" ROAMING IN MALL, TALK ABOUT US "
Andrea's POV
Napag-usapan naming magbabarkada na hapon hanggang gabi gumala dahil mas maganda daw yon. Si trixy? Nasa bahay nila, hindi siya sumama kasi baka ma OP raw siya. Totoo naman.
Nung hapon ay nag picture muna kami sa bridge nila. Solo, and with boyfriends. Triple date ngayon ang peg namin. Sayang hindi kasama sina trixy.
Habang tinitignan kung gaano kaganda ang venice ay syempre masaya rin kami ni zion dahil magkasama kami ngayon. Sabi niya kagabi sakin, first time niya raw na pumunta dito. Pero dahil likas akong Taga Maynila, nakapunta na ako dito at ipapasyal ko siya. Isa ito sa mga paboritong place ni Mommy and Daddy.
Tsaka, lubus-lubusin na natin dahil baka ito na ang huling pagsasama namin. Mahirap na, malay natin. Buong maghapon kaming nag-akbayan, magkahawak ang kamay, at nakapulupot ang braso ko sa braso niya.
" Ang clingy mo masyado sa akin. " nagtataka niyang sambit. Natawa ako ng mahina.
" Clingy naman ako palagi ah. Hindi mo lang napapansin. " nanunukso kong sambit.
" Hindi ah! Napapansin ko. Nakakapagtaka lang ngayon. " simpleng sabi niya. Again, natawa ako. Hindi na ako nagsalita at naglakad na lang kasama siya.
" Guys! Let's boat ride! " aya ni camille.
" Babe, isn't it too dangerous? " nag-aalinlangang sabi ni aeron.
" NO NO NO! It's safe! " sambit ko naman. Safe na safe naman talaga yan.
Sa huli ay walang nagawa si aeron kundi pumayag, para daw sa fiance niya. Ito namang boyfriend ko, parang natatakot pero I cheered him up. Si adrian naman, excited na excited eh.
" Trust me. Wag kang matakot. " sabi ko sakanya. Ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko.
" Ganyan talaga yang si pinsan, drey. Takot sa mga ganitong klaseng adventure. " sabi pa ni adrian. Nakasakay na kami sa bangka.
" Bakit siya takot na takot? " tanong ko. Imbis na sagutin ni adrian ang tanong ko ay tumawa at umiling lamang siya. Weird.
Magkasama kami nina adrian at irish. Kaming apat. Si aeron naman at camille, ay nagsolo. Ewan ko ba sa dalawang yan. Palaging gusto na maghiwalay samin. Magkaharap kami ni vincent. Magkatabi sila ni adrian, at magkatabi kami ni irish.
" Ang ganda dito, love noh? " sabi ko sakanya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagkamangha ko sa venice na to. Hindi niya sinagot ang tanong ko dahil tuwang tuwa nanaman siya sa mga nakikita niya. It is always nice to see him this happy. Pakiramdam ko ang swerte ko sa lalaking to. Swerte naman talaga ako simula nung una pa lang.
Nakangiti lang ako habang tinitingnan siyang natutuwa sa tubig at sa paligid. Super blue ng tubig. Ang ganda tignan.
" Masaya ka ba? " tanong ni irish kay adrian.
" Sobrang saya! " malawak na ngiting sambit ni adrian. Pagkatapos ay nagtinginan kami ni irish at nagngitian sa isa't-isa.
Binuo namin ang aming gabi sa pagkain ng masasarap na pagkain, syempre. Mawawala ba naman iyon?
***
Nasa hotel kami ngayon, dito ako matutulog, katabi siya. Bukas uuwi ako ng bahay dahil pupunta akong office ni dad.
" Did you enjoy? " tanong ko sakanya matapos kong maligo. Basa pa ang aking buhok.
" Oo naman. Lalo na kapag kasama ka. " nakangiting sambit niya. Sumenyas siya na lumapit ako. Kumuha siya ng suklay, and he comb my hair.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...