasa classroom lang ako habang nakikinig, hindi ako makapag-antay na mag bell ang ring sa oras ng uwian dahil gusto ko nang makita si zion, I miss him na agad! Ito ba yung pakiramdam na sobrang mahal na mahal mo yung tao? Si camille kaya, ganito rin ang nararamdaman niya?
*bell rings!*
Sa wakas! Paglabas namin ng classroom, nag-usap muna kaming apat, syempre nagpaalam ako sakanila na may pupuntahan kami ni zion. Pero laking gulat na may lakad kaming apat. Wow ha. Tinanong nila ako kung saan ang lakad namin, sagot ko naman sa plaza, sila naman, si camille pupunta sa bahay ni aeron, si irish, niyaya siya ni adrian na pumuntang mall, si trixy naman, gagala daw sila ni ryan sa kahit saan. Anong trip nung dalawa? -_- Bahala nga sila dyan.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...