" THE KISSED JUST HAPPENED "
Andrea's POV
Pagkatapos naming mag launch, nagbihis muna ako ng one piece na susuotan ko ng shorts with my summer cardigan. Pagkatapos ay nagpaalam kami sa anim na may pupuntahan lang kami. Pupunta kami sa isa pang infinity pool nila dito, like ang dami nilang infinity pool.
Tahimik lang kami habang naglalakad sa dalampasigan, nasa may dagat kami dahil ang sarap lang ng hampas ng alon sa aming mga paa.
" Kung papipiliin ako, dito na ako titira, yon ay kung kasama ka. " pagbasag niya sa katahimikan. I look at him.
" Ako kahit hindi na papiliin, basta kasama ka, walang magiging problema. " sambit ko sakanya. Ngumiti naman siya't hindi nakapagsalita sa sinabi ko. Kinilig yata.
Dumating kami sa infinity pool nila, hindi yun parehas sa napuntahan namin nung isang araw, kakaiba ito, nag-iisa lang. Pagdating namin, kaagad kong hinubad ang aking short at cardigan, ganon din si vincent. Sabay rin kaming pumuntang pool. Lumangoy muna siya pero ako nasa dulo mismo na makikita ang kabuuan. There was a grass infront of me, at ang ganda ng pagkakagawa.
" Ma'am, red wine? " tanong ng staff.
" Yes please. " sagot ko. Kaagad naman siyang kumuha ng wine glass at nilagyan iyon ng wine. Umalis siya pagkatapos. Nasa mesa lang at kukunin namin iyon mamaya.
Sandali akong lumangoy, nilangoy yung rectangle na swimming pool, pati pagmamahal ko lumangoy din. Charot.
" Love, you want red wine? " tanong ko sakanya habang kinukuha ang red wine.
" Ofcourse, love. " sagot naman niya.
Nang makabalik ako sa swimming pool, binigay ko sakanya ang isa, nasa dulo kami ngayon na makikita yung kabuuan ng beach, magkatinginan kami ngayon.
" Cheers to more adventures, matchy outfits, and cheers for us, for being here in Club Funta Fuego, mah lovee. " pagkasabing-pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang chin ko. I smiled cutely. Nag cheers kaming dalawa, at ininom ang red wine na binigay ng staff kanina. Ibang klase ang lasa nito ah.
" Sana hindi na matapos ang mga araw na nandidito tayo. " masayang sambit ko habang nakatingin sa beach.
" Okay lang naman kahit matapos, marami pa namang dadating. Malay natin, hindi lang ito ang mapupuntahan nating dalawa. " sambit niya sa akin. Tumango naman ako.
Gustong-gusto ko na hindi matapos ang mga araw na nandidito kami, I could stay here forever, basta ba kasama si vincent. Kung kinakailangan na malayo kami syudad, gagawin ko. Masaya dito eh. Payapa, sariwa ang hangin, relaxing, too many interesting things to do.
Hinawakan niya ang bewang ko at pinaharap ako sakanya. Hinawakan ang aking buhok. Inisip ko na baka tinamaan siya ng wine. Siguro narinig ang sinasabi ng isip ko kaya...
" Hindi ito tama ng wine o ano. Hindi rin ito epekto ng swimming pool. Gusto ko lang malaman mo, na mahal na mahal kita, at handa akong gawin ang lahat, para sayo. " siguradong sambit niya at hinawakan ang mga pisngi ko. Hinawakan ko rin ang pisngi niya at ngumiti ng bahagya sakanya.
" Ako rin, mahal na mahal na mahal din kita, to the moon and back, to infinity and beyond. Pinaghirapan nating dalawa ang pagmamahalan na to, sobra mahal na mahal kita, vincent. " masaya kong sambit at hinalikan ang pisngi niya.
" Hindi ko alam kung alam mo ba to, pero I'm so obsessed with your face, I'm obsessed on how beautiful you are inside and out. Sana alam mo yon. " nagbabakasakali niyang sambit. Ngumiti naman ako ng nahihiya. Kahit hindi niya sinabi, alam ko. Ofcourse, sino bang hindi mababaliw sa kagandahang to? Marami ngang insecure dito eh. Hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganon na nga.
Sa sandaling naglapit ang aming mga mukha, nilubos-lubos ko na ang pagtitig sakanyang napaka-gwapong mukha. Diyos ko, ibigay niyo sa akin ang lalaking to. He kissed my forehead with all of his heart, he then kiss my nose, and the moment he looked in my lips, alam ko na agad ang ibig sabihin nun.
Lumapat ang aming mga labi sa isa't-isa, sa mga sandaling yon, inisip ko lang kung gaano kami nagmamahalan sa isa't-isa, kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Alam niyo ba na ang mga halik na iyon, ay puno ng pagmamahal? Ngayon alam niyo na. Ang tanging nasa isip ko lang nun, mahal na mahal ko ang lalaking ito, at ayoko nang pakawalan to. Kahit anong mangyari, akin na to. Wala sinumang ang aagaw dito.
Sandali kaming tumigil, at siya ulit ang nagsimula ng halik. Pagkatapos ay nagyakapan kaming dalawa, habang malawak ang ngiti sa aming mga labi.
Umahon na kami sa swimming pool, at naglalakad-lakad kami ngayon sa dalampasigan. Habang naglalakad ay nakita namin sa kalayuan si Ryan at Trixy. Para nag-uusap ng seryoso. I guess they're talking about their relationship with each other.
" Dito lang muna tayo. Hindi nila tayo makikita. " sambit ni vincent. Malayong-malayo kami. Tama siya hindi nila kami makikita.
Sa pagpapatuloy, nakita ko na tinulak ni trixy si ryan, tapos parang may sinasabi si trixy. Maya-maya ay napayuko si trixy, parang nasasaktan siya. Nakatalikod ngayon si ryan mula kay trixy. Niyakap ito ni trixy mula likod. Palagay ko, may pinag-awayan sila.
Kusa namang humarap si ryan sakanya at hinawakan ang pisngi nito, maya-maya lamang ay si ryan mismo ang unang nag-approach ng halik. Base sa nakikita ng mga mata ko, malalim iyon, at puno ng pagmamahal, pero.... pagkatapos ng halik ay umalis ng tuluyan si ryan at iniwan si trixy doon na parang umiiyak, ang layo kasi eh. Nanlumo sa kinatatayuan ang aking kaibigan at napaluhod sa buhangin.
I realized something about their relationship. Kung titignan, ang perfect tignan ng relasyon nila, pero kung aalamin mo, papasukin mo mismo, ang sakit sakit. There is so much pain in their relationship. Ako yung mas nalulungkot sa pinagdadaanan ng kaibigan ko.
Kaagad akong tumakbo para puntahan siya, kaagad ko siyang niyakap habang siya'y labis na umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit para maramdaman niyang nandito lang ako, nandito ako bilang kaibigan para damayan siya sa kahit anong mararamdaman niya.
Si vincent naman ay todo hagod lang sa likod ni trixy. Hindi matigil ang kanyang pag-iyak. Hindi ko itatanong kung anong nangyari, alam kong mahihirapan siyang magsalita o magkwento sa nangyari kanina.
" Bwisit talaga yang kaibigan mo, vincent. Ewan ko ba sa sarili ko, siguro kasalanan ko rin. Kasalanan ko kung bakit minahal ko siya. Bakit ba nila sinisira ang kasiyahan ko? Bakit nila ako tinatanggalan ng karapatang sumaya? Bakit? *sobs* " humahagulgol na sambit niya. I can feel the pain in her heart. Nagkatinginan lamang kami ni zion at mapait na napangiti sa isa't-isa.
Hinatid namin siya sa kwarto ni camille, gulat na gulat naman siya syempre. Hapon pa lang naman kaya pinatulog muna namin siya para kahit papaano maibsan yung sakit na nararamdaman niya.
***
A/N: Ano kayang nangyari sa Triyan? Hmmm...
Thankyou for reading, babies!
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...