" GETAWAY WITH THE SQUAD "
Third Person's POV
" Alam niyo, hindi yan eh! Maghati-hati nalang tayo. Tutal walo tayo, ang mag jowa, maghahati. Budget budget. " suhestiyon ni vincent.
" Eh paano yung hindi mag jowa? " tanong ni ryan. Napayuko naman si trixy.
" Maghati pa rin. Don pa rin naman ang punta niyo. " sabi ni adrian.
" Aba, dun ang punta! Bakit hindi natin puntahan? " pamimilosopo ni irish.
" One point ka dun, rish! " sambit ni andrea habang nakipag-apir kay irish. Napayuko naman si adrian at hindi na nagsalita.
" Tama si pinsan, maghati pa rin kahit hindi mag jowa, at kahit magkaibigan lang. " vincent agreed. Lahat ay nagsitanguan, habang umiinom ng frappe at kape. Naglandian at nagkwentuhan ulit yung walo.
Maya-maya pa ay may naisip na itanong ni adrian tungkol sa kanilang lakad sa paparating na oktubre.
" Tuloy na ba yung lakad nating walo? " tanong ni adrian.
" Teka, teka. Pano naman yung mga magulang niyong dalawa sa Maynila? Isa kayo sa mga sikat na pamilya. " dagdad ni vincent. Ang tinutukoy niya ay si Irish at Trixy.
" Mahahanapan natin ng paraan yan. " sambit ni camille.
Nandito sila ngayon sa isang coffee shop sa Bacolod. Pinag-uusapan nila ang lakad nila this coming semestral break.
" Pwera nalang kung gusto niyong ipakilala kayo sa mga magulang niyan. " pabirong sambit ni aeron.
" Wag muna ngayon. Hindi kami nakapag-handa. " diretsong sagot ni ryan. Trixy just laughed. Alam naman ni trixy kung ano desisyon ni ryan tungkol sa relasyon nila, sa ngayon ay magkaibigan sila, and they take things slowly. Which is good para kay trixy.
" O pano ba yan, tuloy na yon ha. Tuloy na tuloy na. " masayang sabi ni adrian sa mga kaibigan.
" Tuloy na tuloy tayo. Magkita na lang tayong lahat sa airport. " sambit ni trixy. Ang lahat naman ay tumango at walang reklamong natanggap sa pagkakasabi ni trixy.
***
*October and Semestral Break comes*
" Trixy, asan na yung maleta mo? Ipapasok ko na sa kotse. " sigaw ni andrea. Agad namang bumaba si trixy habang dala-dala ang maleta. Naka-square pants ito, habang naka-tuck-in ang Zara niya damit pang-ibabaw.
Excited ang apat na magkakaibigan sa pag-alis nila papuntang Maynila, this is their first time na makakapuntang beach kasama ang mga taong mahal nila. Kaya hindi natin maipagkakaila na excited nga sila.
" Ano kayang mangyayari pagkarating natin dun? " nag-iisip na tanong ni rish.
" Siguro pagkarating natin sa beach, maliligo agad tayo. Hihiga sa kama, magrerelax. " sagot ni camille. Dalawa ang dinala nilang sasakyan papuntang airport. May driver naman sila kaya walang problema. Magkasama si Irish at Camille sa sasakyan, at sa isa naman, ay si Trixy at Andrea.
*Airport*
Pagkarating nilang airport, nandoon na ang apat na lalaking naghihintay sakanila. Isa-isa nilang nilapitan ang apat na magkakaibigan at kinamusta ang tulog. Bago pumasok ang apat na magkakaibigan sa loob, binilinan nila ang kanilang driver na bantayan ang bahay, at huwag aalis hanggat hindi dumarating ang kanilang amo. Malaki ang pinapasweldo nila sa kanilang kasambahay at drivers. After all, mayaman silang apat.
Papasok na sila sa at lahat sila ay magkahawak ang kamay. Ganyan naman talaga kapag magjowa. Magkahawak ang kamay, at sabay niyong lilibutin ang buong mundo ng kayong dalawa lang.
They are going to the beach. Pagkarating nilang Maynila, may susundo na agad na private car sakanila. Saang Beach? You'll see.
***
Andrea's POV
Bago namin pinagplanuhan ang getaway na ito, tinawagan muna ni cams ang kanyang mga magulang. Sa oras na dumating kami sa Maynila, may private car na agad na susundo sa amin papuntang beach. Paki-usap yon ni camille sa daddy niya. Dahil hindi mahirap kausapin si tito, pumayag siya kaagad. Saang beach? Club Funta Fuego: Nasugbu Batangas Beach Resort. It is just a quick getaway from the city. Sana sa Amanpulo, Palawan kami. Kaso mayroon talaga sa pag-uusap na magdidis-agree, next time na lang daw.
We arrived in Manila, kaagad kaming sumakay sa private car, at sa pagkakarinig ko, kanina pa raw siya naghihintay. Magkatabi kami ni zion. Dahil antok na antok ako, natulog ako sa balikat niya.
The nearest airport is Manila International Airport, 110 km away from the property of 2-hours and 45-minute drive.
***
Ginising ako ni zion sa simpleng niya sa noo at ilong ko. Lintik na yan! Takang-taka ako kung sino yung humahalik sa akin? Paggising ko, si zion! Kakilig nemeenn.
Nagtulungan kaming dalawa ni zion sa gamit naming dalawa. Syempre, nagtulungan din yung anim. Pagkarating pa lang namin, inasikaso na agad kami ng mga staffs, like they are welcoming us. They are very friendly.
Ang kinuha naming room ay yung Sunset Sea View. Dahil hindi papayag si camille na magsama kaming walo sa iisang room, ayan, iisang kama ang kinuha na dalawang tao ang magkakasya. Ayan tayo eh. Palibhasa, gustong ma solo ang mapapangasawa niya. Naku naman talaga, camille! Yung dalawa naman kilig na kilig! Jusko!
Kaming dalawa ni zion ay nagkatinginan lang, at nagngitian sa isa't-isa. Naranasan na naming magtabi sa iisang kama, kaya hindi dapat ako kabahan. Sinamahan kami ng mga staffs at sila na rin mismo ang magbubukas ng aming rooms. They will also do the room tour.
Pagkatapos ng lahat ay pumunta kaming restaurant para doon mag launch. Sabay kaming walo, dahil magkakatabi lang naman kami ng kwarto. Bago ako lumabas, ay nagbihis muna ako ng short at swimsuit. Sexy ko ngayerrnn. Ganon din yung tatlo kong kaibigan.
Four days kami mags-stay dito, at sa loob ng four days, sigurado akong marami kaming gagawin, kaming walo mismo. Lahat napagplanuhan namin.
Dahil 3 weeks ang semestral break namin, dito din kami mags-stay sa Manila in 3 weeks. Alam ko na marami kaming papasyalan sa susunod na mga araw. Ipapasyal ko si zion sa Manila.
Naghihintay lang kami ngayon ng aming launch habang masayang nagkukwentuhan. Minsan kaming apat na magkakaibigan ang nag-uusap, minsan naman yung mga lalaking magkakaibigan. Pero majority ay mga mag-jowa. Syempre kailangan yon.
" Pero first time natin na mag getaway, tayong walo. Kadalasan kasi, sa restaurants lang tayo eh. " sabi ni aeron nang napag-usapan ang getaway naming walo.
" Oo, atsaka magandang ideya din to. May oras tayo para makapagrelax, at malayo sa syudad. " ryan agreed.
Lahat kami ay nagsitanguan. Maya-maya ay dumating yung launch naming walo. Masaya kaming kumain, may subuang naganap, at hindi mawawala syempre yung sweetness.
***
A/N: Credits po to the rightful owner of the photo. Thankyouuu.
Nagandahan kasi ako sa Club Funta Fuego. Ang ganda ng view, bagay sa mga magjowa. Napuntahan niyo na ba yon?
BINABASA MO ANG
My First Love
RomansaThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
