Chapter 80💛

7 0 0
                                        

" ENJOYING CALIFORNIA FOR AWHILE "

Andrea's POV

Nandito ako sa California. May bahay kami dito, nagpatayo ang daddy, kaya nandidito ako sa bahay namin. Nandito rin pala si kuya. Nakahiga sakanyang kwarto. Nandito ako sa salas. Nakatingin lang ako sa schedule for the week. May mga nakakalat pa ngang papers ih. Bukas pa ang practice para sa event na gaganapin. Alam niyo, kanina pa ako nakaupo dito. Tulala at wala sa sarili. May nakahandang juice at pancakes sa mesa ko ngunit hindi ko man lang ginagalaw ito. 

Kamusta na kaya siya? Okay ba siya dun sa Silay? Sana okay lang siya. Sana okay yung kalagayan niya. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan at pisilin sa pisngi. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto ko siyang makasama. Pero lahat ng gusto ko, hindi ko na makukuha, hindi ko na maibabalik.

Kagabi nung pauwi ako galing practice, bigla akong kinabahan ng sobra. Hindi ko alam kung bakit. Parang napakabigat sa dibdib ang kabang yun. Bigla kasing pumitik na parang may biglang nangyari. Basta, ewan ko.

Alam niyo, naisip ko na baka kasalanan ko kung bakit napunta sa lahat ang ganito. Baka kasalanan ko kasi hinayaan ko lang na mag-isa siya don, hinayaan kong buhayin niya ang kanyang sarili ng mag-isa, hindi ko man lang naisip na pansamantala, tumira muna siya sa bahay namin. Nang sa ganon, may makakausap siya don. Baka kasalanan ko kasi nakipag kaibigan ako kay Joel kahit hindi naman dapat. Unfair din kasi hindi ko siya pinayagang makipag kaibigan kay ynah, tapos kapag ako nakipagkaibigan sa co-model ko, okay lang. Kasalanan ko dahil hindi ko siya tinawagan, masyado akong nag enjoy sa putanginang photoshoot na to. Masyado akong nag focus. Baka nga kasalanan ko ang lahat.

Hindi ko namalayan na nilinis na pala ni yaya ang lahat ng kalat sa mesa. Kinuha niya na din ang pancakes at juice na hindi ko ginalaw.

" Ma'am Andrea, it's time for launch. I will just call your kuya, so that you two can eat. " sambit niya. Tumango lang ako. Since nasa cali ako, yung mga katulog dito, englishera. Naupo na ako at hihintayin ko na lang si kuya. Pagkababa niya, saka kami kumain na dalawa.

" May gagawin ka ba today? " tanong niya.
" Wala. Bakit mo natanong? " balik tanong ko.
" Samahan mo ko. Pupunta tayo sa kompanya, pagkatapos mamamasyal tayo kasama ang girlfriend ko. " sambit niya habang nakangiti.
" So, thirdwheel ako mamaya? " reklamo ko. Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy sa pagkain.

I met her girlfriend last time, she is beautiful, jolly, kind, respectful, and etc. Dahil mayaman siya at mayaman rin ako, may pagkakapareho kami, at may kaibahan din. Hindi pa kami namamasyal nang kaming dalawa dahil busy pa ako, at sabi niya busy din daw siya, may mga inaasikaso daw. Ilang araw pa lang ako dito, pero parang gusto ko na dito na lang tumira. Tumira sa lugar na ito na dapat kasama siya.

" Ipapasyal kita, nang sa ganon maging masaya ka. Nasa great america tayo, maraming magagandang tanawin dito, isa sa mga dahilan kung nagpapakasarap ako dito, kaya I hope you like it! " nginitian niya ako. Ngiting ' okay lang yan! ' 

Katulad ng napag-usapan, ganon nga ang nangyari, pumunta kami ng company at namasyal sa kahit saan. Tama nga ang sinabi niya, magagandang tanawin. Kahit papaano ay nagiging masaya ako. Tapos ang daming tao, sabi ni kuya madami nga raw tao kapag ganitong oras. Nag-uusap rin kami ng girlfriend ni kuya. Nga pala, her name is Blaire Wright. Maganda siya at napakatalino.

" We should hang out sometimes. Like buying everything we want, bags, shoes, shirts, and everything. " sabi niya sa akin. 

" Yes, ofcourse! Since I will stay here longer. " I said smiling at her.

" Great! " masaya niyang sambit.

Medyo nagutom kaming tatlo kaya kumain muna kami sa fast food restaurant nila dito. The expensive one. Habang nag-oorder si kuya, tinanong niya ako kung kailan raw ang event ko dito. Sinagot ko naman iyon ng diretso.

" I can also invite my friends to watch the event. I'm pretty sure they will like it. " nakangiti niyang sabi. I can say that she is genuinely happy, lalong-lalo na kapag kasama si kuya. Kanina nung namamasyal kami, tawa siya nang tawa, malamang pinapatawa ng magaling kong kuya.

" Where did you meet my brother? " out of nowhere na tanong ko. I should know, kung saka-sakali, baka maging parte siya ng pamilya namin.

" Actually, we didn't meet. Our paths just crossed. We just looked at each other, and by that, I knew he was the one! " napakunot ang aking noo. Weird. Char.
" Is that so? " nabibitin kong tanong.
" The next day, our paths crossed again, and in that moment, we talked a lot, until it reaches to this. He courted me, I answered yes. And then, we are just making our relationship happy everyday. Getting stronger everyday. How about you? " pagkukwento niya. Artista ba to? Yung ganda pang artista eh.
" Me? My boyfriend is in the Philippines. Doing very well. Doing his best for our future. " sagot ko na lamang. Dumating si kuya na may dala nang tatlong burger at tambak na friiieeesss.
" Didn't he come with you? I want also to see him. " sambit niya. Kung inaakala niyong maarte siya kung magsalita, medyo lang, pero majority, normal lang talaga yun sakanila dito.
" He's busy. " sagot ko na lang.
" Let's eat! " masigla kong sabi. Napatingin pa sa akin si kuya sa pagkakasabi ko ng ' he's busy ' parang hindi niya pinaniniwalaan iyon.

Pagkatapos ay namasyal kami sandali, at umuwi na kaagad. Nakaakbay sa akin si kuya habang papauwi. Oh diba, ang sweet.

" Makakapunta ako sa event mo. I'll be there. I'll support you. " sambit niya at hinalikan ako sa pisngi. Saka pumunta sakanyang kwarto. Yah, we arrived in the house.

***

Third Person's POV

Pagkarating ng babae sa Silay, pumunta siya kaagad sa bahay ni vincent. Paano niya nalaman ang bahay ni vincent? Nung nasa maynila pa lamang siya, inalam na niya kung saan ito nakatira.

" Tao po, hello! " nag ding dong siya pero wala atang tao. Sakto at may paparating na sasakyan at mukhang hihinto sa tapat ng bahay nila vincent. Bumaba si adrian at medyo nagmamadali. Nagulat naman ang babae at naningkit ang mga mata nito.

" ADRIAAANNN?! " mababaw ang kasiyahan ng babaeng ito kaya ganon na lang kung makatawag siya. Napakunot ang noo ni adrian, at tila hindi alam kung sino ang babaeng ito.

" Bumalik ka na lang sa susunod na araw, walang tao diyan. May pinuntahan ang pamilya. " sabi na lamang ni adrian nang hindi niya maalala ang babae.

" Saan naman sila pumunta? " tanong pa ng babae.

" Ano naman ngayon sayo? Sa susunod na araw ka nalang bumalik, miss. " ulit pa ni adrian. Sumimangot ang mukha ng babae.

" Ang sungit mo naman! Parang wala tayong pinagsamahan. Ako lang naman to, Si ynah. Yung kalaro niyo dati ni vincent. " pagpapakilala ni ynah. Natigilan at napatingin si adrian sa babae. Nang medyo maalala ay nanlaki ang mga mata nito.

" YNAAAAHHHH?? YUNG DUGYUTING BATA? " natatawang sambit ni adrian. Hinampas naman siya ni ynah.

" GRABE KA HA! OO AKO TO! SI YNAH THE DUGYOT! " maarte at natatawa nitong sambit.

" YNAH THE DUGYOT, HAHAHAHA, EH NUNG BATA TAYO, YNAH DUGYUTING BATA ANG TAWAG NAMIN SAYO! " natatawa pa rin si adrian habang nagsasalita. Medyo napipikon na si ynah, kaya tumigil na si adrian sa pagtatawa.

" Hindi kita masyadong nakilala kanina, kaya nagsungit ako. Ang dami kasing nagbago sa itsura mo. " sambit ni adrian. Ynah just smiled.

" Kung hinahanap mo si vincent, wala siya dito, umalis sila ng pamilya niya. Bumalik ka na lang sa susunod na araw. " bilin ni adrian.

Ramdam niyang medyo nagbago ang pag-uugali nito, at tono ng pananalita sakanya ni adrian. Wala nagawa si ynah, kundi ang pumasok ulit sa sasakyan at tumungo ng hotel.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon