Chapter 36💛

7 0 0
                                    

" STORIES UNTOLD "

Andrea's POV

Daddy wants my kuya to be a better person. To be a better version of his self. Kasi bilang DE LOS REYES, dapat lahat ginagawa mo, dapat lahat pinag-aaralan mo, at dapat lahat pinaghihirapan mo. Hindi ka lang basta basta tutunganga at maghihintay ng grasya. You have to do it by yourself. Yon ang gusto ni daddy na matutunan namin. Dahil matigas ang ulo ni kuya non, hindi niya pinakikinggan si dad.

But when kuya turned first year highschool, napapagtanto niya na tama nga si daddy. Kailangan ganito, kailangan ganiyan. Ofcourse, I knew that because he's telling me everything. He is my brother, after all.

Ilang beses sumunod si kuya sa mga pinapagawa ni daddy, hanggang sa masanay na ito, maging masaya sa ginagawa. Dito rin nalaman naming lahat na si kuya ang magiging tagapagmana ng kompanya balang araw. He will be the one to managed it in the near future. Daddy even announce on the whole crowd, nagpakain pa and all.

I didn't feel insecurity at all, dahil hindi naman ito kompetisyon na kailangan kong ipaglaban. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako nagpapakahirap makuha lang ang gusto ni daddy. Inaamin ko na gusto ko ring maging tagapagmana ng kompanya. Pero habang tumatagal, habang nakikita ko ang paghihirap ni kuya, parang ginusto ko na lang na maging maganda at all times.

Daddy sent him to California, to learned a lot, a lot, a lot of  things to do when you will be the heir of the company. Taray ng kuya ko, pumuntang california at nagpakasarap sa buhay. Umiyak pa nga ako nun nung umalis siya eh. Pero... that's life.

And the rest is history. I continue my life, and there I found myself, walking on the stage, smiling to all people ng walang halong kaplastikan, ang getting all the fame I surely deserved. 

" The first time I enter school, it was good, the atmosphere is good. Pero may lalaking medyo ginulo ang mood ko, at hindi ko aakalaing magiging dahilan ng kasiyahan ko ngayon. " pagsisimula ko ng kwento.

" Actually, we met in church. We quite stare at each other. Nung nasa plaza na kami ay binilhan pa ako ng juice at ako naman syempre inis na inis kasi kanina niya pa ako kinukulit non eh. " sabi ko habang natatawa. Si kuya naman tumawa din.

" Ayon, binigyan ko siya ng chance na makilala ako when he ask permission. Pinatunayan niya ang sarili niya sa akin, ginawa niya ang lahat, he even surprise me and doing a lot of efforts. He is still courting me now, at sana wag kayong magulat kapag sinabi ko sa inyo ito.. " kinakabahan ako pero bahala na.

" Sa sandaling magkasama kami, sa sandaling magkayakap, sa mga pinapakita niya, sa mga pinaparamdam, sa mga masasayang bagay, masasabi kong mahal ko siya at mamahalin ko pa siya paglipas ng araw. " ngumiti ako ng bahagya. 

Ang mga mukha nila ngayon ay hindi masyado nakangiti pero sapat na para sabihin kong hindi sila nagalit o nadismaya man lang.

" Tara na, fam. May nanalo na eh. Uwi na ako. " pabirong sambit ng kuya. Natawa naman si mommy at daddy. Kinakabahan ako kay daddy, akala ko magagalit siya.

" Anong pangalan niya? " tanong ni daddy at uminom ng tubig. Pansin ko na parang masaya siya para sakin na parang hindi.

" Vincent Zion Ortega, po. " sagot ko. Napatango silang lahat.

" Patingin nga ng cellphone. " paki-usap ni kuya. Ibinigay ko naman sakanya ang phone ko. Wallpaper ko pa din yung mukha ko kaya nandyan lang sa gallery ang pictures naming dalawa.

" Ito siya, dad. " pinakita ni kuya ang litrato naming dalawa. That was taken when he announced in the stage na nililigawan na niya ako.

" Gwapo siya ha. " papuring sabi ni mom. I smiled. Gwapo naman talaga yon.

