" WAR OF CAMILLE AND ALTHEA PART 2 "
Camille's POV
" Wala kang karapatang sabihing uhaw sa pera ang pamilya ni aeron dahil wala kang ni isang alam sa mga pinagdaanan nila, sa mga desisyong ginawa nila, kung bakit nila naabot ang ganyan! Wala ka pa sa kalingking ni tita! How could you?! Lalo mo lang silang binigyan ng rason para hindi ka ulit tanggapin at mas binigyan mo pa para hindi ka mapapasok sa bahay na to! " nanlilisik ang aking mga mata ko while saying those words to her. Mas nilapit ko ang mukha ko sakanya, todo atras naman siya.
Nag suggest ako kay aeron na papasukin muna si tita sa kwarto nila, kasi ayaw ko na makita ni tita ang ganitong pangyayari.
" MALAKI BA SHARES NG KOMPANYA NIYO? MARAMI BA KAYONG PERA PARA IPANGALANDAKAN SA MUNDO NA ISA KAYO SA MGA SIKAT NA KOMPANYA? NO, GURL! AS FAR AS I KNOW, MALIIT LANG ANG SHARES NIYO SA KOMPANYA! ISAKSAK MO YAN SA KOKOTE MO! " hinawakan ko ang kokote niya at tinulak pa nga eh.
" AT WAG NA WAG MONG IDIIN NA KAYA PUMAYAG ANG PAMILYA NI AERON AY DAHIL KA CLOSE NAMIN ANG IBANG PAMILYANG SIKAT DOON! KATULAD NG PAMILYA NG AKING MGA KAIBIGAN! ALAM MO, INSULTUHIN MO NA'T LAHAT, WAG LANG ANG MGA KAIBIGAN KO. MAGKAKAMATAYAN TAYO. " pinandilatan ko siya ng mata.
" TSAKA ANO BA ANG GUSTO MO? PERA RIN BA GUSTO MO? GUSTO MO BA NG HALAGANG MAKAKAPAGBILI SA PAGKATAO MO? SIGE! BIBILHIN KO NA YAN, TUTAL ATAT NA ATAT KA NAMAN EH! OSIGE! SINABI KO SAYO LAST TIME, NA KAYANG-KAYA KONG BILHIN ANG PAGKATAO MO. PERO MUKHANG HINDI MO IPINASOK SA KOKOTE MO. SIGE. WAG KANG MAG-AALALA, ALAM KONG HINDI SAPAT ANG BILYON PARA BILHIN ANG PAGKATAO MO. " dahan dahan akong napapatango habang tinitignan siya ng masama. Napailing-iling lang siya sa sinabi ko.
" LASTLY, SINO BA SA ATING DALAWA ANG PINAKA MALANDI? MALANDI LANG AKO, PERO IKAW PINAKA MALANDI. *laughs evily* PINILI AKO NI AERON DAHIL SA ATING DALAWA, AKO ANG UNA NIYANG NAKILALA, AKO ANG UNA NIYANG NAKITA, JUST IN CASE HINDI MO ALAM YON! ANO ANG MGA NAGAWA NG MALANDING KATULAD KO KAY AERON? WALA AKONG GINAWA, WALA RIN AKONG PINAKAIN, SA KATUNAYAN AY HUMILATA LANG AKO SA AKING KAMA, AT KINABUKASAN PAGGISING KO, MAHAL NA MAHAL NA NIYA AKO. ANG KLASE NG PAGMAMAHAL NA KAHIT KAILAN, HINDING-HINDI NIYA MAIBIBIGAY SAYO. " nginitian ko siya, ang ngiting tagumpay.
" Alam mo, althea. Wala kasi yan sa ganda at ugali. Nasa loob yan. Bakit ko siya pinili kaysa sayo? Let's just be true here, katulad ng sabi niya ay malandi siya, siya yung klase ng malandi na nagustuhan ko, kumbaga nagustuhan ko ang pagiging malandi niya. Walang-wala ka sa kalandian ng girlfriend kong si camille. Isa pa, pinili ko siya kasi mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Paano kita pipiliin kung hindi kita mahal? Paano ako magpapakasal sayo kung pilit lang ang lahat? That's it. " nakangiti pa yan habang nakapamulsa. Kalmado si babe ko. Awee.
Habang nagsasalita si Aeron ay sinamantala niya ang pagkakataong umayos ng tayo. Mabuti at nakatayo pa siya. Pagkatapos ay umiling-iling, iling na demonyo.
" TAPOS NA KAYO? " insultong tanong niya. Hindi ako nagdalawang isip magdampi ulit ang kamay ko sa pisngi niya, muntik ko na ngang masugatan yung labi niya eh. Buti dumaplis lang.
" Hindi ko kayo hahayaang sumaya ng ganon ganon lang! Hindi ko kayo patatahimikin! Hindi ko isusuko ang pag-ibig ko, hinding-hindi. Hindi ako bibitaw ng basta basta lang. Kung kailangan kong gawin ang lahat, gagawin ko. Kung kailangan kong makipag-usap kay satanas o sa kahit anong demonyo, gagawin at gagawin ko. Kaya kung ako sa inyo, lulubos-lubusin ko na ang mga panahong magkasama kami, dahil hindi natin alam, baka yun na pala ang huli. " malambot ang pagkakasabi niya non, nginitian niya pa ako. I laugh at her. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa mainsulto siya.
" Satanas? Demonyo? Hindi ka ba na informed na kakampi ko ang mga yon? Tsaka kung gagawin mo ang lahat lahat, paano mo magagawa iyon, eh lahat ng pwede kong gawin sayo, planado? So, bakit mo gagawin ang lahat, na ginagawa ko na pala sayo? Omaygash, gurl! Wag mong sabihing nagiging BOBO ka nanaman ulit. " malambot ang pagkakasabi ko, habang nginingitian siya.
" Hindi ka papayag na maging masaya kami ng tuluyan? Hinding-hindi? *evil laugh* Ah talaga ba? Well, okay then. Gawin mo ang lahat ng kaya mong gawin. I DARE YOU, MY DEAREST ENEMY. Pero tandaan mo rin to, sirain mo man kami ng sirain, hinding-hindi maaalis ang katotohanan nun na hinding-hindi ka mamahalin ni aeron kahit kailan. " ininggit ko pa siya. Hinalikan ko pa si aeron sa pisngi.
Sinubukan niyang maging matapang pero wala rin, dahil kitang-kita ko ang mga mata niyang malapit nang maiyak sa nakita. Yabang!
" Umalis ka na ngayon bago pa magdilim ang paningin ko at baka mapatay kita ng wala sa oras. Kating-kati pa naman ngayon ang kamay ko, kating-kating pumatay ng tao. " nang sandaling ipakita ko sakanya ang demonyo kong mukha, nakita ko ang pag-atras niya. Coward.
Agad akong pumunta sa kwarto ni tita para kamustahin siya, dinalhan ko rin siya ng tubig. Tinanong kung masakit ba sa kanya ang mga binitawang salita ni althea kanina.
" I'm used to it. Ang tao nasasanay din sa mga bagay-bagay. Yung ibang tao, yan din ang sinasabi, pero wala lang sakin. " umirap siya pagkatapos. I slowly nodded.
Pumunta naman kami agad ni aeron sa sala matapos naming asikasuhin si tita. Tahimik lang kami, magkayakap sa isa't-isa. Tila ba pinakikiramdaman ang paligid.
Hindi ako naapektuhan sa mga banta at sinabi ni Althea. Wala akong paki-alam sa kung ano man ang mga pwede niyang gawin. Kahit umabot pa sa puntong magkakamatayan na kaming dalawa. Siya at siya rin ang matatalo. Mahina yun eh. Magaling lang sa mga salita, duwag sa mga gawa. How can she be sure na masisira niya kaming dalawa ni aeron? C'mon!
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantikThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
