Chapter 13💛

16 0 0
                                        

' Boy BestFriend '

Vincent's POV

Ang saya niyang kasama. Kokonti pa lang yung pinagsamahan namin, pero ito at masaya na kaming dalawa. How come?

" Alam mo, ikaw ang unang lalaking nagdala sa akin dito. Uhmm... pwera kay daddy. " nakangiti niyang sinabi.
Napangiti ako sa sinabi niyang yon.
" Wala kasing lalaking naglakas-loob na lumapit sa akin o magpakilala man lang. Sa katunayan, ikaw palang. " pagkukwento niya.
" Kahit sa Quezon City. Sa syudad. Hindi ko alam kung takot ba sila dahil masungit ako, o ayaw lang nila sa akin. " kumunot ang noo niya.
Todo kinig naman ako sa mga ikinukwento ko.
" Maganda naman ako. Masayang kasama. Masungit lang naman ako kapag hindi mo pa ako nakilala. Mahiyain ako kapag bago lang tayong magkakilala. " tapos umirap siya.
Siya na mismo ang nag describe ng sarili niya. 
She is so attractive.

Taga QC pala siya.

" Taga-QC pala kayo? Kaya pala ang ganda ganda mo. " sabi ko nang nakangiti at kumunot ang noo niya.
" Bakit kayo nandito? " tanong ko.
" Nandito kami kasi nakakasawa na don sa syudad. " sagot niya.
Napatingin siya sa akin.
" Bakit? Mga pangit ba ang mga babae dito? " pahabol niya at kumain ng kanin at chicken.
" Iba kasi ang ganda kapag sa syudad ka nakatira. " simpleng sagot ko.
Tumango siya at natahimik.
" I'm a famous model in QC. We owned a company and Mom and Dad managing it right now. Huminto muna ako sa pagmomodelo kasi gusto kong maranasan kung paano maging ordinaryong tao. " kwento niya. Tumango at tinignan lang siya habang kumakain.

Modelo siya sa syudad. Siguro kahit sinong babae, gusto siyang maabot. Ang ganda ganda niya. Bagay sakanya ang pagmomodelo.

" Daddy gave us a chance to stay here in province. Hindi namin alam kung may balak pa ba kaming bumalik doon. Bahala na. " sabi niya.

Hindi magtatagal babalik sila sa syudad, nandon yung buhay nila. Sinusubukan lang nila kung papaano mamuhay nang simpleng tao.

" Ikaw? Anong trabaho ng pamilya mo? " tanong niya.
" Wala akong trabaho. Ang trabaho ni papa ay Janitor sa mayamang eskwelahan. Si mama naman nasa bahay lang. Labandera siya. Nilalabhan niya yung mga damit ng mayaman naming kapitbahay. Ang laki pa ng sahod.. Kaya naman, nag-aaral akong mabuti para mabigyan sila ng magandang buhay at para na din matupad ko ang mga pangarap ko. " ang sagot ko.
" Buti ka pa. Simple lang ang pamumuhay niyo. " tapos ngumiti siya.
" Mas masaya kasing mamuhay ng simple dahil kahit papaano'y ramdam mo ang pagmamahal. " sabi ko.
Napatango siya.

" May kapatid ka ba ? " tanong niya.
" Oo. Isa pa yon, nagtatrabaho ng maigi yon para makapagtapos ako. " nakangiting sabi ko.
Namimiss ko tuloy si kuya.
" Ikaw? " balik tanong ko.
" May kapatid akong lalaki. Siya ang magiging tagapagmana ng kompanya namin. " sagot niya.

Sandaling tumahik, tahimik na kumakain.

" Masaya ako dahil nakasama kita ngayon, at mas nakilala pa. Sana maulit muli ito. " nakangiting sabi ko.
" Masaya rin ako kasi nakasama kita. " and she smiled.

Nung tapos na kaming kumain, konting pahinga atsaka kami lumabas ng Jollibee.

" Quantum tayo. Let's enjoy this daaayy." parang bata kong sabi.
Nagliwanag ang mata niya at tumango-tango.

Tumakbo kami ulit at magkahawak kamay nanaman kami.
Bahala na magka-appendix.

*quantum*
Una naming nilaro yung isda. Yung babarilin mo sila tapos mamatay sila w/ money. Ang dami agad tokens.
Share share lang kami sa tokens. hihi.

Sunod ay basketball. Papatalo ba siya? Syempre nag-basketball din siya.

" Taas ng score ko, zion! Tignan mo. " mayabang niyang sabi.
Her score is 30. Mababa lang yan.
" Mas mataas ako. " pagmamalaki ko. My score is 60. Ang taas diba?

Ang tao ay nagsasawa. Kaya nung nagsawa kami, sinunod namin yung sayaw. Yung may arrow. Susundin lang namin kung saan siya tutuon.

" Marunong ka sumayaw? " tanong niya.
" Wala ka bang tiwala sa akin? " nakangisi kong sabi at tumawa.
Tumawa lang din siya at sa mga oras na yon, nagsimula na ang nilalaro namin. Teka, laro ba to?

We enjoy the ride together.
Sa sobrang saya namin, halos di ko na mabilang ang tawa naming dalawa.
Tawang-tawa siya ngayon, kasi nga madaya yung arrow at yung mga sayaw ko? Ambaduy!
Sa sobrang tawa niya, napayakap na lamang siya sa akin at ako naman syempre natatawa.

Isip bata siya. Gusto niya palaging masaya. Masaya lang, walang lungkot.

May mga taong nakatingin at may mga taong natatawa rin at kinikilig sa aming dalawa.

" Bagay po kayo. Sana magkatuluyan kayo. " sabi ng babae at ngumiti saka siya tumuntong sa stage. Siguro siya yung susunod na magsasayaw.

Tinignan lang namin siya at nginitian.
Naka-akbay ako ngayon kay drey, at nakahawak siya sa beywang ko.

" Zion.... " tawag niya.
" Hmmmm? " saad ko.
Narinig kong napabuntong hininga siya.
Take note, ganon pa rin yung posisyon namin.

" From now on, boy bestfriend na kita at girl bestfriend mo na ako. " nakangiti niyang saad.
Natuwa ako sa sinabi niyang yon, at parang gusto kong tumalon dahil finally, bestfriend ko na siya at siya pa mismo ang nagsabi nun.

Tinignan niya ako nang nakangiti.
Her face is so angelic.

I pinned her cheeks because she is so cuteeeee. <3

(End of Chapter 13)

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon