" HERE SHE COMES "
Third Person's POV
" Sige lang. Makakaganti rin ako sayo. Matagal ko nang gustong gawin ang pinaplano ko, sa wakas ay magagawa ko na. " nakangisi ito habang nanlilisik ang mga mata.
" Paano mo naman magagawa? " tanong ng tatanga tanga niyang kaibigan. Tinignan niya ito ng masama.
" Kahit kailan talaga ang tanga mo. Just sit back, relax, and watch me. " mayabang nitong sambit. Ngayon ay nasa labas ang dalawang magkaibigan habang may tinitignan sa loob ng coffee shop.
***
Days had passed, andrea was gone busy. Ang dami na niyang ginagawa, endorse dito, endorse doon. Palagi siyang pagod pag-uwi ng bahay o sa hotel. May shinoot pa siyang dalawang magazines. Next week, pupunta ang staffs kasama si andrea sa Batangas at Siargao para sa gaganaping photoshoots.
Sa mga nakalipas na araw, minsan na lang kung mag-usap si andrea at zion, minsan na lang kung magkulitan, minsan na lang kung mag-asaran. Kadalasan kasi, pagod si andrea, at wala itong oras para makipagkulitan sa kasintahan.
Mapapansing medyo naging mataba si zion, dahilan ng palaging pagkain niya ng chichirya at pag-inom ng softdrinks. Sad to say, but it can damage your body.
Kada uwi ni andrea, ay makakasalubong niya sa pintuan si zion na nag-aabang sa kanyang pagdating. Nakangiti ito ng bahagya, na parang ang saya saya nitong makita ang kanyang pinakamamahal na babae sa buhay niya. Sasalubungin kaagad ito ng yakap, and with that, nawawala ang pagod ni andrea kahit papaano.
Minsan naman, kapag walang magawa si zion, puro ito kain ng chichirya at puro ito inom ng inom ng softdrinks.
" Love, sorry. Sorry dahil hindi ko na mabalanse ang oras ko. Sorry, love. " paghihingi ng tawad ni andrea.
" Ssshhh.. it's okay. I understand. It's alright. " aniya zion habang sinusuklay nito ang buhok ni andrea.
" Promise, love, babawi ako. Babawi talaga ako. " nakangiting sabi ni andrea at hinawakan ang pisngi ni zion. Sandali silang nagtitigan.
" Magkasama tayo palagi, pero palagi rin kitang namimiss. Sobrang miss na miss kita. " nakangiti ito ng bahagya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Pagkatapos ay niyakap nito si zion.
" I miss you so much, lovee. Kada uwi ko, sinasalubong mo ako ng yakap. Ngayon, pauulanan kita ng yakap ko. " mahigpit ang pagkakayakap niya kay zion. Ngumiti ng bahagya si zion at nakiyakap din kay andrea.
Buong gabi silang magkayakap, na para bang ngayon lang ulit sila nagkita. Syempre, inabot iyon ng kinabukasan.
***
Martes ngayon. 2 weeks na silang nandidito sa Maynila. Katulad ng nakasanayan ay maagang umalis si andrea, pumuntang building dahil may importante daw na sasabihin ang kaniyang management.
Nagluluto ngayon ng almusal si vincent, nang biglang may kumatok. Dali-dali siyang pumunta ng pintuan dahil ang buong akala niya'y bumalik si andrea dahil baka may naiwan ito ngunit... iba ang kanyang nakita.
" Bab!!! " bati ng isang babae. Gulat na gulat naman si zion, ni hindi niya namalayan na niyakap siya sandali ng babae.
" Bakit nandito ka? Paano mo nalaman ang hotel number namin? " mga tanong ni zion.
" Ofcourse, I have my sources. So kamusta ka naman? Okay ka lang ba dito? " ma-awtoridad na sabi at mga tanong nito habang nakatingin sa buong kwarto.
" Okay lang dito, bab. " simple nitong sagot.
" Talaga? Hindi ko gusto ang ayos ng kwartong ito. Kaya mo bang mabuhay sa ganitong atmosphere? Sobrang kalat. Paano mo nasisikmurang, natitiis ang ganitong kwarto? " naka-kunot ang mga noo nito habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
