" CHILDHOOD FRIEND "
Andrea's POV
" Binilin ko kay mommy na hintayin mo lang ako sa bahay dahil mabilis lang ako. " seryosong sambit ko. Napakamot naman siya sa ulo.
" Sabik na sabik akong makita ka. Namiss kita kaagad. Pasensya na. " sabi niya. Ngumiti lang ako, nabibigla pa rin ako dahil nandito siya. Pinindot naman ni grey ang tagiliran ko.
" Anyways. Love, he's my manager. Grey Chan. Grey Chan, boyfriend ko. " pagpapakilala ko. Nag shake hands naman yung dalawa.
" Ikaw pala yung boyfriend. " nakangiting sambit ni grey. Nakangiti siya ng bahagya habang napapatango naman si zion. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa aking manager.
Nang sandaling lalabas na kami, may tumawag pa sa pangalan ko.
" Andrea!! Sandali lang! " sigaw ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa babaeng tumawag.
" What now, ynah? " nakakunot ang mga noo ko habang sinasabi yon.
Hindi kaagad siya nakapagsalita. Nakatingin siya ngayon sa lalaking katabi ko. Biglang-bigla. Nagtataka ako kung bakit dahan-dahan siyang lumalapit?
" Ano ba sasabihin mo? Nagmamadali kami. " sambit ko.
" Y-ynah? " biglang sabi ni vincent. Nagtataka akong napatingin sa aking boyfriend. Magkakilala sila?
" Magkakilala kayo, love? " tanong ko sakanya.
" Bab! " masiglang sabi ni ynah. Hindi na nasagot ni zion ang tanong ko dahil nagsalita na ang hipokrita! At syempre alam niyo na kung anong kasunod nun. Kamustahan, tanungan kung ano na ang nangyayari, kung may nagbago ba. -_-
" Ipapakilala ko pala sayo ang aking girlfriend! " masayang sabi ni zion. Kahit inis na inis na ako, pinilit kong ngumiti para sakanya.
" Girlfriend mo yan? So kayo ang magkasama sa Funta Fuego? Ikaw pala yon? " nawala ang ngiti sa aking mga labi nung sinabi niya yon. Ang tanong na girlfriend mo yan ay nakakainsulto!
Syempre, alam niyo na din ang kasunod nun. Mahabang kwentuhan, tanungan ulit. Paulit-ulit tayo dito. Nagseselos na ako.
" Namiss kita, bab! " sa sinabing yon ni ynah, ay tumaas na ang aking dugo papunta sa aking ulo.
" Namiss rin kita, bab! " dagdagan pa ni vincent. Sige! Magkwentuhan kayo hanggang sa matapos ang araw!
Para naman mabigyan ko sila ng oras makapag-usap, umalis ako at binilisan ko ang aking paglalakad. Naghanap ako ng taxi, iniwan ko silang dalawa doon. Ni hindi ako tumingin sa likod kung sinundan niya ba ako, kung hinabol niya ba ako. Pero narinig ko na tinawag niya ako.
Pagkarating ng bahay ay mabilis akong kumain ng pananghalian, tinanong ako ni mommy kung bakit hindi ko kasama si vincent. Ang galing ko nga magsinungaling eh.
Hinintay ko siya sa bahay, pero walang vincent na dumating. Siguro, nagbonding ang dalawang yon. Hayaan natin, let them enjoy. Hanggang sa napagdesisyunan kong umalis at pumunta sa hotel na pinagstayan naming dalawa. Hapon na ako umalis.
Wala akong ibang ginawa doon, kundi manuod ng movie na nakakatawa, kumain ng chichirya, uminom ng tubig. Yon lang.
Kinagabihan, nagluto ako ng fried baboy. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako. Kung gusto niyang mag enjoy hanggang bukas, bahala siya. Pero sana matunton niya ako, at pumunta siya dito.
*ding dong2x*
I opened the door, dali dali kong binuksan, at bumungad sa akin ang mukha niya. Pawis na pawis siya at pagkarating niya'y saka niya pinunasan.
" Salamat at nandito ka. " nagpapasalamat niyang sabi. Umupo na ako at kumain ng dinner. Syempre sumunod siya. Habang kumakain kaming dalawa ay napapatingin siya sa akin. Pasimple lang akong kumakain. Nagtatampo ako ngayon. Manahimik kayo.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa mini terrace nila dito, habang umiinom ng tubig. Naiisip ko yung kanina, itatanong ko ba?
" Love, sorry about what happened awhile ago. Hindi ko na nasabi sayo kung ka-ano-ano ko siya, kasi biglaang pangyayari, love. I'm so sorry. " paghihingi niya ng tawad.