" Yes. I want to meet him sa oras na sagutin mo na siya. Okay? I'm happy na may nagpapasaya na sayo. I'm happy that you're happy. " nakangiting sabi ni dad.

" Pero paalala lang na hindi basta-basta ang papasukin mong relasyon. Papasok ka sa isang relasyon, at magkakaroon ng maraming pagsubok, anak. God will testing you two. Kung kayo nga para sa isa't-isa, dapat maging sigurado na kayo. " nag-aalala niyang sambit.

" Kung makasabi naman ng hindi basta-basta ang papasukin, pero siya itong nagmamadali at sinasabing kung kayo talaga para sa isa't-isa, hays! Minsan talaga di ko din maintindihan sayo, dad! " puna ni kuya at napakamot pa sa ulo. Natawa ako. 

" Shut up, son. I'm just making sure. We do not know what might happen in the future. " sambit ni daddy.

Nginitian ko naman si daddy. Napatayo ako niyakap siya. Pumayag siya.

" Thankyou so much, daddy. " masaya kong sambit. He hugged me back. 

" Oh? Anong nginunguso mo dyan, gian? " biglang tanong ni mommy. Napatingin naman ako sakanya.

" Ipapakilala na ni kapatid ang kanyang magiging boyfriend, samantalang ako hindi pa pwede. Pinapahanda ko na nga siya para sa paghaharap niya sa inyo eh. " aba, aba umaarte pa. 

" Gian, there are things in universe that you won't understand if I'll explain it. Ikaw ang pinaka-inaasahan ko. Dadating ang panahon makikilala namin siya. " pagkaklaro ni dad.

" Pumayag ako kay andrea, kasi nakikita kong masaya siya at ayokong sirain ang kasiyahan na yon. Kung saan siya magiging masaya, magiging masaya na din ako para sakanya. Kung anong gagawin niya para sa pag-ibig, susuportahan namin siya dahil alam naming don siya masaya. Ang ipaglaban ang gusto niya. " paliwanang ni daddy. I smiled.

" As for you, hindi pa ako pumapayag na ma meet ang girlfriend mo, it's because I don't want to give you an advantage na kesyo pwede mo nang gawin ito, pwede mo nang gawin ang ganiyan. Masaya ako para sayo dahil nga may girlfriend ka na, pero there's a lot of things to focus than that. Son, sa ilang taon na pinatunayan mo ang sarili mo sakin, tuwang-tuwa ako. Kasi you're willing to do anything just for our company. Alam ko yan. Ginagawa mo ang lahat para sa kompanya. " daddy smiled while explaining.

" Wag kang magtampo sa daddy kasi he is doing this all for your own good, not for his own good. Alam mo yan, gian. Darating ang araw, papayag ang daddy mo na makilala ang girlfriend mo. " mommy added. I smiled at them. I am so thankful na sila ang naging magulang ko.

" Eh paano kung mag break kami? Ayoko na siyang pakawalan, dad. " malungkot niyang sambit. Hindi na yan nagtatampo. Kilala ko yang si kuya.

" Hindi kayo paghihiwalayin ng panginoon kung kayo talaga ang para sa isa't-isa. You just have to make sure na you will take things seriously para mapasayo siya ng tuluyan. That's how you win the one you loved. " ngumiti si daddy at napatingin kay mommy. Ayan, kinikilig ang mommy namin.

Napuno ng kasiyahan ang pag-uusap namin hanggang sa matapos kami. Bago kaming natulog lahat, nagkwentuhan muna kami sa sala. Masaya dahil kumpleto kaming apat ngayon.

" Pupunta tayong Tagaytay sa Tuesday. We will have a family time and a vacation also. " good news na sabi ni mommy.

" Really? First time kong makakapunta doon. " excited na sambit ni kuya. Ngumiti lamang ako ng bahagya. It was not my first time to go there. Pumunta na kami don ng kaming tatlo lang ni dad. It was their favorite place. It was also the place where daddy propose to mommy. Oh diba.. taray.

I end my night with a video call on zion. Isang araw pa lang na hindi kami magkasama, miss na miss ko na siya kaagad.

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon