Chapter 77💛

8 0 0
                                    

" I DON'T KNOW ANYMORE. " 

Third Person's POV

Agad na hinabol ni andrea si vincent, habang naiwan doon na dinadamdam ang sakit na si joel. Tinatawag ni andrea si vincent ngunit hindi ito tumitingin.

" Zion naman eh. Ayan ka nanaman eh. " may tumulong luha sa pisngi ni andrea, ngunit kaagad niya itong pinunasan gamit ang kanyang kamay.

" ZIOOONNN! PANSININ MO NAMAN AKO OH. PLEASE NAMAN. " nagmamakaawang tawag ni andrea. Tumigil naman sandali si zion. Sa puntong iyon ay nabuhayan si andrea, dali-daling lumapit at niyakap mula likod si zion. Pero hindi iyon nagtagal dahil hinarap siya ni zion.

" Yan! Diyan ka magaling! Ang umiyak! Ang magmakaawa! Diyan mo ko nakukuha! Sa mga ganyan mo, nanghihina ako.

" Alam mo, nag-iisa lang ako sa hotel. Walang kasama, walang kasama sa pagtatawa, walang kasama sa lahat ng kagaguhan. Habang ikaw, nandito, nag-eenjoy. Nag-eenjoy kasama ang Joel na yon! Andrea, pano naman ako? Pano naman yung boyfriend mo? " nabasag ang tono ng boses ni zion pagkasabi niya nun.

" Sa sobrang lungkot, sa sobrang gusto na makasama ka, alam mo kung ano lang yung mga kinakain at iniinom ko? Puro chichirya, at softdrinks lang ang palagi kong kinakain at iniinom! Hindi ako nagluluto kasi walang silbi yun kung hindi kita kasama kumain. Sana alam mo yun. Sana alam mo din na malungkot ako kapag wala ka sa tabi ko, kasi ikaw ang kasiyahan ko. Ikaw ang mundo ko. " may ngiti ngunit ito ay mapait.

" Tapos makikita mismo ng dalawa kong mga mata na masaya ka dito, na nag-eenjoy ka dito, na masaya ka kasama ang team mo dito. Lalong lalo nang kasama si yung putanginang joel na yun! Paano mo nagagawa sakin to? " halos mabaliw si zion sa pagsasalita. Todo iling naman si andrea. 

" Hindi... alam mo sa totoo lang, nalulungkot din ako na hindi kita kasama. Pinipilit ko na lang na pasayahin yung sarili ko pero sa huli, malungkot pa din ako. Palagi kitang iniisip. Hinihiling ko na sana okay ka. Alam mo, hindi na nga ako makapag hintay na umuwi eh. Kasi sa pag-uwi ko, nandon ka, nag-aabang sa akin. Makakapiling na ulit kita. Makakasama. Nandyan ka naghihintay sa pagbabalik ko. " tumulo na ang luha ni andrea, at sa puntong ito, ay hinayaan na niya iyon.

" Hindi ako masaya dito, zion. Nakikipag-kaibigan lang si Joel, hindi ko kasalanan kung bakit niya ako nagustuhan. Hindi ka naman niya maaagaw sakin eh. Sayo lang naman ako. Hinding-hindi ako mawawala. Wala ka bang tiwala sakin? " nadurog ang boses ni andrea pagkatapos niyang sabihin iyon. 

" Malaki ang tiwala ko sayo. Pero, andrea, ngayon hindi ko na alam. Ayaw mong nakikipag kaibigan ako sa iba, pero bakit ikaw, okay lang? Gusto mo ikaw na lang palagi? Yon ba? " tanong na nagpadurog lalo sa puso ni andrea. Tanging iling lang ang sinagot nito. Habang nakayuko si andrea, ay may kinuha si zion sa kanyang jacket. Inisa-isa niya ang mga litratong natanggap nung nakaraang mga araw. Oo, litrato ang mga pinapadala ng isang lalaki kamakailan lang.

" Look at that pictures! Paano mo ipapaliwanag sakin yan? Basahin mo na din dahil may nakasulat sa likod. " malamig ang pagkakasabi ni zion. Nagtatakang tinignan ni andrea ang mga litrato, at hindi makapaniwala sa mga nakita.

" Ang saya niyong naglalandian sa dagat. Grabe yung ngiti, oh! " nang-aasar na sabi ni zion.
" This was just a dare. We are playing truth or dare here. " andrea defending while crying.
" Tangina, truth or dare pa ba sa lagay na yan? " natatawang sabi ni zion.
" Grabe yang mga tinginan oh! Para kayong magkasintahan! " pang-aasar ni zion.

Marami ang pictures, mula sa nangyaring photoshoot sa batangas hanggang gabi nung naglaro sila ng truth or dare. 
Muli, ay umiling lang si andrea habang hindi makapaniwala sa nakita.

" Hindi ko na alam, andrea. Pakiramdam ko, sobrang nadurog ang puso ko sa kagagawan mo. Pasensya na ha, hindi ko kasi kayang ibigay ang kasiyahan na hinihingi mo katulad ng pinapakita ni joel. Simple lang kasi akong tao. Hindi ako mayaman. Hindi ako kasing taas ni joel. " ngumisi ito at napatingala sa langit.

*slap!* Malutong na sampal sa ilalim ng medyo pasikat na araw, dalawang magkasintahan na nag-aaway. Humahagulgol si andrea, habang si zion naman ay napayuko, ramdam ang sakit ng pagkakasampal. Bago umalis ang lalaki ay tumulo ang luha nito at naglakad papalayo habang ang babae ay nakatingin lang at hindi na makagalaw.

***

Kinabukasan... binuksan ni Manager Grey ang kwarto ni andrea, ngunit wala siyang nakita ni anino ng kaniyang kaibigan. Sinabi niya kaagad ito na wala si andrea sa kanyang kwarto. 
Tinignan ng direktor si Joel na nakatingin din kay Grey.

" Joel, may alam ka ba dito? " tanong ng direktor.
" Wala po. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta. " seryosong sagot ni joel.
" Ediba, kayo yung huling magkasama kahapon? " sabat ng isang staff.
" Oo, pero hinatid ko siya kaagad at pagkatapos nun, hindi ko na alam. " simpleng sagot ni joel.

Samantala, habang nasa biyahe si Andrea, maga ang mga mata nito, at halos hindi na maimulat ang mga mata. Babalik siya ngayon ng syudad dahil susubukan niyang abutan si vincent.

***

Gabi na ng makarating si Andrea sa syudad, at agad siyang dumiretso sa hotel na tinuluyan nilang dalawa nun. Lahat ay maayos na. Hindi na magulo. Inayos na siguro ng mga staffs ng hotel. Habang papasok ito, nagbabakasali siya na baka may pinuntahan lang ang kanyang boyfriend, baka pumunta lang ng mall. She saw a white paper envelope. Kaagad niyang kinuha iyon at binuksan ang nakasulat, pero bago yon, may nakasulat sa harap.

' A LETTER FOR YOU, ANDREA DE LOS REYES '
            GOOD MORNING, LOVE! PARANG KAILAN LANG, NAGSUSULAT AKO DAHIL GUSTO KITANG LIGAWAN AT GUSTO KONG IBIGAY SAYO ITO SA MASAYANG DAHILAN, NGUNIT NGAYON, HINDI KO ALAM KUNG MASAYA PA BA AKO SA LAGAY NA TO. ISNULAT KO TO BAGO AKO PUMUNTANG SIARGAO, NILINIS KO ANG LAHAT NG MGA KALAT DITO SA TULONG NG IBANG STAFFS DITO SA HOTEL. NILINIS KO DAHIL AYAW KONG PAGDATING MO, PUNO NG KALAT, AT  GULONG-GULO. NAIWAN AKONG MAG-ISA DITO, AT ALAM MONG HINDI KO KAYA YON. LOVE, SANA WALA AKONG MAKITA PAGPUNTA KO NG SIARGAO, SANA OKAY KA. SANA SA PAGPUNTA KO, MAKIKITA KO NA YOU'RE DOING WELL IN YOUR PHOTOSHOOT, KASI NATATAKOT AKO NA BAKA PAGPUNTA KO DUN, ANG MAKIKITA KO, KAYONG DALAWA NI JOEL. LOVE, HINDI KO NA KAYA NA NAKIKITA ANG SARILI KONG MAG-ISA, NA HINDI KA KASAMA, NA HINDI KA KAPILING. NAPAGDESISYUNAN KONG PUNTAHAN KA SA SIARGAO. TANDAAN MO NA KAHIT ANONG MANGYARI SA RELASYON NATING DALAWA, MAHAL NA MAHAL KITA. MAPAPAGOD LANG AKO PERO HINDI AKO SUSUKO. SIGURO MAGPAPAHINGA LANG. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. TAYONG DALAWA HANGGANG DULO.

Habang binabasa yon ni andrea, ay sobra ang iyak na naibubuhos niya. Hagulgol dito, hagulgol doon. Wala kang maririnig sa kwarto kundi ang iyak lang ni andrea.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon