Chapter 24💛

10 0 0
                                    

" Preparing for our DATE

Andrea's POV

Nandito kami ngayon sa rooftop, sa dulo. Tahimik at palagay ko, hinihintay niyang magsalita ako. Nakatingin lamang siya sa paligid nito, siguro pinag-iisipan niya kung ano ang magandang gawin mamaya sa dinner naming dalawa. Napatingin ako sakanya. Gusto kong magsalita, pero saan ko sisimulan?

" Uhm.. salamat nga pala sa sulat na binigay mo ah. " sabi ko na lang. He then nodded his head.

" Ano nga pala ang masasagot mo sa tanong ko sa sulat na binigay ko? " interesadong tanong niya. Wala akong ibang sasagutin kundi 'oo' , wala akong naiisip na dahilan para hindian ang lalaking katulad ni zion.

" Kahit konti lang naisulat mo, magiging masaya pa din naman ako dahil binibigyan mo ako ng sulat. Alam mo kasi, isa iyon sa mga pangarap ko. Yung bigyan ako ng isang lalaki ng sulat. Hindi uso sayo ang LSM sa messenger noh? Gustong-gusto mong nakikita akong masaya kapag may binibigay kang importanteng bagay sa akin. " panimula ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sinabi kong yon. Nanggaling ata yon sa kaibuturan ng aking puso. 

" Pumapayag akong mag dinner tayo mamayang gabi dito sa rooftop. " nakangiti kong sambit. Ang init ng mukha ko, beshy! 

Napangiti siya ng malawak at nagpasalamat siya sa akin.

" Pangako, matutuwa ka sa makikita mo mamaya. Hindi kita bibiguin. " sabi niya pa with his promise hand. Sa totoo lang, kahit hindi niya gawing engrande ang dinner mamaya, simpleng handaan lang okay na ako dun. Kontento na ako basta makasama ko lang siya habang masaya kami na tinitignan ang liwanag ng buwan, ang kinang ng mga bituin na isa sa magiging saksi ng pagkakaibigan namin. Siguradong matutuwa ang buwan at ang bituin. Yihiiieeee.

Maaaring nanggaling ako sa mayamang pamilya, pero hindi iyon magiging hadlang sa kagustuhan kong maranasan ang maging simple, mabuhay ng simple at maging masaya ng simple, yung hindi pinipilit. Kasi lahat naman tayo deserve na maging masaya eh. Deserve natin ang lahat ng kagandahan sa mundong ito. 

Saktong break time nung natapos kami sa pag-uusap, at katulad ng palaging nangyayari, sabay kaming kumain sa canteen. Nakita namin yung tatlo na kasama ang mga alalay nila--este kaibigan. Nubayan. 

I waved a 'hi'  to them, pero hindi nila ako pinansin, at nagkunwari pang hindi nila ako nakita. If I know, ayaw lang nilang madisturbo kaming dalawa ni zion. Lagot yang mga yan sakin mamaya. 

" May namamagitan na ba kay Irish at Adrian? " tanong ko. Madalas kasi nakikita ko silang magkasama palagi sa campus, sabay na kumakain. 

" Wala pa, pero sabi ni pinsan sa akin, liligawan niya na daw si irish. Hindi sinabing kailan basta liligawan niya. " sagot ni zion. Napangiti naman ako. Finally. 

Kailan kaya ako liligawan ng lalaking nasa harap ko ngayon? Hindi ko alam. Hindi ko naman masasagot yan eh. Siya lang mismo ang makakasagot niyan. 

" Susuot lang ako mamaya ng formal dress para sa dinner natin. See you, later. " sabi ko saka ako nagpaalam sakanya. Nagmamadali kasi ako dahil susundan ko pa ang mga kaibigan ko. Alam naman yon ni vincent, nagpaalam ako. 

Sa kalagitnaan ng pagtatakbo ko, nag vibrate ang cellphone at may natanggap akong text galing kay trixy. 

' Wag kang susunod. May pupuntahan lang kami. Mauna ka na sa bahay. Hintayin mo na lamang kami doon. Sabay tayo mag launch, wag kang mag-alala. ' Napairap ako at wala na lamang nagawa pa kundi pumunta ng parking lot. Mga bwisit na to. 

*bahay*

Agad akong napaupo sa sofa at nanuod ng TV. Nanuod ako ng Disney. Matagal na rin simula nung huli akong nakapanuod dito. My phone vibrated, nakatanggap ako ng text kay vincent. 

' Around 7 nandoon na ako sa rooftop ha. Pinapaalam ko lang sayo. Tsaka may susundo naman sayo diyan. See you, drey.

Agad akong napangiti sa text niyang iyon. Kilig akoo. 
Maaga pa naman so may time pa ako. Hinihintay ko sina trixy. Asan na ba mga yon? 

" Hello philippines!! " nagulat ako kaya agad akong napatingin sa pintuan. Tatlong babaeng nakangiti sa akin habang papalapit. Parang may mangyayari na magugustuhan ko. I don't think so. 

" Tangina naman irish! Anong meron? " nagtataka kong tanong. Napatayo ako at dumiretso akong mesa. May dala kasi silang pagkain at galing yon McDo. Wow. 

" We brought you some dresses na pagpipilian mo mamaya. Sa ngayon, kumain ka na muna dyan, mamaya ka na din magtanong. Kailangan mo ng enerhiya para sa date niyo mamaya. " habang ipinapaliwanag yon ni trixy ay napaawang ang aking bibig. Paano nila nagagawang bumili ng mga dresses para sa akin, eh ang dami ko dito sa cabinet. Mygash! Dagdag nanaman yan. Lalo na't may importante akong gagawin next week. ( di ko pa pwdeng sabihin)

Sumabay sila sa akin sa pagkain at tahimik lang ang naging takbo. Mabilis din kung lumakad ang oras kaya dapat hindi iyon sinasayang. 

(Around 5:30 pm)

Nagtaka ako dahil walang dumating na make-up and hairstylist. Yon pala, ang tatlong ito ang magma-make-up sa akin. Kung pwede ako nalang eh. Sabagay, may tiwala naman ako sakanila kaya hayaan natin ang kanilang mga kamay na pagandahin ako ngayon.

" Sisiguraduhin namin na ikaw at ikaw lang ang magiging maganda sa paningin ni vincent mamaya. " nakangiting sabi ni trixy at kinindatan pa si irish through mirror. Napailing ako habang nakanngiti ng hindi gaano.

" Bakit pa kayo bumili ng dress para sa akin? Ang dami ko nang dresses sa cabinet. " ang natanong ko. Napailing si camille sa nasabi ko.

" We bought you dresses because next week you have important things to do. Kakailangan mo yan. Babalik ka pa naman ng syudad. 3-5 days ka pa naman doon. " irish said while putting foundation in my face. Light make up lang ang gusto ko. 

Oo nga pala. Babalik akong syudad next week. May importanteng gagawin. Sige. Salamat na din sakanila dahil dagdag nanaman sa kalat.  

" Iyang dress na napili mo is so gorgeous. Yan ang dress na pinag-awayan namin kanina, kung alam mo lang. " natatawang sabi ni trixy. Kahit kinakabahan ay natawa na lamang ako. Paano ba kasi, malapit na mag seven. Kinakabahan ako kung anong masasabi ko mamaya. Kinakabahan ako sa kung ano ang pwede kong maisagot mamaya. 

" Halata sa itsura mo na kinakabahan ka. Alam mo, isipin mong isang simpleng handaan lang to na kailangan mong puntahan. Tsaka just be yourself kapag kaharap mo siya. " nakangiting sabi ni camille. She has this charm na kapag ngumingiti ay mapapangiti ka na lang din. Bahala na talaga mamaya.

Pagkatapos ng lahat ay bumaba na kami, naghihintay sa sundo ko. Akala mo kung sino yung susundo eh si Adrian lang naman pala hahahha. Psh. Magpinsan talaga. 

Bumaba siya para alalayan ako, pero bago yon kumindat pa kay Irish. Natawa ako. Swerte niya dahil siya ang sumundo. Edi nakita niya si Irish. 

I almost forgot to tell you that my dress is not long gown. Below the knee, its just simple yet elegant. Nude ang kanyang kulay at alam niyo na kahit anong isuot ko, bagay sa akin. Apartment Eight Clothing is one of my favorites. 

***

Author's Note:

Are you all excited for their date? OMG. Im so excited! And.... ano kayang ang importanteng gagawin ni andrea sa syudad? Hmmm. 

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon