Chapter 38💛

7 0 0
                                    

" QUALITY TIME W/ KUYA "

Andrea's POV

" What I hate so much is the people. Crowded. Ang daming gustong magpapicture. " reklamo niya. Kanina pa yan nagmamaktol simula nang makapasok kami sa sasakyan. Kanina pa din ako tumatawa sa mga sinasabi niya. Hindi ko kasalanan na sumama siya sakin dito. Tsk.

" I regret coming with you. I wonder how you get to used to this kind of atmosphere. Samantalang ayaw na ayaw mo sa mga tao noon. " pagtataka niya. Tama naman siya. Naiinis ako noon sa mga tao. Alam niyo yung ang daming pumupunta sa bahay, mapa co-workers, empleyado, at mga ka partners, pero wala ako ni isang nakilala sakanila. Alam niyo yun? I don't know. I just don't know it. Pero noon yon. Iba na ngayon.

" I told you. You shouldn't go with me in the first place. Pero dapat masanay ka na. Furthermore, people changed. And so do I. " sambit ko habang tinititigan siya. Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos nun. 

We arrived in the mall, at medyo hindi ako nakilala ng mga tao kasi naka shade ako. May ibang tumitingin sakin, at may iba namang inaalala ako.

" What should we buy first? " nag-iisip na tanong ko. Nakahawak ako sa wrist ni kuya, just so you know.

" Why don't we go to Penshoppe, H&M, Forever 21, Surplus, and many more. Since we are here to have some shopping. " nakangiting suhestyon niya. I nodded.

Like what he said, pinuntahan nga namin ang mga professional na stores dito. Kailangan ko rin pala ng sneakers dahil lahat ng mga sinusuot ko ay puro heels. I have my credit card so bahala kung ano ang mga bibilhin ko.

" May utang ka sakin. Ilibre mo rin ako sa susunod. " dinuro ko pa siya.

" Don't worry, my sister. Dadalhin kita sa California at doon kita ililibre. Maraming mga damit don at marami ka ring magugustuhan. Gusto mo yon? " nakangiti niyang sambit. Napalawak naman ang ngiti ko.

May bitbit akong paper bags at may bitbit din siya. Our last stop is to Department Store. Kakain na kami pagkatapos nito.

" Kapatid, gusto kong bumili ng pedal. Susuotin ko sa tagaytay. " sabi niya. Tumango lamang ako at hinayaan siya.

Ako naman bumili ng short na nagustuhan ko dito sa department. It's a denim at napagpasyahan ko na suotin din ito bukas.  Syempre mawawala ba ang swimsuit? Nakabili na ako.

Pagkatapos ng lahat ay kumain na kami. Nagkukwentuhan lang kami ni kuya about sa nangyari kanina. Tungkol sa temporaryong pag-alis ko sa pagmomodelo.

" I just don't want to continue my passion habang yung taong mahal ko naghihintay. Ayokong bigyan siya ng sakit ng ulo. Nasabi ko na to kanina, inuulit ko lang dahil parang hindi mo yata naiintindihan. " pagkaklaro ko.

" You know why I don't get it? It's because I can't relate. Isipin mo, may girlfriend ako. Gustuhin ko mang umalis o takasan ang mga gusto ni dad, hindi ko magawa kasi napaka-importante yon. Malilintikan ako. And I know you can't also relate to my damn situation. " obvious na sabi niya. I laughed.

 " Daddy and Mommy are so complicated. " umiiling na sabi ko. Tumawa siya ng mahina.

" On a serious note, will dad and mom know about your decision? O sasabihin mo mamaya sakanila? Because for sure, kapag hindi mo sinabi ito, magagalit yun. " tanong niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Desisyon ko to, kaya paninindigan ko to.

" Yeah. Sasabihin ko mamaya sa hapunan. I am sure hindi naman magagalit si daddy kasi I have a valid reason. " kampanteng sambit ko. He just nodded and smiled.

Pagkatapos naming kumain, medyo nagtagal pa kami sa mall. May kaunting palabas kasi sa ground floor. So nanuod kami sandali. Hanggang sa nabagot si kuya at nag-ayang umuwi na.

" Thankyou for treating me, kapatid. I love you. " aww, how sweet my kuya. I smiled at him.

" Your welcome. I love you too. Babawi ka sakin ha. Aasahan ko yung sinabi mo. " sabi ko habang dinuro-duro siya.

" Ofcourse! Just don't hesitate to tell me kapag gusto mong pumunta ng california, kasi ako pa mismo magpa-process ng passport mo. Alright? " he pinned my cheeks. I nodded excitingly. Wow!

" Looks like our daughter and son are having quality time together, hun. My heart is so happy. " our mom says smiling. Natawa kaming dalawa ni kuya.

" Oo nga eh. How was it? " daddy agreed.

" T'was good. Medyo maraming tao sa mall. Ang daming babaeng nakatingin sa akin, at may iba pa na tumitili. " kwento niya. I was busy finding some clothes a while ago, kaya hindi ko nakita na nagtitili ang mga babae sakanya.

" Sanay na sanay ang mga tao sa kagwapuhan ko doon sa california. Sa pilipinas ba minsan lang sila makakita ng ganito klaseng kagwapo? I'm just curious. " tanong niya habang umiinom ng tubig. Daddy just laugh at him.

" Alam mo kasi anak, may iba't ibang klase ng babae sa mundo. Magkaiba rin ang lugar na kinalakihan mo, at lugar na pinuntahan mo. Maaaring dito sa pilipinas ganito o ganiyan ang mga babae, pero sa ibang bansa, iba din. You have to understand that kind of perspective. " a mother words will never fail us all. Napatango si kuya.

" Katulad ko... gwapong-gwapo sila sayo, pero ako hindi. Simple as that. " pabiro kong sambit at dumiretso na sa taas para hindi niya ako maabutan.

" Nice joke, my dear sister. Very nice. " umiling siya at tumabi kay dad sa sofa, watching action movies. HAHAHAHA.

I opened my laptop at saktong pagbukas ko, tumawag bigla si Zion. Nagulat nga rin ako eh.

(Hi looveee!) masayang bati niya. I smiled at him.

"Hellooo. How are you?" tanong ko.

(I'm okay. Medyo malungkot kasi dalawang araw na tayong hindi magkasama. Namimiss na kita.) halata sa boses niya na nalulungkot siya.

"Awww, don't worry. Uuwi rin ako. Makikita mo rin ulit ako." nginitian ko siya. 

(Kailan uwi mo, love?) tanong niya.

"Maybe thursday pa, love. Kasi pupunta pa kaming tagaytay tomorrow. I don't know kung mago-overnight kami o hindi, pero I'll inform you. Itetext kita." paalam ko. Tumango siya.

(Sigurado mago-overnight kayo. Kasi tagaytay is the place where you can relax at sigurado akong magugustuhan niyo dun.) dagdag niya.

"Nakapunta ka na dun, love?" tanong ko pa.

(Oo. Last time. Maganda don, promise. Hayaan mo, pupunta tayo don ng tayong dalawa lang.) kinilig naman ako sa huli niyang nasabi. We can't say na kaming dalawa lang, hahaha. Sigurado sasama yung tatlo kong mga kaibigan. 

Napahaba ang usapan namin at napagkwentuhan pa namin yung pag-alis ko kanina at tungkol sa aking pagmomodelo. Hanggang sa tinawag na ako ng aking personal maid para kumain.

"Byeee, love. Kakain na ako. Ikaw din ha. Wag magpapagutom."  paalala ko sakanya.

(Sigeee. Ingatan mo sa palagi sarili mo. Sabihan mo ko kapag uuwi ka na. Susunduin kita. Alright?) masaya niyang sambit. Ngumiti ako habang tumatango.

Sa pagbaba ko, kinabahan ako nung makita sila daddy, mommy, at kuya na nag-uusap at hinihintay akong makaupo sa aking upuan. Sasabihin ko ngayon kay dad ang desisyong ginawa ko at maghahanda ako ng maraming sagot para dito. Napatingin ako kay kuya, he just smiled at me, parang sinasabi niya through his smile na kaya ko to. Mabuti nandyan siya para pagaanin ang loob ko kahit papaano. This is it!

***

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon