Chapter 32💛

5 0 0
                                        

" HE COOK FOR ME "

Andrea's POV:

Kinabukasan paggising ko, my phone is ringing. Hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag, inaantok pa kasi ako.

"Hello?" bati ko.

(Good Morning!) sweet na bati niya sa kabilang linya.

"Good morning rin! Infairness at napa-aga ang tawag at gising mo." masigla kong sabi. Anyari sakin? Bakit biglang gumising ang buong diwa ko?

(Gusto ko kasing ako ang gumising sayo. Kaso... parang hindi naman yata?) pustahan tayo, medyo nalungkot ang mukha niya.

"HAHAHAHA, talagang hindi. Nagising lang talaga ako." natatawa kong sambit. Natahimik sa kabilang linya. Tila pinakikiramdaman lamang namin ang presensya ng isa't-isa.

(Maligo ka na. Hihintayin kita sa paaralan natin. May ibibigay ako sayo na tiyak kong magugustuhan mo. Mag-iingat ka, mahal na mahal kita.) malambing na sambit niya. Ngumiti ako.

"Mahal na mahal din kita." nang sandaling sabihin ko yon, hindi ko alam kung narinig niya ba o wala, pero pagtingin ko sa cellphone, kanina niya pa binaba.

Nagmadali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal kahit nakita ko ang tatlo na nagkukwentuhan sa hapag kainan. Inaya pa nila ako pero humindi ako dahil nagmamadali ako. Bago ako lumabas ng pintuan namin, narinig ko pang nagsalita si trixy.

" Sigurado ako na hinihintay na siya ni vincent sa school natin. Kaya nagmamadali. " sambit niya. Natawa ako. Alam na alam nila ang mga kilos ko.

*School*

Nakita ko siya na nakaupo sa waiting area, katabi niya si adrian. Nag-uusap sila. Pero may isa akong napansin, may hawak siyang maliit na bag. Hmmm...

Nung nakita niyang pababa ako sa sasakyan, tumayo siya kaagad at kitang-kita ang ngiti sakanyang labi. Umalis na rin si adrian.

" Magandang umaga sa napakaganda kong binibini. " ngumiti pa at kumindat. Wow ha. Juanito Alfonso, ikaw ba yan?

Nginitian ko lang siya. Napansin ko lang na parang may nag-iba sa ihip ng hangin ngayon. Hmmm..

" Yung sinabi ko kanina na may ibibigay ako.. nais kong malaman mo na ipinagluto kita. Hindi ko alam kung anong paborito mo pero sana magustuhan mo ang iniluto ko para sayo. Dugo at pawis ang ipinundar ko diyan. " dugo at pawis talaga? hahahhaha. Ang sweet niya naman.

" Since maaga pa naman, sabay na tayo mag-almusal? " alok niya. Tumango lang ako. Teka, bakit hindi ko magawang magsalita? Napipi na ba ako?

Habang naglalakad kaming dalawa, hinawakan niya ang kamay. Napangiti ako ng wala sa oras. Pakshet, ano baaa.

Nung nakarating na kami sa canteen ay sinimulan niyang buksan ang kanyang niluto daw para sa akin. 

" Marunong ka palang magluto? " tanong ko.

" Hindi masyado. Pero kung ikaw ang magiging asawa ko, willing akong magluto araw-araw para sayo. " nakangiti niyang sambit. Tangina, mapapatangina ka na lang talaga sa sobrang kilig.

Ibinigay niya sakin ang isang tupperware at meron din sakanya. Wow. Talagang pinaghandaan niya ito. Pagbukas ko, nakita ko ang manok. This food named as what do you call this one, Chicken Bistek! Yon! It looks delicious!

" Humingi ako kay mama ng recipe, meron kasi siyang mga book for cooking. She suggested na ito yung lutuin ko. Kaya yon. " kwento niya.

" Alam ng mama mo na may nililigawan ka? " tanong ko.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon