" SORROWS AND PAIN. "
Andrea's POV
Sa paglabas ko, niyakap ako ni tita ng mahigpit habang sobra ang iyak. Si tito naman ay naka-upo at makikita sa mukha niya ang kawalan ng pag-asa. Si adrian nakita ko, hindi malayo sa amin, nakatingin sa itaas, naluluha. Dahil hindi ko alam ang nangyayari, tinanong ko si tita.
" Bakit po, tita? Ano po ang nangyayari? " nagtatakang tanong ko. Tinignan ako ni tita, pagkatapos ay umiling iling siya habang humahagulgol. Ang iling na iyon ay alam na alam ko. Hindi ko na kailangan pa ng impormasyon mula sa doktor para mapatunayang tama ang hinala ko. Kaya pala kanina, narinig kong may sumigaw sa labas. Kaya pala.
Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak kaya ibinuhos ko na. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kwarto ni vincent, dali-daling pumunta sakanya at niyakap siya ng napakahigpit. Ngiti ang isinalubong niya sa akin. Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari? Kakauwi ko lang diba? Bakit si vincent pa, lord? Bakit yung taong pinakamamahal ko pa? Bakit yung taong pinaglaanan ko pa ng buhay? Bakit, lord? Wala naman kaming ginagawa masama ah. Naging mabuti naman akong tao. Wala naman akong inaapakan. Tinulungan ko naman yung mga nangangailagan ah. Binigay ko naman ang mga kailangan nila. Bakit si vincent pa, lord? Bakit siya pa?
" Walang pang dalawang minuto, namiss mo na kaagad ako? Grabe naman yata ang pagka-adik mo sa akin. " natatawa niyang sambit. Gusto kong tumawa kagaya ng ginagawa niya pero bakit ko magawa? Ang tanging tugon ko na lang ay ang tumango.
" Hindi ako aalis sa tabi mo. Babantayan kita. Kung gusto mong matulog ngayon, sige. Nandito lang ako ha. Nakahawak sa kamay mo. " basag na basag na ang tono ng boses ko. Hindi ko na alam ang gagawin.
Pumasok naman sina tita, tito, at adrian. Pilit nilang nginitian si vincent kahit alam kong kalungkutan ang namamayani sa kanilang isip at puso.
" Ma, pa, insan, ang saya ko ngayon! Nandito yung babaeng pinakamamahal ko. Pakiramdam ko wala akong sakit. " masaya niyang sambit. Sige, luha, tulo pa.
" Masaya rin kami, anak. " maikling sabi ni tita.
" Matutulog muna ako. Goodnight, love. I love youuu. I love you, ma, pa, at insan! " masayang sambit ni zion. Nung makatulog na siya, ay nakita kong may pumatak na luha na nanggagaling sakanyang mga mata. Mas lalo akong naiyak nang mapagtantong baka alam niya ang nangyayari.
" Alam niya. Alam niyang hanggang dito na lang ang buhay niya. " sabi ni tito habang umiiyak. Ngayon ko lang din nakita na umiyak si tito, lalong lalo na si tita. Masakit makita na nanghihina na ang iyong mga magulang.
Lord, sana ay bigyan mo ng lakas ang mga magulang ni vincent. Sana bigyan mo sila ng tatag. Kahit wag niyo na po akong bigyan, bigyan niyo lang ang mga magulang ni vincent, okay na po ako.
***
Parehas pa din ang pwesto namin ngayon. Sina tita, tito, at adrian, ay nasa sofa, nakaupo, at tulala. Hinihintay namin na magising ulit si vincent. Sa gitna ng paghihintay, biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang babaeng naiinis o naiinggit ng sobra sa akin. Biglang napatayo si tita para harangan ako dahil baka masabunutan nanaman niya ulit ako.
" Bakit ka nandito? Gulo nanaman ba ang ipinunta mo? " seryosong sambit ni tita.
" Hindi po. Hindi ako nandito para makipag-away. Mas pipiliin kong manatili sa tabi ni vincent kesa ang makipag-away sa babaeng yan. " hindi ko man nakikita ang itsura niya ngayon pero alam kong nakatitig siya sa akin ng masama.
" Sana naisip mo yan bago mo sinabunutan si andrea nung isang araw. " sabat ni adrian.
" Then, I'm sorry. Akala ko kasi sakin kayo kakampi, yun pala sa babaeng yan. " sabi niya pa. I can now see her reaction, nagkibit pa siya ng balikat.
" Bakit ka namin kakampihan? Importante ka ba dito? " sabi pa ni adrian. Tito tapped his shoulder saying na wag na lang patulan. Saglit na napayuko si ynah at umirap pa. Ang kapal talaga ng mukha. Sa totoo lang, ayaw ko siyang nakikita dito, pero anong magagawa ko? Gusto niyang makita si vincent eh. Isa pa, kaibigan niya si vincent kaya hindi ko ipagkakait sakanya ang pagkakataon na yun. Hindi ako madamot. Hindi rin ako makasarili.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...