Chapter 16💛

18 0 0
                                    

" Camille's Small Problem "

Andrea's POV

Katulad ng sinabi ni Zion kanina, ihahatid niya ako, so inihatid niya ako. Nandito na ako ngayon sa bahay. Nasa salas ako. Yung tatlo? Hindi ko muna pinaki-alamanan dahil mukhang may problema si camille, yata. Ewan. Bakit di ako nakisali sakanila don? Tinatamad ako eh. Sasabihin din naman nila sakin. Malalaman ko din.

While I'm scrollin up and scrolling down on my facebook, nakita ko ang post ni Zion about a minute ago.
" Masaya ako kasi kasama kita kanina. Buo na araw ko. " Napakunot yung noo ko. Wag tayong assumera pero ako kasi yung kasama niya kanina eh. Pinag-isipan ko talaga kung ako ba talaga yun o hindi.

Hanggang sa bumaba na sina Irish, Trixy and Camille. Mukha silang binagsakan ng langit ng lupa. Para silang iniwan ng kanilang mga magulang. Umupo silang lahat sa tabi ko. May prayer meeting ba? Ipagdadasal ba namin yung mga mukha nila? Ay, bad. Haha.

"Oh? Bakit ganyan mga mukha niyo? Para kayong binagsakan ng langit at lupa. Anong nangyayari? " nakakunot noong tanong ko.

" Eh drey, si camille kasi... may nalamang hindi maganda kaya nagkakaganyan. " irish trying to explain.

" So dapat kayo pa magsasabi? Wala ba siyang bibig para magsalita? " hindi ako galit nyan ha. Tinignan ko si camille. Nakatingin siya sa kawalan. Wala akong panahon para manghula atsaka, hindi ako manghuhula.

Tinignan ng dalawa si camille. Parang pinipilit na siya yung magsabi. Natauhan naman yata kaya tinignan ako. Pagkatapos nun ay huminga siya ng malalim.

" Si Aeron kasi.. nakita kong may kasamang ibang babae. Tumatawa yung babae, hindi ko nakita yung mukha kasi nakatalikod siya mula sa akin pero pakiramdam ko, masaya din siya. " paliwanag niya, at medyo nangiyak-ngiyak. Parang yun lang? Grabe namang impact yun.

" Kanina nung nagkita kami, tinanong ko siya pero walang matinong sagot akong nakuha mula sakaniya. Nakakalungkot noh? " at sa mga oras na yun tumulo ang kanyang mga luha.

I don't know what to react. Dahil kung ako ang tatanungin, maliit na bagay lang naman yun pero bakit pinapalaki? Hays.

" Try to talk to him tomorrow. Baka sabihin niya na. Malay natin naghahanap lang ng tamang oras, panahon para sabihin sayo ang totoo. " nginitian ko siya. Napatango-tango naman siya. Ang arte ha. Parang yon lang.

Lumipas ang gabi, at katulad ng ginagawa namin palagi, nagkukwentuhan, nag-aasaran, at iba pa na pwede naming gawing magkakaibigan.

Camille's POV

I am waiting for aeron to sundo me here in my classroom, dahil sabi niya kanina sabay kami. Sa tagal nang paghihintay ko, tinext ko siya na nasa bench lang ako at doon siya hintayin. 

Para sa kaalaman niyo, magkaibigan lang po kami ni aeron. Wala kaming relasyon. Pero sa pagkakaibigan namin, expect na mayroong talagang mahuhulog. Sino yung nahulog? Ako syempre. Marupok ako eh.

Habang papunta akong bench, naaninag ko ang isang lalaking may kausap na babae at masasabi kong masaya siya habang kausap si aeron. Tumatawa pa nga eh. I know that look. Babae ako kaya alam ko kung anong klaseng mga tingin yan. -_- Tinignan ko lang sila na nag-uusap hanggang sa.. hinawakan ng babae yung chin ni aeron. Sana pala sinabi niya sakin na maaabutan ko itong eksena na ito, para naman handa ako diba. Okay. Mukhang masaya naman silang dalawa eh. Di na siguro ako kailangan? Aalis na ako.

I texted aeron na mauuna na lang ako. May kailangan pa daw kasi akong asikasuhin. Tamang pagsisinungaling lang ang kailangan. 

Dumiretso ako sa kwarto at nagmukmok. Humiga lang ako at tulala sa nasaksihan ko kani-kanina lang. Para akong nanghihina. Bakit ganon?

Kinabukasan... nag text siya na hihintayin niya ako sa labas ng gate. Tumupad siya sa usapan. Baka kasi hindi nanaman eh. 

" Kamusta araw natin? Okay lang? " tanong niya kaagad. Tumango lang ako. Sana magawa mong ipaliwanag ang nangyari kahapon. Naglakad na kaming dalawa.

"Sino yung babaeng kasama mo kahapon? Mukhang masaya kayong nag-uusap." Diretsong tanong ko ng walang pag-aalinlangan. Tumaas ng kaunti yung kilay niya at parang di man lang nabigla sa naitanong ko. Oo nga pala, sa istoryang ito, ako lang ang nahuhuloh sakanya.

" Yan din sana yung sasabihin ko sayo. Nakita mo pala kami. It's a surprise muna. Sasabihin ko sa ibang araw. " sagot niya lamang. Again, I nodded my head. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.

" Sige, papasok na ako. " paalam ko. Napatango siya at napangiti. Hindi ko maitatanggi na ang gwapo niya kapag nakangiti.

" Nga pala, may kaunting programa bukas ng gabi sa bahay. Iniimbitahan kita. Tsaka yung tanong mo kanina, sasagutin bukas ni daddy at may sasabihin din siyang importante about sa pamilya namin. Sana makapunta ka. Hihintayin kita. " nakangiti niyang sabi at saka umalis.

Oh, so masasagot na din pala agad-agad ang tanong ko bukas. Theres a little program in their house tomorrow night. So, I need to prepare. Okay.

Nung gabi sinabi ko sakanila ang problema ko at parang nakisabay yung dalawa sa dinaramdam ko. Except andrea. 

Hindi nila alam na nahuhulog na ako sa taong ang turing lang sa akin ay kaibigan. Tayo kasing mga babae, ang bilis mahulog sa mga motibo na pinapakita ng lalaki. Konting ganito ganiyan lang ng mga lalaki, mahuhulog agad. Oh well, sinasabihan ko ang sarili ko. :)

***

Author's Note:

Hello². Malalaman niyo ang sagot. Pero I think alam niyo na din naman. hihi. Sa totoo lang, excited nga akong malaman kung anong sasabihin ni aeron eh. Especially sa magiging reaction ni camille. Well..... 

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon