Chapter 35💛

6 0 0
                                    

" GIAN KRISS DE LOS REYES "

Andrea's POV

*Sunday comes*

Kasalukuyan akong nasa airport ngayon at nandito ang mga kaibigan ko, hinatid nila ako at syempre mawawala ba si zion? Kanina pa nga niya ako tinititigan eh. 

While waiting, nag-usap muna kaming dalawa. Kahit ilang araw lang ako doon, mamimiss ko pa din ang lalaking to.

" Mag-iingat ka dito, ha? Wala ako dito para bantayan ka. " naninigurado kong sabi. Napangiti naman siya.

" Oo naman. Ikaw ang mag-iingat. Wala ako sa tabi mo. Baka... " alam ko na ang kasunod niyang sasabihin. I laugh.

" Baka ano? Alam mo, kahit pabantayan mo pa ako doon, hindi ako magkakaron ng interes sa mga lalaki doon. Psh. " pagkatapos ay umirap ako.

" Naninigurado lang naman. " sambit niya. Umiling lang ako.

" Camille, mag-iingat ka dito ha. Alagaan mo sarili mo. " bilin ng kanyang ina. 

" Opo, mommy. " nakangiting sambit ni cams. Niyakap ulit ni camille si tita.

" Daaaaddd.. gonna miss you! " parang bata na sabi ni camille. Ngumisi lang si tito.

" You did a great job, my daughter! I can now say that you suit to be the heir of our company. I am so proud of you. See you again, soon. Take care of yourself. " proud na proud na sabi ng kanyang ama. Medyo nangiyak-ngiyak pa si camille bago kami nagpaalam lahat sakanila.

Yes, the parents of camille just arrived yesterday. They surprised the Castañeda family, which is the family of aeron. I can't say that tito saved camille, kasi basi sa kinwento ni cams, huli na ng dumating sina tito, napapayag na ni camille ang pamilya ni aeron na makipag partners sakanila at sakanya dapat ikasal si aeron. Akalain mo nga naman, iba ang dating ng kaibigan ko.

Nagulat nga din kami na sa pag-uwi ni camille, nasa tabi na niya ang mga magulang at grabe ang yakap sa kanyang ina at ama. Syempre ngiting-ngiti kami nung dumating sila.

Sa huling sandali, ay nagyakapan kaming dalawa. I don't miss the chance na mahalikan siya sa pisngi at masabing mahal ko siya. Goodbye for now, Silay.

***

" IM HOMEEE! " masayang sigaw ko. 

Nakarating ako sa bahay ng buong buo, at walang sugat na natamo. Akala mo naman nagkaroon ng aksidente eh noh. 1 hour and 10 minutes ang byahe papuntang Maynila if you came from Bacolod.

Dala-dala ng aking personal maid dito sa bahay ang maleta ko papuntang kwarto ko na sobrang miss na miss ko na.

Exactly 7:00pm ako nakarating kaya tamang-tama dahil nakahanda na ang pagkain. Pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko.

I hugged dad and mom so deeply. I missed them so much. Ilang buwan na ba simula nung hindi kami nagkita?

" How's your flight? " tanong ng mommy habang naglalagay ng pagkain sa mesa. Nakahanda na lahat, yung mga niluto na lang ang hindi pa. Nandito naman ako sa tapat ng upuan, nakatayo.

" Good. Kaso yon lang, nakakapagod! " sagot ko. She just laugh.

Si daddy naman nakaupo lang sakanyang pwesto habang nakikinig ako.

" Ang ganda pala sa Silay, dad noh? Relax lang kami doon, wala kaming problema, at puro kami gala. " pagsisimula ko. Tumawa naman si dad.

" Tapos yung eskwelahan namin, ka level talaga namin. Maraming matatalino, with class, at disiplinado, dad. I already consider it as my second home. " masaya kong sambit. Pangiti-ngiti lang si dad habang nakikinig.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon