" Cook Together? "
Andrea's POV
Nandito ako sa bahay, nakahiga lang. Wala kaming pasok ngayon dahil may mga importanteng pag-uusapan ang mga teachers sa nalalapit na event. Whole day.
Tinitignan ko lang ngayon ang mga pictures namin together ni zion, pictures niya dito sa aking phone. Simula nung pagkuha niya ng loob ko, at hanggang sa napunta dito kung saan kami ngayon.
My phone rang while I'm watching photos in my phone. It was zion, calling...
(Hello, love? Yes?) sagot ko.
(Love? Good Morning! Are you free today? Iimbitahan sana kita.) sambit niya. Pansin ko sa boses niya na kakagising niya pa lamang. Well, it's 8:00 in the morning.
(Yes, I'm free. San mo naman ako iimbitahan?) kumunot ang aking noo.
(Dito sa bahay. Iniimbitahan kita. Can we cook together? Pasensya na love kung biglaan.) nagulat naman ako sa nasabi niya. Well, my boyfriend is full of surprises. Wag niyang sabihin na may kasunod pa ang sasabihin niya.
(Wala kasi sila dito sina mama at papa, naisip ko na ipagluto sila, at naisip ko rin na ipakilala ka sakanila bilang girlfriend ko.) w-waiiitt wa-whaaaattt?! ano raaaawww?
Hindi ako agad nakapagsalita, pilit kong pinapasok sa utak ko ang sinabi niya. Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya bilang girlfriend? OMG! Hindi ako handa!
(Nagulat ba kita, love? Sige kung ayaw mo, pwede naman nating ipagpaliban. Hindi ko na lang sila ipagluluto.) hindi ko alam pero parang nalungkot siya, parang lang.
(NO! No no no, love. Sige na sige na. Pupunta ako diyan. Magluluto tayo para sa mga magulang mo. Maliligo lang ako.) napakamot na lang ako sa aking ulo.
(Talaga, love? Sige, hihintayin kita dito. Mag-iingat ka. I love you.) pakiramdam ko masaya na siya ngayon dahil sa sinabi ko. I smiled, too.
(I love you, too.) pilit kong pinasaya ang pagkakasabi ko. Kasi naman, biglaan, hindi ako handa. Bakit hindi niya nasabi kahapon?
Hindi naman ako maka-hindi kasi alam kong malulungkot siya, at ayaw kong mangyari yun. Magulang niya pa naman yon. Nakakahiya kung humindi ako. Baka magtampo loviee ko. Sige na nga, maliligo na.
***
" Oh ba't bihis na bihis ka? Pormal na pormal ah. " panunuyo ni trixy habang papunta sa sala kasama yung dalawa.
" Gulat na gulat nga rin ako eh. Ikaw ba naman, ipakilala sa magulang nung boyfriend mo, hindi ka magsusuot ng pormal? " balik tanong ko sakanya. Choice kong sabihin, dapat alam nila.
" HAAAA?! " sabay sabay nilang sabi. Muntik nang mabilaukan si camille sa iniinom niya coke sa nasabi ko.
" You heard it right. Ipapakilala ako ni zion sa mga magulang niya. " sambit ko na halatang hindi pa rin makapaniwala.
" Teka, teka, bat parang biglaan? Sa ganitong oras? " kunot noong tanong ni rish.
" Mamayang tanghalian pa. Pupunta ako don ngayon kasi magluluto kaming dalawa. Ibig sabihin, ipagluluto namin ang magulang niya. " nag thumbs up pa ako para siguradong naiintindihan nila. Dahan-dahan naman silang napatango. Good.
" Goodluck sayo! " ang sabi ni trixy.
" Sana tanggapin ka sa trabaho, este tanggapin ka ng magulang niya. " ngumiti si irish pagkatapos niyang sabihin yon. -_-
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...