" Kamusta naman yung pag-uusap niyo? " tanong ko, not minding the words he says.
" Okay lang naman, love. Kumain lang kami saglit. " sagot niya, at biglang napayuko. Tila napagtanto niya na may mali sa mga sinabi niya.
" Hindi mo man lang naisip na nandito ako, naghihintay kung anong oras ka uuwi? Halos maumay ako kaka hintay dito, habang ikaw nag-eenjoy sakanya doon! " medyo tumaas ang boses ko.
" Ni hindi mo man lang ako hinabol, ni hindi mo man lang ako sinundan kaagad! Mas pinili mo yung babaeng yun! " may kanyan-kanyang buhay ang aking mga kamay kaya may paturo-turo pa akong nalalaman.
" Love, she's my childhood friend. Hindi na kita nahabol dahil hinatak niya na ako papunta sa sasakyan at dinala sa mga restaurant. Hindi ako mapakali, love. Palagi akong tumitingin sa orasan, iniisip kita, na sana nandon ka sa bahay niyo. " paliwanag niya.
" Ang tanging ibubungad mo sa akin pag-uwi mo dito, sorry?! Ganyan naman talaga eh! Puro nalang sorry! " sambit ko habang umiirap, saka tumingin ng diretso. Childhood Friend niya pala yung babaeng yon.
Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Kinikilig ako sa pagyakap niya, pero nagtatampo pa rin ako.
" Bitawan mo ako. Bitaw! " kaagad naman siyang bumitaw. Masunuring boypren.
" Nagseselos ako, alam mo ba yun? Nagtatampo ako, alam mo din ba yun? Kaaway ko yung babaeng tinatawag mong bab kanina! Nakikipag-kompetisyon yon sa akin kahit wala namang permiso ko. Inggit na inggit yon sa akin. Palagi akong inaaway nun. For sure habang kumakain kayo kanina, grabeng paninira niya about sa akin na siyang sinasabi niya sayo. Sigurado ako don! " magkatinginan kami ngayon, nasa harap kami ng flatscreen tv. Natahimik siya at hindi nakapagsalita.
" Tama ako, diba? Ang babae talaga na yon ay walang pinipiling oras para siraan ako. Kahit sino na lang eh. Hayaan mo, kapag nainip ako, makakatikim siya sa akin. " para akong bata ngayon dito na nagsusumbong.
" Hindi ka niya siniraan sa akin. Ikinuwento niya ang mga pinagdaanan niyo sa industriya. Sinabi niya rin na yun nga, naiinggit siya sayo. Wag ka nang magselos, at magtampo dahil kaibigan ko lang siya. Kahit anong mangyari, sayo pa din ako uuwi. Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw ang tanging mamahalin ko. " lumapit siya sa akin habang nakangiti at hinawakan ang pisngi ko. Ako naman ay seryoso pa din, at nakatingin lang sakanya.
" Layuan mo ang babaeng yon. Hindi ko kaya na makita kayong magkasama kahit alam kong magkaibigan lang kayo. Gaya ng sinabi mo ay magkaibigan lang kayo, layuan mo siya. Dahil baka kapag dumilim ang paningin ko, baka ako pa mismo ang magsasabi sakanya na layuan ka niya at wag na siyang magpapakita pa sayo. " seryosong sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Tumango siya habang hinihimas ang aking pisngi.
" I'm sorry. " paghihingi niya ng tawad at kaagad akong niyakap.
" Namiss kita kaagad. " sabi niya.
" I love you! " masigla niyang sambit. I smiled.
" I love you too. " sabi ko.
" Tamlay ng boses! Isa pa nga! " demanding naman nito!
" I love you, I love you, I love you! " paulit-ulit kong sambit. Napangiti naman ng bahagya ang mokong!
Bago matapos ang gabi ay pinag-usapan namin kung ano pa ang pwede naming gawin dito sa Maynila since 3 weeks kami dito magi-istay.
***
A/N, and babala na rin:
Sana ay patuloy kayong magbasa, patuloy niyong tangkilikin ang storyang ito. Maraming maraming salamat.
ABANGAN ANG MGA MANGYAYARI SA SUSUNOD, BECAUSE IT'S GONNA BE A LONG RUN!
***
BINABASA MO ANG
My First Love
Roman d'amourThere was a girl who named Andrea De Los Reyes. 17 years old. She is a famous model in town. Naging modelo siya dahil yun ang gusto niya. Maganda, matalino, mapagmahal, maunawain, matulungin, at maganda ulit. Mabait sya kung mabait ka. Maldita, masu...
