Chapter 54💛

5 0 0
                                    

" DEAREST ENEMY "

Andrea's POV

Hindi pa ako nakakalabas ng building ay biglang may humawak sa braso ko.

" Wag mo kong basta-basta na lang tatalikuran. Hindi pa ako tapos makipag-usap sayo. " inis na inis niyang sabi. Gusto yata nitong makipag-kaibigan sa akin.

" Sige. Bibigyan kita ng oras para sabihin lahat ng gusto mong sabihin. Makikinig ako. Tutal kailangan mo ng atensyon, ibibigay ko yon sayo. Go. " kalmado kong sambit at nginitian siya. Napangisi siya sa akin.

" Nagtataka lang ako kung bakit wala ka sa mga kaganapan dito lately. Alam mo naman diba, importante ka sa industriyang ito. Iniisip ko na baka sinasayang mo ang siyam na taong pinaghirapan mo mapunta ka lang sa kinatatayuan mo ngayon, makuha ang mga bagay na alam nating deserve mo. Baka naman may iba kang inaasikaso. O baka, naglalandi ka. " tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakatingin lang ako sakanya.

" Naglalandi? Hala, baka tinutukoy mo yung sarili mo ha? Mahirap na. Nag-aalala lang din ako. Para sa kaalaman mo, hindi ko sinasayang ang mga napala ko sa industriyang ito. Naiintindihan mo ba yung sinabi ko kanina na may ginagawa lang ako? Oh baka dahil BOBO ka kaya hindi mo talaga maintindihan. " I emphasize the word 'bobo' para tagos sa puso at isip niya. Natawa siya ng mahina. May panahon pa para tumawa siya sa ganitong sitwasyon.

" Sabihin mo nga sakin. Interesado ka ba sa kung ano ang pinagkaka-abalahan ko? Alam mo ba yung salitang 'Mind your own business' ? Pwede ba, wag na nating paki-alamanan ang isa't-isa. Just enjoy your life, and enjoy your panandaliang-fame! " may diin ang bawat salitang binibitawan ko. Inis na inis na ngayon ang pagmumukha niya. Nagtataka siguro kayo kung bakit medyo kalmado ang pananalita ko, wala lang. I don't need to waste my time on trash people like her.

" Well, if that's the case, ako na lang mismo ang mag-aadjust para sayo. Aalamin ko kung ano man yan ang ginagawa mo, at sa oras na malaman kong iba ang inaasikaso at ginagawa mo, humanda ka. Malilintikan ka kay boss. " napataas ang kilay niya, para bang hinahamon niya ako. Nginitian ko lang siya. Bahala siya kung ano ang gagawin niya.  Hindi rin ako natatakot kung malalaman niya ang totoo kong inaasikaso. Kung ang kapalit nun ay ang tuluyang pagsasama namin ni zion, mas pipiliin ko na lang na malaman ng babaeng yan ang totoo.

" Sinong tinatakot mo? Hindi ako natatakot sa kung ano man ang pwede mong gawin. As long as I am living my life well, wala akong paki-alam sayo. " nakangiting sambit ko sakanya. Napailing siya ng dahan-dahan. Pailing-iling lang ang babaeng yan pero inis na inis na yan.

" Talaga? Hindi ka natatakot? Sige. Kung talagang importante nga yang inaasikaso mo, aalamin ko. Nang sa ganon makakahinga ako ng maluwag, ma-eenjoy ko ang pagiging fame ko, mawawala ka, sa oras na malaman ko ang totoo. Matagal ko pa namang pinapangarap yon. " may tono sa boses niya na masaya siya. Ito ang isa sa mga gusto ko sakanya, dinidiretso niya ako, prangkang babae. Kaso yon nga lang, bobo siya, at punong-puno ng insecurities ang katawan.

" Nanggaling na rin mismo sa bibig mo. Insecure ka sa akin, ayaw mong malamangan kita, at gusto mo palagi, nasa taas ka. I've been waiting for you to say that. Swerte ka nga hinintay ko pa yon eh. GO, do whatever you want to do. " sa huling pagkakataon ay nginitian ko siya tsaka inirapan. Iniwan ko siyang nakatayo doon.

She is Ynah Mendoza. She's my dearest enemy since then. A singer, model and an actress. Parehas lang kami ng edad, pero ewan ko bakit ganon mag-isip ang babaeng yon. Matagal na siyang nakikipag-kompetensya sa akin. I remember one time, may crush akong lalaki na kasama ko sa pagmomodel. Nalaman niya siguro kaya ayon, inakit niya. One time din, nalate ako sa photoshoot namin, nagsumbong sa akin ang co-model ko na ginawan niya ako ng storya sa boss namin, ganito, ganiyan. Doon ko nalaman at napagtanto, na she is competing with me, at doon ko rin napagtanto na insecure siya sa akin. Ako kasi ang mga gusto ng mga tao, sakin nakatutok lahat, ang atensyon na gusto niya ay nasa akin. Ang kasikatan na gusto niya ay napupunta lahat sa akin. Kaya siguro ganon na lang siya kung makapagsalita at ganon siya ka insecure sa akin. Sa tuwing nag-aaway kami, paulit-ulit kong sinasabi sakanya na kung hindi dahil sa mga fans ko, wala ako dito at hindi ko matatamo kung ano man ang natatamo ko ngayon. But then, nag-aaksaya lang ako ng laway sa paulit-ulit na paliwanag ko sakanya. Why can't people just enjoy their lives and leave the insecurities living in their bodies? Why?

Pagkatapos ng appointment ko sa building, dumiretso ako ng Red Ribbon. I am not wearing anything in my face. So kung may magpapaicture man, papayag ako.

Nasa Sm City North Edsa ako para bumili ng cake sa red ribbon. May mga taong nakatingin sa akin, yung iba nginingitian ako, yung iba naman tinitignan lang.

" Andrea, papicture! " sabi ng lalaki. Pumayag naman ako. Pagkatapos ay may tatlong babaeng lumapit, nagpapicture at nagpa-autograph din.

" What are we gonna expect for this coming october? May photoshoot ka po ba? May aabangan ba kami? " tanong ng magandang babae, she's a fan. Nginitian ko sila. Probably, wala.

" We will see guys. Marami pa kasi akong ginagawa ngayon. Pero we will see. Thankyou. " sambit ko sakanila habang nakangiti.

*Red Ribbon*

Sa pagpasok ko, dumiretso kaagad ako sa Counter. Chocolate nalang siguro bibilhin ko noh. Masarap yon.

" Hi maam, good morning! " bati niya. I smiled at her.

" Red Ribbon Ultimate Chocolate. " paki-usap ko.

Mabilis lang ako sa red ribbon. Nag commute ako papuntang bahay. Kanina kasi, wala yung sasakyan ni dad. Siguro pina-carwash niya.

Pagkarating ko, nilagay ko muna sa ref yung cake. Pumunta akong kwarto para maghanap ng susuotin. Kinuha ko lahat ng mga casual dresses and casual outfits.

Habang pumipili ay amoy na amoy ko ang fried chicken. Mygash, wag ngayon! Hindi ako makapag-concentrate. Ano ba yan.

I tried my best to find clothes para sa gaganapin mamayang gabi. Siguro mga 1 hour din akong naghanap bago ko nakita ang hinahanap ng puso at isip ko.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon