" I MEET HER AGAIN "
Andrea's POV
Magandang hapon sa ating lahat. Nagising ako 5:00 pm. Paggising ko wala na si vincent sa tabi ko, yun pala nasa banyo, naliligo.
" Love, pupunta tayong mall. Bibili tayo ng susuotin mo bukas. " sabi ko sakanya sa harap ng pintuan.
" Yes, love. " sabi niya. Sabi na eh, papayag yan.
***
*SM City North Edsa*
Dumiretso kami kaagad sa mga stores na pwede naming puntahan dito. We're holding each other hands while walking. I'm wearing mask. Because you know, baka may magsilabasan na fans. Maiistorbo pa kami ni zion.
He fit different kinds of shirt, jeans, and shoes. Pinapakita niya sa akin, tapos ako magdedesisyon kung pwede na ba yon. May hinahanap ang isip at puso ko na magbabagay sakanya eh.
Nung may nahanap na ako na magbabagay sa kanya para bukas, he fit it. Sa paglabas niya ng fitting room, ay napangiti ako ng bahagya. Bagay na bagay sa aking pinakamamahal na boyfriend.
Pagkatapos ay pumunta kaming dalawa sa Maxi Mango. I ordered Mango Keso, Zion ordered Mango Ube. Kung sakaling tatanungin niyo, nag sha-share ba kami ng pera? or individual kami? Nagsha-share po kami ng pera ni vincent. After all, magjowa kami kaya dapat lang na magshare kaming dalawa sa mga gusto namin. Share rin kami sa pagkain, oh diba? Lahat share kami.
Paglipas ng gabi, napagdesisyunan namin na kumain sa Fancy Restaurants. What restau? Chubs Chasers. It is just a casual dining, ya know.
Habang kumakain, nagkukwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay. Tinanong niya kung anong susuotin ko bukas. Napaisip rin ako. Ano nga ba? Dapat yung susuotin ko bukas, magbabagay sa susuotin niya. Hmmm...
***
Bago ko iniwan si vincent sa hotel, nagsulat ako sa isang maliit na papel, sinulat ko dun kung anong oras mamaya, at binilin ko na suotin niya yung binili namin kahapon. Hinalikan ko siya sa labi pagka-alis ko.
Dahil ang sasakyan nasa probinsya, nag commute ako. Kahit modelo ako, at mayaman ako, marunong akong mag-commute. Nag struggle rin ako nung dito pa ako nag-aaral. Wala eh, minsan tinatamad kasi akong mag drive.
*De Los Reyes House*
Gabi gaganapin ang handaan. Bilang anak ng pamilyang De Los Reyes, alam ko na gustong-gusto nilang gabi ginaganap ang isang programa o okasyon. 7:30 pm gaganapin ang hinihintay ko.
" I'M HOMEEEEE " pasigaw kong sambit.
Masayang-masaya silang dalawa habang bumababa. Niyakap nila ako kaagad. They missed me so much.
" Kamusta kana, anak? " tanong agad ni mama habang pinapaupo ako sa sala.
" Okay naman po ako. Kayo dito? " balik tanong ko.
" Ito, medyo malungkot kami dahil wala dito ang dalawa naming anak. " medyo malungkot na sambit ni dad. Napangiti ako kay dad at niyakap siya.
" Awww, si daddy nalulungkot. Nandito na ulit ako, maging masaya na kayo ulit. " sambit ko habang natatawa ng mahina.
" Oo nga naman. Alam mo, yang daddy mo, simula nung umalis kayong dalawa ni gian, ibinuhos na sa trabaho ang lungkot. Ibinuhos ng ibinuhos. Nakakalimutan ng umuwi kapag tanghalian. Kaya minsan, dinadalhan ko siya doon at para makasigurado rin ako na hindi niya pinapabayaan ang sarili. Ito kasi eh! " pagkukwento ni mommy sabay turo kay dad at napairap. I laugh at them.
" Nagpapasalamat ako kasi di nagtatampo yang mommy niyo. Ang haba ng pasensya. Kaya mahal na mahal ko yan eh. " parang kinikilig pang sambit ni dad. AHAHAHAHA, they're so cute!
At ayan nanaman po ang mag-asawa, nagkulitan nanaman. Nandito naman ako nakatingin lang sakanila. Ang sasaya nila oh.
" Mommy, daddy, maaari po ba kayong maghanda mamayang gabi? Ipapakilala ko na po kasi yung boyfriend ko. Kung okay lang po sa inyo. " kinakabahang pagpapaalam ko.
Napatayo bigla si mommy at akala ko magagalit siya pero sumigaw siya sa mga yaya at inutusan na magluto dahil may kaganapan. Si daddy naman nanlaki ang mga mata.
" Ngayon na pala yon? Osige osige, maghahanap ako ng masusuot mamaya. " medyo natataranta niyang sambit.
" Ako din, kailangan gwapo at maganda tayo sa harap ng boyfriend ni andrea, hun. " sabi ng aking ina. Todo tango naman si daddy. Hala anong nangyayari sa mga ito?
Napag-usapan namin si kuya, nagpalipas pa siya ng tatlong araw bago niya napagpasyahang bumalik sa cali. Kahit papaano raw ay nakapag-relax siya at nakapag-isip-isip. Nagpaalam ako kina mom and dad na bumili ng cake sa red ribbon. Pumayag naman sila kaagad.
Bago yon, ay pupunta muna akong Building. Kakausapin si grey. Kakalap ng balita tungkol sa pinapagawa ko.
*Building*
Pansin ko na ang daming mga babaeng nandidito ngayon, at ang iba sakanila ay pamilyar. Yung ibang babaeng nadadaanan ko ay nakatingin sa akin. Maybe nakikilala nila ako.
Nakasalubong ko si grey sa hagdan, halatang hinihintay niya ako. Nagtext kasi ako sakanya. Pinag-usapan namin kung ano ang naging kaganapan nung mga araw na wala ako dito. Nagkaroon ng fashion show, at inaasahan daw ako, pero grey, ofcourse, may rason siya. Nagkaroon ng photoshoot sa batangas at gusto ng nakakataas na nandoon ako, pero dahil nga wala ako, may rason naman si grey. Ayon lang. Nagrereklamo nga yung bakla dahil kinailangan niyang mag-isip. Hindi pala natuloy yung file dahil hindi siya pinayagan.
Pagbaba ko ng hagdan, may nakasalubong akong babae na pamilyar na pamilyar sa akin. Wala akong paki-alam sakanya, pero ang laki ng paki-alam na binibigay niya sa akin. I don't even deserve that. Nginitian niya ako, syempre ngumiti rin ako.
" Long time no see, my dear. " nanghahamon niyang sabi.
" MY DEAR. Arabo ka na pala ngayon? " nang-iinsulto pero nakangiti ako sakanya. Napakunot ang noo niya.
" How are you? Matagal na kitang hindi nakikita dito. What are you up to, lately? Wala ka sa fashion show, wala ka rin sa photoshoot. Nothing, I'm just curious. Pero okay na din yon. Ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo. " naiinis niyang sambit. Ganyan talaga siya, nakikipag-kompetisyon sa akin, kahit wala akong paki-alam.
" Ayaw mo nun? Nasayo ang lahat ng atensyon. Ikaw ang hinahanap, ikaw ang tinatawagan. Solo mo lahat. Bakit ako pa rin ang iniisip mo? Sabagay, hindi ka pa din kampante sa tuwing nasa paligid lang ako. " nginisian ko siya. Magsasalita na sana siya kaso I stop her.
" May ginagawa lang ako, wag kang mag-alala, babalik ako. Sa oras na bumalik ako, wala nang maghahanap sayo, wala nang tatawag sayo, hindi ka na nila kakailanganin. Pero bibigyan pa din kita ng konting araw, para naman kahit papaano maramdaman mong importante ka kapag wala ako. Enjoy your fame. " nginitian ko siya, tapping her shoulder. Umalis na ako dahil wala akong panahon para makipag-away sakanya.
She has been competing with me for 9 years already. Nagsisimula pa lang ako, nandyan na yang babaeng yan. Palibhasa, hindi niya matanggap na mas lamang ako, na mas gusto ako ng mga tao kaysa sakanya, na mas paborito ako kaysa sakanya. Wala kasing magawa sa buhay. Puro paganda lang. She is my dearest enemy since then. She's a stealer, she always manipulate things, she's hypocrite, she's a whore, at lahat na ng mga ugaling katulad ng mga binanggit ko.
Halos lahat ng ginagawa niya, kailangan magkompetisyon kami. Parang wala sa ginagawa niya na hindi nakikipag-kompetisyon sa akin. Hindi ko ba alam dun, wala naman akong paki-alam sakanya. Pero wag niyang inuubos ang pasensya ko, dahil baka pag napuno ako, ewan ko kung anong magagawa ko.
***
BINABASA MO ANG
My First Love
RomantizmThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...