" Shy "
Andrea's POV
*peep peep*
" Oy! Sino kaya yon? " tanong ni irish at pumunta sa dulo ng pintuan.
" Ay di sakin yan. Di nagsabi si Adrian na susunduin niya ako. " sabi niya habang nakatingin sa akin.
" Di rin sakin. " camille said so.
" Di rin. Di pa ako naliligo eh. " natatawang sabi ni trixy.
Lahat sila napatingin na sakin. Eh sino pa? Si Zion yon, panigurado." Baka mapagod kakahintay sa labas. Nakabihis ka naman na, so sige. Bye. See you sa classroom. " nakangiting sabi ni camille.
" Bye guysss. " and I waved at them.Sa paglabas ko ng gate, nakatayo siya't nakapamulsa, at masasabi kong komportable siya sa kanyang posisyon. Natigil yon kasi nakita niya ako.
" Good Morning. Kamusta ang araw natin? " tanong niya kaagad.
" Di pa nga nagsisimula, nagtatanong ka na. " nakangiti pero nahihiya kong sambit.
" Ahh, so inamin mo rin na kapag magsimula na tayong magkasama, buo na ang araw mo? Yon ba? " nakangiti niyang tanong habang nakatingin ng diretso sa akin.
Bakit niya nagagawang tumingin ng diretso sa akin? Samantalang ako, hindi ko magawa.Nilapitan niya ako, he hold my chin at pinataas iyon para matignan ko siya. Namumula ako, shet!
" Hanggang ngayon ba, nahihiya ka pa ring tumingin sa akin? " tanong niya.
" Pasensya na, hindi ako sanay sa mga ganitong pangyayari. First time ko sa ganitong sitwasyon. Sana maintindihan mo. " mahinhin na sagot ko.
Nagtitigan kami ng matagal at maya-maya'y pinisil niya ang aking pisngi.
" Okay lang naman sakin yon. Alam ko na gwapo ako kaya nahihiya kang tumingin. Pasensya na. " tumawa siya pagkatapos. Napailing ako." Parang biglang lumakas yung hangin. Mabuti pa umalis na tayo. Baka kasi tangayin tayo eh. " pabiro kong sambit. He grinned on me.
" Kung tangayin man tayo ng napakalakas na hangin, nandito ako. Po-protektahan ka. " may pagtaas baba pa ng kilay. Psh.
" HAHAHAHAHA. Nice joke! Tara na. " paki-usap kong sambit. Baka mapuno na kami ng langgam sa kakabanat niya. Natatawa siya habang pina
*school*
Umupo kaming dalawa sa oval. Maaga pa naman at di pa nagri-ring ang bell." Kailan ang vacant niyo? " tanong niya.
" Uhm... Bukas. " sagot ko.
" Bukas? May pupuntahan tayo. " nakangiti at makikita mo sa mga mata niya na excited siya.
Nagtaka naman ako.
" Saan naman? Matutuwa ba ako niyan?" natatawa kong sambit.
" Oo. Dadalhin kita sa lugar kung saan magiging masaya ka, wala kang ibang iisipin, o kung pwede naman ako ang iisipin mo. Matutuwa ka hindi dahil dinala kita doon, matutuwa ka dahil kasama moko. " nakangiti niyang sambit.
Natawa ako sa sinabi niya. Yabang talaga.Kaunti pa lang yung pinagsamahan namin, pero palagay ko kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at di na namin kailangan pang mag-alinlangan.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo na hapon pala ngayon at kaninang umaga'y umabsent kami dahil may importante kaming pinuntahan nina Camille. Something important. :)
*bell ring*
" Tara na. " tumayo siya at inilahad niya ang kaniyang kamay para makatayo ako.
Sabay kaming naglakad papuntang classroom.
" Hatid kita mamaya sa bahay niyo. " sabi niya.
" Pumayag ba ako? " me trying to tease him.
" Palagi kitang hinahatid. Nakasanayan na yon. " nakangiting sabi niya. Ayaw patalo.
Natawa na lamang ako at tumango." Salamat. " sambit ko nang makarating sa bahay. Bago siya umalis, napatingin-tingin siya sa bahay namin.
" Kayo lang bang apat ang nakatira dito? " tanong niya.
" Oo. Tsaka may kasama kami, yung mga maids. " sagot ko. Tumango siya.
" Bakit mo naman natanong? " nagtatakang tanong ko.
" Wala. Nag-aalala lang ako kasi baka mapasok kayo dito ng mga magnanakaw, mahirap na. Pang mayaman kasi ang bahay niyo. " halata sa boses na nag-aalala nga siya. Tumawa ako ng mahina.
" Wag kang mag-alala, marunong akong ipagtanggol ang sarili ko. Sure naman ako na marunong din yung tatlo kong kaibigan. " paliwanag ko. Napatango naman siya.
" Sige. Mag-iingat ka ha. See you tomorrow. " sambit niya habang nakangiti. Ngumiti rin ako syempre.Sa pagpasok ko ng bahay, naupo agad ako sa sofa. Iniisip ko kung saan niya ako dadalhin bukas. First time pa naman nakin dito sa province. Hindi pa ako nakakapag research ng mga sikat at pwedeng puntahan. Nasa silay po kami ngayon, just so you know. Silay City, Negros Occidental.
Sa lugar na ito napagpasyahan ng mommy ni camille dahil maganda daw dito, makakapag relax kami, getting away from pollution. Salamat at makakahinga kami ng maluwag.
As for the day we stay here, masaya naman at nakakagaan. Parang we already consider this as our home the first time we step in here. Sana dito na lang kami.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...