" BAR AND CAFE "
Andrea's POV
Tanghali na at napag-usapan namin ni vincent na pumuntang Makati, pupuntahan namin yung Filling Station Bar and Cafe. Kaming dalawa lang. Hindi pa naman kami nagugutom kaya siguro aabot pa. May sasakyan naman kami eh.
Bakit kami pupunta dun? Kasi gusto lang namin dalawa. Tsaka nung grade school palang ako, nakapunta na ako doon. Gusto ko ulit pumunta, syempre kasama siya.
*Filling Station Bar and Cafe*
Finally, nakarating na kami. Magkahawak kamay kaming pumasok. Nasa labas ka pa lang, ang ganda ganda na, paano pa kaya kapag nasa loob kana? It's all about 50's style.
Umupo kami sa isang sasakyan. Since dalawa ang magkakasya dito, solo naming dalawa. Nakikita ko sa mukha ni zion na tuwang-tuwa siya sa ambiance at mga sculpture.
" First time mo dito love? " tanong ko.
" Oo love. " sagot niya.
" Tamang-tama, naipasyal kita dito. " nakangiti kong sambit.
We ordered for our lauch, T'Bird (Country Fried Chicken), Steak and Eggs, Cheesesticks, Spring Rolls, and Chicken n' waffles. For our drinks, we ordered Iced Cafe Mocha yung kay zion, Iced Cafe Americano yung sakin. And for our desserts, we ordered Cheese Burger Pizza, Mexican Burger, Shell (Taco Salad) and DiMaggio's Early Riser. Yung iba diyan too expensive pero dahil mag jowa kami, hati hati kaming dalawa.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga orders namin, dahil gutom na din kami, syempre kumain na kami. As usual, patingin-tingin siya sakin habang kumakain, sinusubuan niya ako. So sweet!
" Tuloy ba tayo mamaya? " tanong ko sakanya habang pinupunasan ang kanyang bibig. May sauce kasi sa gilid ng labi niya.
" Oo. Tuloy tayo dun mamayang gabi. " simpleng sagot niya.
Sa kalagitnaan ng pagkakain namin ay tumunog ang aking cellphone sa di inaasahang pagkakataon. It was our boss calling.
" Hello po. " magalang kong sambit. I choose not to say boss dahil ayaw kong mabigyan ng konting pag-iisip si zion.
( Magandang tanghali sayo, andrea. May ginagawa ka ba ngayon? Busy ka ba? ) tanong niya.
" Wala po. Kumakain ako ngayon with my boyfriend. " sagot ko.
( Oh, enjoy then. Nga pala, may isho-shoot kang magazine this week, for November issue. May photoshoot ka ring gaganapin sa Batangas. You have also a new endorser. Lastly, pupunta kang california for an event there at ikaw ang naimbitahan. ) sabi niya sa kabilang linya. Sandali akong natigilan at natulala, mabuti na lang at hindi nahalata ni zion.
( Since nandito ka sa Maynila, tapusin mo muna lahat ng pinapagawa ko sayo bago ka bumalik ng Silay. Alam mo na lahat ibibigay ko sayo kahit mag leave ka pa ng ilang months or years. Gawin mo lang ang pinapagawa ko, at ibibigay ko sayo kung ano ang gusto mo. After this, you're free. ) ma awtoridad niyang sabi. Tama siya, binibigay niya ang lahat ng gusto ko.
( I will just send the schedule to your facebook account. Better get ready for it. Have a nice day! ) gusto kong manlumo sa napag-usapan namin pero baka mahalata ni zion kaya mas mabuti pa na huwag nalang, ibubuhos ko na lang mamaya to sa bahay. Putanginang yan.
Shoot for magazine, Photoshoot in Batangas, A new endorser, and will go to california for an event? Kill me now! Arrrgghh! Pati ba naman oras namin ni zion na magkasama, may sisira pa? Argh! Nakakabwsit!
" Okay ka lang, love? " tanong niya. Natauhan naman ako at hindi ko namamalayan na pinaglalaruan ko na lang pala ang pagkain. Bwisit.
" Yes, I'm okay. Walang problema. " sagot ko at ngumiti ng pilit.
" Sino yung tumawag? " tanong niya. Pinili kong pakalmahin ang aking sarili bago sagutin ang tanong niya.
" Si grey. May pinapagawa lang. " simpleng sagot ko. Bago siya bumalik sa pagkain ay tinignan niya pa ako. Sana hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.
Para mapagaan ang sitwasyon, sinubuan ko siya ng sandwich, na tinatawag nilang DiMaggio's Early Riser. Nginitian namin ang isa't-isa.
Pagkatapos naming kumain, ay syempre nag picture picture muna kami sa mga nakatayo t nakaupong mga superhero at syempre mga rakista din. Pagkatapos ay umalis na kami.
" Masama ba pakiramdam mo, love? " nagtataka niyang tanong. Umiling ako sa tanong niya. Nasa labas na kami, syempre uuwi na kami.
" Iniisip ko lang yung pinapagawa ni grey. Kung paano ko sisimulan. " sagot ko sakaniya.
" Ganon ba? Kapag gusto mo ng tulong ko, tutulungan kita. Nandito lang ako. " sambit niya habang nakangiti at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
" Thankyou, love. " nakangiting sambit ko. Habang papunta siya sa driver seat, nakatingin lang ako sakanya. Iniisip ko yung pagpunta ko sa california. Iniisip ko pa lang na iwan siya mag-isa dito sa Maynila, hindi ko na kaya. Gusto ko siyang isama, kaso hindi ko naman pera ang gagamitin sa pagpunta ko ng cali. Pera ng tinatrabahuhan ko. Sila ang magpro-provide nun.
Naisip ko din yung mga gagawin ko this week. Shoot, Photoshoots, New endorsement. Sigurado akong magiging busy ako nun, at sigurado rin akong hindi ko mabibigyan ng oras si zion. Iniisip ko pa lang, namumutla na ako. Paano pa kaya kapag dumating na mismo yung oras na yon?
Habang nasa biyahe, tulala lang ako, nakatingin lang ako sa daan, nag-iisip ng malalim. Sa siyam na taon ko sa industriya, naranasan ko ang gabi na kung umuwi, wala ng oras para matulog, wala ng panahon para gumawa ng mga bagay-bagay. Ang lalaki ng mga pinapagawa at ibinigay sa akin ni boss. Malaking obligasyon.
This week, oras ang magiging kalaban ko. Iniisip ko rin kung hindi ba siya magagalit, maiintindihan niya ba, pipilitin niya bang intindihin, pipilitin niya bang hindi magalit. Nag-aalala ako. Arrgghh!
Natauhan ako ng hinawakan niya ang kamay ko, tsaka ngumiti. Ngumiti rin ako para kahit papaano mapagaan ang loob ko.
" Love, can I ask you a question? " tanong ko.
" Yes, love. What is it? " balik tanong niya.
" Paano kung pumunta ng ibang bansa yung girlfriend mo? Paano kung mawalan kayo ng komunikasyon sa isa't-isa? Paano kung mawalan kayo ng oras magkita? " diretsong tanong ko.
" Sasama ako kung pupunta siya ng ibang bansa. Pipilitin kong magkaroon ng komunikasyon sakanya kahit gaano pa ito kahirap. Bakit kami mawawalan ng oras magkita, eh lahat naman gagawin ko para lang makita siya. " sagot niya sa mga tanong ko habang nakangiti.
" Pero papaano kung hindi pera niyong dalawa ang gagamitin? Papaano kapag napagod ka kakaintindi sa mga ginagawa niya? Gugustuhin mo bang magstay na lang sa bahay, o mas pipiliin mong habulin siya kahit yung oras na mismo ang may ayaw? " habang nakatingin sakanya ay medyo naluluha ako. Sandali siyang tumahimik at tila nag-iisip kung ano ang isasagot sa tanong ko.
" Okay lang kung hindi mo masasagot. I just asked you a question. Hindi naman big deal iyon. " sambit ko na lamang. Napatingin siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon.
" Wag kang mag-alala, hinding-hindi ako mapapagod intindihin ang mga ginagawa mo. Kung ano man ngayon ang bumabagabag sa isip mo, nandito lang ako para maging lakas mo. Kahit oras na mismo ang may ayaw, hindi pa rin ako papayag. Kahit mundo o tadhana, hindi. Hindi ako papayag. Tayong dalawa hanggang dulo. " he said smiling widely and he intertwined our hands. Sa sinabi niyang iyon ay kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam. Ngumiti ako ng malawak sakanya. Aasahan ko ang mga sinabi niya.
" Maraming salamat, love. I know that you're always there. I love you so so so much. " malawak na ngiti kong sambit.
" I love you more more so much! " ngumiti rin siya at kinindatan ako. I am contented being with him. Sobrang mahal na mahal ko siya.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
Storie d'amoreThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
