Chapter 65💛

11 0 0
                                    

" FAILED

Andrea's POV

Patuloy ang pagkukwento niya, habang ako nakikinig lang. Hindi naman magagalit yan eh. Basta alam niyang nandito ako, sapat na sakanya iyon.

" Oh bakit nandito ka? Akala ko inaantok kana? " tanong ko. It was Camille.

" Hindi ako makatulog, at hindi ko yata kaya na iwang ganito ang ating kaibigan. " sagot niya. Tumango naman ako. Umupo siya sa tabi ni trixy.

" Nung una kong na meet si ryan, sabi ko sa sarili ko, siya na siguro yung taong ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Yung taong makakapagpasaya sa akin, yung taong mamahalin ako habang buhay. Yung taong ipaparamdam sa akin na ang swerte niya dahil dumating ako sa buhay niya. Yung taong hinding-hindi ipaparamdam sa akin na failure ako. But look what happened. Ipinaramdam niya nga sa akin, sobrang ikli naman. Para lang siyang dumaan, para lang siyang hangin. " reklamo niya habang umiiyak. Kapag si ryan na ang pag-uusapan, iiyak na talaga yan. Hahagulgol na yan sa iyak.

Si Camille naman ay nakatingin lang sakanya, parang nagegets naman niya kung ano ang pinagsasasabi ni trixy.

" Masaya pa rin ako dahil kahit sobrang ikli lang, atleast diba, ginawa niya pa rin yung makakaya niya para iparamdam sa akin na kamahal-mahal ako. Kahit papaano, he made me feel that Im not a failure. " ngumiti siya ng pilit, nakita ko yon. Hindi ako bulag para hindi makitang ang ngiting iyon ay isang halong pagpapanggap lamang.

" So are you saying na hindi kami naging enough para iparamdam sayo lahat ng hindi mo naramdaman noong bata ka pa? " seryosong tanong ni camille. Tinignan ko siya ng masama. Nagluluksa na nga iyong tao, dadagdagan niya pa.

" NO. Wala akong sinabing ganon. Alam kong hindi kayo nagkulang sa akin. Ano ba, camille! Ipasok mo naman sa utak mo na si ryan ang pinag-uusapan dito. Si ryan, at hindi yung pagkakaibigan natin. Nagluluksa ako, okay? " depensa ni trixy. Ayan kasi, sumatsat pa. Tinignan ko siya ng masama at dinuro pa. Natahimik naman siya at hinintay na magsalita ulit si trixy.

" Alam mo, kapag pagmamahal ang pag-uusapan, dapat matuto tayong mahalin ang ating sarili. Kahit may minamahal ka, dapat tinitirhan mo yung sarili mo. Kasi hindi naman pwede yung mamahalin mo nang buong-buo yung taong yon. Minsan kailangan rin nating isipin ang ating mga sarili. Paano kung nawala yung taong yun? Paano kung iwan ka ng taong yun? May naitira ka bang pagmamahal dyan sa sarili mo? " seryoso kong sambit sakanya at itinuro pa ang balikat niya.

" Kapag ba iniwan ka niya, ipinagpalit ka niya sa iba, mapipilit mo ba yung taong yun na mahalin ka ulit at hindi ka iwan? Makukumbinsi mo ba yung tao na yun? Ang sagot ay hindi. Ito lang yun, paano ka mamahalin ng iba, kung hindi ka marunong magmahal ng sarili mo mismo? It is all about loving yourself, and making yourself feel loved, and feel worth it. " I said smiling at her, and I tapped her shoulder.

" You need to love yourself first, before you love others. Paano ka mamahalin ng ibang tao kung hindi mo mahal ang sarili mo? Ang simple simple ng tanong, pero ang hirap hirap i-apply sa sarli natin. Hindi mo kailangan ng maraming tao para mahalin ka. Nandito kami. Mga kaibigan natin sa eskwelahan. Isa pa, hindi mo siya kailangan. " diretsong sabi ni camille, at lumapit pa siya kay trixy.

Tanging paghagulgol lamang ni trixy ang naririnig namin at ang mga tubig na nagsisi-unahan. Dinamayan namin siya hanggang sa matapos siya kakaiyak, hanggang sa maging okay siya. Inabot kami ng umaga, kaya nung pauwi kami, antok na antok ako. Hinatid lang ako ni zion sa bahay namin mismo, maya-maya ay umalis siya. Sabi yon ni mommy.

***

I received a text from Grey Chan. ' Pumunta ka dito. Pinapatawag ka ni boss. ' Sa message pa lang niya yon, alam ko na ang mangyayari. Malamang nakagawa ng paraan ang hipokritang hipong babae na yon para siraan ako.

Mabilis akong naligo, mabilis rin akong nag-almusal. Lahat mabilis. Ibinilin ko rin kay mommy na kung sakali man na pumunta dito si Zion, nasa building ako at hintayin niya lamang ako dito. Wag siyang pupunta don.

*Building*

Kaagad akong dumiretso sa opisina ni boss. Nandoon ang aking manager na si Grey Chan, manager ni ynah, at syempre si ynah. Nandoon si boss, kasama ang kaniyang personal assistant.

" There you are, princess! " bungad sa akin ni ynah na nakangisi. Umupo ako sa tabi ni grey. Hinawakan niya ang aking kamay at nanlalamig ito.

" Should we start? " tanong ni ynah sabay tayo. Pinaandar niya ang laptop, siguro may ipepresent.

" Today, mayroon akong ipapakitang litrato. Litrato na magpapatunay na totoo ang mga sinasabi ko. Hindi importante ang mga inaasikaso ni andrea, dahil ang totoo, naglalandi siya. " panimula niya. Sana ay nakikita niyo ang kanyang reaksyon habang sinasabi yon.

" Paano mo masasagot ang tanong, na importante itong ginagawa mo? As for you, this may be important but for us, it's not. It's not even a priority. Your main priority is modeling. Photoshoots, Fashion show, and all. " depensa niya. C'mon! Ipinakita niya isa-isa ang mga pictures. Pictures naming magbabarkada na nasa Funta Fuego, at pictures namin ni zion na naglalandian. Tumawa ako ng mahina.

" Pinasundan kita sa aking private investigator, inalam ko kung anong mga pinang-gagawa mo, and I found out na ito ang mga inaasikaso at mga ginagawa mo. Now answer my question, importante pa ba to sa fashion show, and photoshoots? " nakangising tanong niya. Again, tumawa ako ng mahina.

" Ms. Ynah Mendoza, naiinggit ka ba? So what kung ang sinabi kong inaasikaso ko, eh hindi importante sayo? So what kung yan ang inaatupag ko kaysa sa mga fashion show and photoshoots?  So what kung mag pinagtutuunan ko ng pansin ang paglalandi kaysa sa pagmomodelo? I don't think I don't deserve this kind of happiness, because in the first place, ginusto ko naman to. Desisyon ko naman to. " seryosong sambit ko sakanya.

" Ano ngayon kung may boyfriend ako? Kasalanan ko bang panget ka kaya walang ni isang taong nanliligaw sayo? Kasalanan ko rin ba kung bakit strikto yang manager mo at ayaw ka niyang payagan magkaroon ng kasintahan? Hindi ko kasalanan kung bakit sunod-sunuran ka sa gusto ng manager mo. Hindi ko kasalanan kung bakit wala kang boyfriend hanggang ngayon. Yon ba ang gusto mong ipunto, ynah? Yon lang ba? " may diin ang bawat salitang binibitawan ko.

Napatingin ako kay boss, he is just smirking. Tila pinapanuod kung sino nga ba ang mananalo sa aming dalawa. Kilala ko yan eh.

" Pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa sinabi ko sayo last time about sa importante kong ginagawa at inaasikaso. Oo, yon nga ang inaasikaso ko, yung boyfriend ko. Now, kasalanan ko ba kung bakit hindi mo kino-consider sa importante ang pagkakaroon ng kasintahan? Kasalanan ko rin ba yung pagiging maganda ko kaya inggit na inggit ka? Kasalanan ko rin ba yung paggawa mo ng presentation para siraan lang ako? Kung ganon pala, edi ako na ang makasalanan! " nagkibit ako ng balikat at napairap. I heard my manager, boss's personal assistant and himself, laughing. Nakangisi lamang siya sa akin habang nakatingin ng masama.

" Wala akong paki-alam sa sasabihin mo. Ang importante ngayon dito, ay ang opinyon ng nakakataas. " ang tanging sabi niya. Sa lahat ng sinabi ko, lahat yon hindi niya pinansin. Bastos to ah!

" Wala namang mali sa pagkakaroon ng kasintahan. Hindi rin naman kasalanan yon. Pagmamahal yon eh. Alam mo kung ano yung mali, ynah? Yung sinisiraan mo ang ating pinakamagaling na modelo. Ayon ang mali. Andrea proves herself many times. Andrea never dissapoint. Andrea never fails to amaze people, to amaze her fans. Can you give me a reason why are you doing this? Hindi ako natutuwa. Sinisiraan mo ang kapwa mo modelo sa walang kwentang dahilan? Dissapointing! " paulit-ulit na napapailing si boss. Ako naman natatawa lang ng mahina.

Saglit na napanga-nga si ynah, habang tumitingin sakanyang manager, magkasabwat ang dalawang to. Well, sorry dahil hinding-hindi niyo ako masisira.

Napatayo na ako dahil pakiramdam ko ay sinasayang ko lang ang oras ko sa ganitong pangyayari. Hindi dapat sinasayang ang oras sa mga walang kwentang tao.

" You can never put a good woman down. Epic mic drop, ynah! " sinigurado kong maiintindihan niya ang sinabi ko, this time.

Pagbaba ko, nakasalubong ko si Zion, halatang hinahanap ako. Agad niya akong niyakap noong makita ako. Bakit siya pumunta dito? Baka pagkaguluhan siya ng mga reporters.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon