" TRY HARDER "
Third Person's POV
A busy week for andrea is here again. Gabi na kung umuwi, halos nawawalan na ng oras sakanyang kasintahan. Kada uwi, bihis at higa kaagad sa bisig ni zion. Walang pag-uusap, diretso tulog lang. Ganun lang palagi ang nangyayari.
" Inaya ako ni ynah na kumain daw kami bukas sa fast food restaurant. Hindi ako um-oo dahil magpapaalam pa ako sayo. Alam mo, pumunta ulit siya dito kanina. Sinubukan kong tawagan ka, pero kinuha niya ang cellphone ko. Ginawan ko rin ng paraan para paalisin siya, sa kahulihan ay niyaya niya nga ako. " kwento ni zion. Dahil nga pagod si andrea, nakatulog ito at walang sagot na natanggap si zion.
Kinabukasan, maagang umalis si andrea dahil may gaganaping photoshoot. Bago umalis si andrea, ay nag-usap pa sila ni zion pero ito ay normal na lamang.
" Puntahan kita sa building! " sigaw ni zion nung nagmamadali na si andrea.
" You don't need to, love. Okay lang. " pahabol ni andrea.
" Dadalhan lang sana kita ng launch. Hindi ako magtatagal, promise. " dagdag pa ni zion.
" Okay, love. If that's what you want. I'll wait for you. " pagkatapos ay umalis na si andrea.
Katulad ng napag-usapan, ay nagluto nga si zion ng launch na dadalhin niya kay andrea. Habang nagluluto ay nakangiti lang si zion. Espesyal kasi ang lutong iyon.
*ding dong*
Pagkabukas pa lang ng pintuan ni zion ay pumasok na kaagad si ynah ng walang pag-aalinlangan.
" So, tuloy ba tayo? " kaagad niyang tanong.
" Sorry, ynah. Pero hindi kita masasamahan. " sagot ni zion.
" Why? May pupuntahan ka ba? " tanong niya.
" Oo. Pupunta ako kay andrea, dadalhan ko siya ng launch. " sagot naman ni zion habang nakangiti.
" Samahan na kita. Then after, punta tayong restaurant. " pagpupumilit ni ynah.
" Hindi talaga pwede, ynah. Magagalit yung girlfriend ko. " paghindi ni zion. Natawa ng sarkastiko si ynah.
" Bakit naman siya magagalit? Wala naman tayong ginagawang masama. Kakain lang naman tayo sa restaurant. " giit pa ni ynah habang nakangisi.
" Pwera na lang kung nagseselos siya. " pahabol ni ynah.
" Ayokong magselos ang girlfriend ko, kaya hindi kita sasamahan. Kung gusto mong kumain sa restau, ikaw nalang. " kalmadong sabi ni zion.
Hindi na nakapagsalita si ynah, sa halip ay naka-upo lang ito at busy sa kakacellphone. Hanggang sa matapos na sa pagluto si zion. Now, he's just packing.
" May gagawin ka rin ba don sa building? " tanong ni zion.
" Oo. " sagot ni ynah, kahit wala naman siyang gagawin doon.
" May photoshoot ka rin? " tanong ulit ni zion.
" Uh-huh. " sinungaling na sagot ni ynah.
*Building*
Naunang naglakad si zion at medyo iniwan doon si ynah.
" Vince! Alam mo ba kung nasaan siya? " tanong ni ynah.
" Oo. Sa third floor. " sagot ni zion.
" Sigurado ka? Sa pagkakaalam ko, ang photoshoot ngayon ay nasa second floor. " sabi ni ynah. Napakunot naman ang noo ni zion.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
