" PREGNANCY TEST? "
Vincent Zion's POV
It's been awhile, ladies and gentlemen! Kamusta kayo? Okay lang ba kayo? Kasi ako hindi ako masyadong okay. Alam niyo naman, may dinadala akong sakit. Talagang ene-enjoy ko lang yung mga araw na buhay pa ako. Ngayon, masakit nanaman ang gilid ko.
Ngayon na nga pala ang uwi namin ni Andrea. Susunduin kami sa loob ni kuyang driver. Nahirapan pa ako kanina na suyuin itong girlfriend ko. Uminit nanaman kasi ang ulo. Tuwing umaga, umiinit ang ulo, nasusuka, maya-maya magiging maganda ang mood. Tayong mga lalaki, minsan hindi natin naiintindihan ang mga babae. Syempre hanggang ngayon, mainit pa din ang ulo ng girlfriend ko.
" Wag kang lumapit sakin. Ayaw kong nakikita ang mukha mo. " sabi niyang naiinis. Natawa ako ng mahina.
" Pero kung makahalik kagabi, parang wala nang bukas. " gustong-gusto kong tinutukso siya.
" Sige, idiin mo pa. Akala mo makakatikim ka pa ng halik? Hindi na, huy! " sabi niya at bumelat pa. Isip bata.
" Sige, tignan natin. " pagmamatigas ko. Ako yung tipo ng lalaki na matigas sa ibang bagay, pero nagiging malambot kapag si andrea ang pinag-uusapan. Ito nanaman ako at sinusuyo siya. Ayaw kong nagtatampuhan at nag-aaway kami. Sinubukan kong yakapin siya pero lalapit pa lang ako, lalayo na kaagad siya." Bwisit ka talaga sa buhay ko, alam mo yun? Mainit na nga ulo ko, dinadagdagan mo pa. Lumayo ka nga muna. Baka masapak pa kita ng wala sa oras. " nanlilisik ang kanyang mata. Muli ay natawa ako. Sige, pagbigyan natin, buntis eh este mainit ulo eh.
" Bwisit daw, pero nakasama ako ng maraming buwan. Bwisit ba yun? " sabi ko pa, hahahahaha. Tinignan niya ako ng masama. Ang cute.
Dumating yung sundo namin, sinusubukan kong alalayan siyang makapasok, pero alam niyo kung anong sinabi?
" Kaya ko ang sarili ko. Wag mo kong tulungan. " ibang klase rin ang babaeng to.
***
Pagkarating ng bahay, grabe yung sakit ng gilid ko, hanggang sa hindi ko na nakayanan, napaupo na ako't mas lalong dinamdam ang sakit.
" Maaaaaaa! " tawag ko sa aking ina. Wala pang isang minuto ay nandito na kaagad siya. Agad niya akong inalalayan at pinapunta sa kwarto't pinahiga. Hawak niya ang kanyang cellphone kaya dali-dali itong tinawagan ang aking doctor.
" Hello, doc. Good Morning! Emergency, doc. Pumunta po kayo dito, ngayon din! " nag-aalalang sabi ng mama. May nurse na umaalalay sa akin, at nag-aalaga pero masasabi kong hindi sapat iyon. Doctor ang kailangan ko. Grabe yung sakit ng aking gilid.
Doon ko napagtanto na ang lahat ng kasiyahan, ay may kapalit na kalungkutan.
***
Andrea's POV
" Hello, hello! Nasa hospital na ba si vincent? " tanong ko habang nag-aalala.
" Oo, drey. Nandito na siya sa hospital. Pupunta ka ba dito? " adrian asked.
" Nandiyan na ako. " I say. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.Pagkarating ay mabilis akong tumakbo, wala akong paki-alam kung magtaka man ang mga tao, ang importante makita ko ngayon si vincent.
" Tita, how's vincent? " hinihingal kong tanong.
" He's fine now. Nakahiga siya't hinihintay ka. " sagot ni tita, nasa tabi niya si tito.Habang papasok ay nakangiti ako. Nakita ko kasi sila ni adrian na nagtatawanan. Nung nakita nila ako ay napatigil sila.
" Oh? Bakit kayo napatigil? Ako ba ang pinagtatawanan niyo? " kalmado yung tanong ko.
" Eh kasi itong si vincent, ikinuwento yung mga nangyari sa inyo sa campuestohan. " sagot ni adrian. Nanlaki ang aking mga mata at medyo nag-init ang aking pisngi. Hala, baka sinabi ni vincent yung....
" Hindi lahat sinabi ko. Puro katatawanan lang yung nasabi ko. " pahabol ni vincent. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Nakita kong napangisi si vincent.
" Oh, alis muna ako. Sa labas lang. " paalam ni adrian. Paglabas ni adrian ay nagngitian kami ni vincent.
" I'm sorry, mainit ulo ko kanina. Sorry dahil nagkasagutan pa tayo. I'm sorry, love. " paghihingi ko ng tawad.
" No, don't be sorry, my love. Okay lang yon. Naiintindihan ko. " sambit niya sabay haplos sa pisngi ko. I nodded.
" Anong sabi ng doctor? " tanong ko.
" Ayon, mag-iistay daw ako dito ng two days. May iba pa siyang sinabi, mas mabuting si mama na lang yung tanungin mo.Hindi ko kasi kayang ibigkas. " malungkot niyang paliwanag. Sa expression pa lang ng mukha niya, parang ayaw ko nang tanungin si tita.
Masaya ako na ang pinag-uusapan namin ay puro masaya lang. Puro kami tawa, at puro kami ngiti. Hindi ko alam kung hanggang saan ito, pero isa lang ang alam ko, sa loob ng maraming buwan naming pagsasama ni vincent, naging masaya ako, naging palangiti ako, at naging mapagmahal ako. Ang laki ng dinulot niya sa akin. Ang laki ng naging parte niya sa buhay ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw, mawawalan na ako ng ganang mabuhay kapag nalaman kong nawala na siya. Sana hindi mangyari iyon.
" Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan yung mga pinagdaanan nating dalawa. Yung mga pagsubok na nalampasan natin. Yung mga masasayang alaala na nabuo natin. Yung mga ngiti, tawa, at kilig na parehas nating naramdaman. Lahat ng yon, wag na wag mong kakalimutan. " nakangiting sambit niya at hinalikan ang aking pisngi.
" Darating sa buhay natin yung kamatayan. Wala na akong paki-alam kung ano man ang mga susunod na mangyayari, ang importante, kasama kita, kapiling kita, at katabi kita. I am beyond thankful because you came into my life. I am so grateful because God gave me you. I love you, andrea, my love. Tayong dalawa hanggang dulo. " habang sinasabi niya iyon ay umiiyak na ako. Pakiramdam ko kasi nagpapaalam siya. Wag naman ganito. Nasasaktan ako.
" I LOVE YOU TOO, VINCENT, MY LOVE. TAYONG DALAWA HANGGANG DULO. " may diin kong sambit.
Hinintay kong makatulog siya bago ako lumabas. Nagpaalam ako kay tita na babalik ako bukas ng maaga. Medyo hating-gabi na rin.
Pupunta ako ngayon ng TGP o tinatawag nating The Generics Pharmacy. Pakiramdam ko kasi may dinadala akong tao dito sa tiyan ko. Sa mga nakalipas na araw, grabe yung nararamdaman ko, pinagdaanan ko. Wala naman mali kung susubok tayong bumili ng pregnancy test diba? Walang mawawala kung susubukan natin. Though, pangalawang beses na nga nawala yung virginity ko. Tama ang dinig niyo, pangalawang beses na. Bibili ako ng Pregnancy Test ngayon.
***
Nga pala, sinabi ko rin sa aking mga kaibigan ang lahat ng nangyari sa campuestohan. As in lahat. Girls talk yun, syempre.
Nagulat sila at hindi makapaniwala. Sa wakas daw ay naibigay ko na ang virginity ko. Proud na proud, teh? Naikuwento ko rin sakanila yung pag-iinit ng ulo ko, pagsusuka, at pagcra-crave.
" Alam mo, I suggest, pumunta kang generics. Nang malaman mo na. " irish says. Bright idea. Kaya napag-isipan ko nga na pumuntang generics at bumili ng pregnancy test.
***
Excited ako para bukas. Excited akong sabihin kay vincent ang halo-halong saya na nararamdaman ko. Bukas niyo malalaman, guys! OMG.
***
A/N:
What is it, kaya? Positive ba o Negative? Maraming kaganapan sa next chapter! Hold on, guys! Kaya natin to!
Thankyou for reaaadiingg!
![](https://img.wattpad.com/cover/138868252-288-k92447.jpg)
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...